chapter 27

2572 Words
Chapter 27 (Maesy, point of view) . . . . . Umaasa ako na muli kaming magkikita ni Ren. Pero mukhang mapag biro ang tadhana, dahil nung araw na nagkita kami ni Ren, ay hindi na muli nag cross ang landas naming dalawa. Madalas din na nagkikita kami ni Mary Anne, nagkakasalubungan pa nga minsan sa daan sa loob ng paaralan. Pero si Ren, ay hindi ko na siya muling nakita. Naibalik ko narin kay Mary Anne yung lapis niya na hindi ko naman nagamit dahil sa lapis na alok din ni Jayvee. Pero yung krayola ni Ren, na sa akin pa din. Nung una ay hindi ko ibinigay kay Mary Anne, gusto ko kasi na ako mismo mag abot kay Ren, para maka pag pasalamat narin ako, at syimpre para may kadahilanan pa ako na makita siya. Pero lumipas ang ilang araw ay hindi nga nag co-cross ang landas namin, Kaya naman, Ibinibigay ko na eto kay Mary Anne at siya nalang ang bahalang mag abot kay Ren eto. Pero hindi niya tinangap. Sabi pa niya na ako nalang daw mag bigay iyun, dahil mukhang close daw naman kami. At saka daw hindi na daw sila nag kikita. Medyo naguluhan ako sa sinabi niya!, anong hindi sila nag kikita?! hindi bat mag kaklase sila?! paanong hindi sila nag kikita. Hindi ko na din siya na tanung sa bagay na iyun, dahil satuwing nag kikita kami ay minsan ako ang may ginagawa, minsan siya yung may ginagawa. Sa bahay namam ay hindi ko magawang puntahan siya sakanila. Sapagkat Lagi akung namamalagi sa botic ni tita Gwen. At maaga akung umaalis at syimpre ginagabihan narin kung umuwi. Kaya hindi ko na siya natanung sa bagay na iyon. . . . . . Isang linggo. Isang linggo nalang ang nalalabi at graduation day na namin. Pero isang simpleng graduation day lang ang magaganap sa paaralan. Moving up lang kung baga. Dahil sa susunod na taon ay kabilang na kami sa Senior high. "congrats friend!! moving up na!" bati sa akin ni Joan. "congrats din sa iyo. Congrats sa atin." sabi ko at nag yakapan kaming dalwa. "walang mag babago ha!" sabay naming sabi. At nagtawanan kaming dalwa. "ay! kayo lang? hindi kami kasama?" reklamo naman ni Bea. "syimpre kasama kayo! Congrats sa atin! tara! group hug naman!" sagot ni Joan. Nag group hug naman kami nila, Joan, Bea, Cherry, Rochelle, at ako. "buti at naka pasa tayong lima! exited ako! exited ako maka pasok sa senior." bulaslas ni Bea. Nang maghiwahiwalay kami sa yakapan. "salamat nalang at nasama ka sa naka pasa." sabat naman ni Cherry. "ay! grabi ka talaga sa akin Cherry. Don't worry! mas lalo kung guguluhin ang buhay senior mo sa susunod na taon. Tandaan mo yan." sagot ni Bea. "bat ang daldal mo?! hindi mo gayahin tong pinsan mo na tahimik lang." sagit din ni Cherry. "Rochelle! itakwil mo na siya bilang pinsan mo!" dagdag na sabi pa niya. Pero matawa-tawa lang na naiiling lang si Rochelle. "hay! naku! mamimis ko kayong dalawa. Sana magkaklase pa tayo sa susunod." sabat ni Joan. "kaya nga. Mamimis ko kayong lahat ng sobra. ilang buwan din tayong hindi tayo magkikita kita." sabi ko. "mamimis ko ang kulitan nila Cherry at Bea." saad naman ni Rochelle. Napatitig kaming apat sakanya. Dahil sa sinabi niya. Hindi sa dahil nag salita siya, dahil dun sa sinabi niya na mamimis niya. "oh?! bakit?" tanong ni Rochelle. "sa dami mong mamimis yung kulitan pa talaga namin ni Cherry ah!? talaga lang Rochelle?!" sabi ni Bea. "bakit hindi mo ba mamimis si mr.G.?!" kansyaw naman ni Joan. "ooyyy! ayhiieee!!" kansyaw din naming tatlo nila Cherry Bea at ako. "tumigil nga kayo! Hindi ko siya mamimis noh!" tanggol naman ni Rochelle. "sabi mo ey! bahala ka nga. Pag yan sa susunod na pasukan ay hindi natin siya kaklase, jan ka mag sisisi.." banta naman naman ni Cherry. Biglang namang sumimangot si Rochelle. Kaya nag tawanan kami dahil sa reaksyon niya. . . . . Araw ng graduation, o moving up! lahat ng section ay nag sama-sama sa hall. Luminga linga ako. Syimpre! nag babakasakali na baka makita ko si Ren. Hindi na din kasi siya nawala sa isipan ko simula ng magkita kami. Pinag sama-sama kami. Sa isang side ay ang mga babae, at sa kabila naman ay ang mga lalaki. At syimpre alphabetical arrangement. Kaya medyo nag kalayo-layo kaming mag kakaibigan. Nakita ko din ang mga dati kung kaklase at syimpre yung mga dati kung naging kaibigan. Nakita ko sila Mellisa, Emily, Abegail at Ilaycka. Nagkamustahan din at konteng chikahan. Nagkita din kami ni Camille, as usual! inirapan lang niya ako. Si Zynie din ay nakita ko din. Ayun! hindi parin nag babago. Pero nagkamustahan din kami. Ang dami kung nakita, a naka usap na mga dati kung kaklase. Pero yung isa kung gusto makita ay hindi ko makita. Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng hall. Hindi ko alam kung hahakbang ba ako papunta sa dapat kung upuan, o mag walk-out nalang. Pero, hindi ko pala pwedeng gawin iyon. Dahil eto na ang pinaka hihintay ko. Mag lalakad tatlong hakbang at hihinto na naman ako. Lilinga sa paligid ko. Kabado ako. Hindi lang sa hindi ko nakita si Ren, kundi kabado ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin ako sanay sa napakaraming tao. Hindi parin ako sanay maki halubilo sa iba lalo nat napa karami pang tao. Lalo pa na kahit isa man lang na kaibigan ko ay hindi ko lang katabi. Dahil sa kaba. Hinihila ko ang laylayan na suot ko. Dahil recognition day. Casual dress ang pina suot sa amin. At ngayon ay naka dress ako, hanggang sa lampas tuhod ko. Isang neavy blue ang kulay pa-taas na bahagi ng damit ko. Sa paibaba ay kulay blue green ang kulay na may desinyong bulaklak, pero malilit lang eto. Medyo pa ballon ang ibaba ng damit ko. Syimpre, simpleng make-up lang ang pinalagay ko sa nag ayos sa akin. Ayoko sana mag pa make up, ayuko sana mag make up. Kaso si lola at tita Gwen ay mapilit. Naka tirintas ang kalahating buhok ko na paikot ito, na parang korona. Ganyan ang ayos ko. Bumuga ako ng malakas na hangin! bahala na!. Nang aktong ihahakbang ko ang aking mga paa, may biglang humablot sa aking kamay. Sa sobrang kaba na nadarama ko kanina pa, ay nabigla ako sa humablot at inagaw ko ang aking kamay. Ngunit pag lingon ko, isang matipunong lalaki ang nasa harapan ko na hawak parin ang kamay ko. Napaka makisig niya. At ang gwapo niya. Para siyang artista sa Hollywood. Pero, teka?? bat parang mak kamukha siya?! sino nga ba yun?! Tama!! Kumurap kurap ako, at umiling ilinig dahi sa iniisip ko na kamukha niya, baka namamalik mata lang ako na kamukha niya talaga.Pero imposible naman na siya etong kaharap ko. Hindi ganito ka matcho at ka gwapo si Jayvee. Oo, kamukha niya si Jayvee. Aminado ako na gwapo si Jayvee. Pero hindi siya ganito ka gwapo. Ngumiti eto sa akin. Nang mag 'tsk!' siya saka ko doon nakomperma na si Jayvee nga etong kaharap ko. "Jay-Jayvee?!" bulaslas ko. "tsk! haayyy!! ngayong kalang ba nakakita ng artista?" sabi niya. "Congrats ha! tao ka ngayon!" pang-aasar na sabi ko. Ngumiti eto. "Dimo lang aminin na na gwagwapuhan ka sa akin ngayon. Hindi mo pwede ika ila, dahil may ibedensya! tulo laway ka!" pang aasar din na sagot niya. "ha! excuse me! saganda kung eto, matutulo laway ako sayo. Buti nagt nagmukhang tao ka ngayon! Tsk! baka nga ikaw ang tulo laway diyan!" sabi ko. Umikot ako sa harap niya at ngumiti. At may pa kindat pa akong nalalaman, dahil kinindatan ko pa eto. Nakatitig eto sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, at mula paa hanggang ulo. Hindi siya umimik. Basta nakatitig lang siya sa akin. Ilang segundo din na pakiramdam ko huminto muli ang palagid namin. Teka, ano nangyayari na naman. Ilang segudno ang namayani ang katahimikan sa aming dalawa at mayat maya nag salita na eto. "you look so beautiful, Ang ganda mo! Hindi pala, napaka ganda mo." basag niya sa katahimikan naming dalwa. "pero may kulang." saad pa niya. "ano naman ang kulang?" takang tanong ko. Kinuha niya ang kamay ko at inangat eto ng konte. May inilabas siya sakanya bulsa. At inilabas niya ang isang... . . . "bracelet?!" sabi ko. Nang isuot niya sa aking kamay. "para saan naman eto?" takang sabi ko. "yan! perfect na! ubod kana ng ganda ngayon! oh! paslamat kana, nagmukha ka ng tao. Ubod pa ng ganda" ngiting sabi niya. "unggoy ka talaga!! tangalin mo na ngayan. Hindi ko yan kailangan." sabi ko. "ano kaba. Sa iyo na yan. Regalo ko na sayo. Pa birthday gift ko na sayo, ay! hindi pala, pa birthday gift, graduation gift, thank you gift, at friendship gift!" sabi pa niya. Napa ngito ako. Ang ganda naman neto. Isang bracelet na ang desenyo ay ibat iba, may dolphin, star, half moon at heart. Pero bigla akung nalungkot, dahil wala pala akong gift sakanya. Tatangapin ko pa ba eto? "oh? bakit hindi mo ba nagustuhan?" takang tanong niya ng makita akung nalungkot ako. Umiling iling ako bilang sagot sa tanong niya. "sobrang na appreciate ko. Ang ganda neto. Pero wala pala akong regalo sayo," sabi ko. "ano ka ba. Walang problema. Ang tangapin mo yan ay sapat na." sagot niya. Pero, nahihiya parin ako dahil wala man lang akong maibigay na kapalit bilang pasasalamat. "paano ba kita mapapasalamatan?" nag susumamong sabi ko sakanya. "hay! ang kulit naman. Wag na nga sabi. Pero dahil makulit ka sege! kiss mo nalang ako." sabay turo sa chick niya. Yumuko pa eto ng konti. Dahil medyo matangkad nga eto kesa sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas hindi ko pa ginagawa ang paghalik sakanyang chiks. Ang pag halik talaga sa chiks amg hihilinigin niyang kapalit? pero, napaka simpleng bagay lang naman ang hinihiling niya. Kumpara sa mga bagay na naitulong niya sa akin. "Hayyy!" bagot niya na sabi. Nang akto ma niyang ilalayo na ang mukha niya sa pagkakatapat neto sa akin, ay bigala kong hinila ang kwelyo ng damit niya at hinalikan ko siya sa chiks. Hindi siya naka imik sa ginawa kung pag halik sakanya. Isang simple at maliit lang na kahilingan lang naman ang hinihingi, kaya napag desisyon akong ipag kaloob dito. Saka wala namang mawawala, sa chiks lang naman. "thank you! Thank you for everything Mr. Jayvee De sillva" bulong ko pa. Ngumiti ako at tumalikod sa kanya. Ang lapad ng nhiti ko. Tinititigan ko din ang bracelet na binigay niya. Pero, bigla akong napahinto sa paghakbang ko para sana lumapit na sa upuan namin. Kaso, nakita ko na ang iba ay nakatingen pala sa gawi namin ni Jayvee. Doon ko lang narealize ang nagawa ko. Nakalimutan ko na naman na nasa gitan pala kami ng hall at maraming tao pala. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko siya, nakakalimutan ko ang paligid ko. Yumuko ako, nahihiya ako. Hayy! pinag titingenan tuloy ako. Mayat maya, may humawak ulit sa kamay ko. Pagkatingen ko si Jayvee. "hayy! nakalimutan ko na hindi ka sanay sa ganitong sitwasyon." sabi niya. Hindi ako umimik. Hinayaan ko na hawakan niya ang kamaya ko. Naglakad kaming dalawa papunta sa mga upuan. Pero naka yuko parin ang ulo ko. "wag kang matakot. Nasa gilid mo lang ako. My distance nga lang yung pagitan natin,.pero atlest diba. Nakikita mo ng malinaw ang gwapo kung mukha." sabi niya at kumindat eto sa akin. "kung hindi ka komportable, tumingin kalang sa gawi ko." sabi pa niya at ngumiti. Pinapalakas niya talaga ang loob ko. Hay! Mabuti at naging magkaibigan tayo. Inihatid niya ako sa upuan ko. At tulad nang sabi niya magkatapat nga lang kami. May medyo distansya nga lang, dahil yung distansyang iyon ay daan papunta sa stage. Tulad din nang sabi niya, na satuwing kinakabahan ako o hindi ako komportable, ay tumngin lang ajo sakanya. At yun din ang ginawa ko. Satuwing hindi ako komportable ay lumilingon ako sa gawi niya. At siya naman ay kung anong ginagawa niyang ibat ibang expression ng pag papatawa sa mukha niya para maging komportable lang ako. At sa bagay na iyon ay napapa ngiti ako. . . . . . (Jayvee, points of view) . . . Ang ganda niya lalo sa suot niya. Lalong gumanda si Maesy sa ayos niya. Parang isang anhel ang ganda niya. Para siyang diwata. Bumagay sakanya ang simpleng ayos niya at sa suot niya. Binigyan ko eto ng bracelet, pero hindi ko hinangad na regaluhan niya din ako. Hindi ko inaasahan na reregaluhan niya ako. Masaya na ako kapag tinangap niya ang regalo ko. Pero hindi ko inaasahan na ang pag bibiro ko sa kanya na okey na sa akin ang isang halik sa chiks, ay tutuhanin niya. Nabigla ako sa ginawa niya. Hindi ko iyon inaasahan. Napa tulala ako. Teka?! pwede bang pa rewind?! hinalikan ako ni Maesy siya chiks?! Hinalikan niya ako. Best gift yun!! Nabalik lang ako sa reyalidad ng mapansin kung huminto sa pag lalakad si Maesy. At napag tanto ko na pinag titingenan siya ng iba. Nakalimutan ko na wala pala siyang alam sa totoong estado ko sa loob ng eskwelahan. Kaya dali dali akung lumapit sakanya at hinawakan ko ang kamay niya. Dahil alam ko na hindi siya magiging komportable sa sitwasyon niya. Inihatid ko siya sa upuan niya, habang magkahawak kami ng kamay. "naka jackpot ata tayo! ang lapad ng ngiti auh!" salubong sa akin ni Johnson. Pagka upo ko sa pwesto namin. Pero diko pinansin ang sinabi niya. Oo, magkakatabi kami, katabi ko si Johnson at Geron. At ang kambal ay nasa likuran namin. Actually! hindi talaga eto ang proper setting ko. Naki pag palitan lang ako. Pati etong dalawang si Geron at Johnson ay naki pag palitan din. Dito kami pumwesto sa pwesto ng kambal. At syimpre para malapit ako kay Maesy. Sa sobra kung saya, hindi ko namalayan na nasa gilid ko na si Geron, na biglang kiniskis ang palad niya sa mukha ko. Kung saang parte ako hinalikan ni Maesy sa pisngi. Saka hinalikan din eto ni Geron. "dumn! pare! " reklamo ko. At inilayo ang mukha niya. At nagtawanan ang apat. "ulitin mo pa yan, at mapapatay kita!" banta ko. "pero pag si Maesy, okey lang na humalik sayo. Pero ako hindi." Reklamo ni Geron. Masamang tingen ang iginawi ko sakanya. Hayy! bat ba ako nagkaroon ng supportive na kaibigan. Problema ko pa mga eto tuloy ngayon. Sinisira nila ang araw ko. Okey na ey! mga hin***pak talaga. Bumalik eto sa upuan niya, at umayos narin ng upo ang iba kung mga kaibigan. Dahil ilang sandali palang ay magsisimula na ang opening remarks para sa recognition day. Oo, ngayong araw ang aming graduation day namin, o recognation day namin. Sa bawat minutong lumilipas ay lagi akung sinusulyapan si Maesy. Binabangit na nila ang bawat pangalan ng mga studyanteng grumaduate at nag pupunta isa isa sa stage para kunin ang mga diploma at nang si Maesy na ang binangit, nagtaka ako ng may isang lalaking nakatitig dito. Well, kanina ko pa nakita ang lalaking nakatitig kay Maesy, akala ko isa siya sa gagraduate pero, Hindi pala kasi nasa gikid lang eto sa hall nanunuod. Pero napansin ko din na bawat kilos ni Maesy ay tinitignan niya. Sino kaya siya?! kakilala ba siya ni Maesy? . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD