Chapter 26
(Maesy, point of view)
.
.
.
.
.
"hello class! Good Afternoon!!" bungad samin ng aming guro pagkapasok niya.
"good Afternoon ma'am!!" saba-sabay naming sagot.
"im sure! prepared naman kayo diba?" tanong ni ma'am.
"well! our lesson for to day is art! so, ilabas na ang mga gagamiten, color and pencil. Go ahead!" sabi ni ma'am.
"ma'am! pano po kung wala po kaming dalang color at lapis po?! o kahit anong gagamiten?" tanong ng isa kung kaklase.
"wala namang problema. Kung hindi niyo magagawa ngayon yang art, so well be no grade for art" sabi ng aming guro.
"aiy! grabi naman si ma'am, agad agad?! walang pasabi?" reklamo ni Clariss
"im not unfair! yesterday i said to bring color and pencil! remember?" sabi ng aming guro.
Maraming nagreklamo na wala daw silang narinig, pero ang iba ay sinasabi na sinabi daw iyon ng aming guro. Ang iba kung kaklase ay may dalang pang gamit, pero ang iba ay wala. Katulad ko rin sila na wala.
"baka sabihin niyo na napaka teror ko naman, pinapayagan ko kayong lumabas mag hanap ng pang gamit, pwede kayo humiram sa mga kakilala neyo, o bumili. Wag lang kayong hihiram sa mismong kaklase neyo, dapat ang bawat isa sa inyo ay may kanya kanyang gamit na gagamiten. Understand?!"
"yes ma'am!"
Hay!! bat hindi ako naging girls scout.
Heto ako, nasa labas isa ako sa lumabas para mag hanap ng krayola at lapis. Yung iba kung kaklase bumili. Ako? nag dadalawang isip pa kung bibili o manghihiram nalang.
Andito ako muli sa hallway, malapit sa school supplies sa loob ng paaralan. Medyo malapit din ako sa gym ng paaralan. Inilibot ko ang paningen ko, nag babakasakaling my makita akong kakilala ko at baka mapahiram din ako. Nasasayangan kasi ako kung bibili pa ako. Ey! meron naman ako sa bahay. Hindi ko lang kasi nadala. Pero sadyang napaka swerte ko, at ni isa wala akong makitang kakilala ko.
Bumunting hininga ako. At sumimangot, nag patuloy sa paglalakad patungong school supplies, no Choice ako, kundi bumili.
Habang nag lalakad ako, lumilinga-linga din ako sa paligid ko. Napahinto ako sa pag lalakad ng my isang familiar na mukha akong nakita sa isang waiting area. Marami sila roon. Seguro mag kaklase ang mga eto. Pero yung isa doon, familiar ang mukha niya.
Nakatitig ako sa kinaroroonan nila.
Sa sobrang titig ko dun sa isa sa kanila, hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa akin. Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin neto ang pangalan ko.
"Ma-Mary Anne?!" sabi ko ng makilala ko ang lumapit sa akin. Kapit bahay namin si Mary Anne, pero kamag-anak ko pa siya, dahil ang lola niya at ang lola ko ay mag pinsan.
"sabi ko na nga ba, ikaw eiy! kanin pa kita kina kawayan, pero dimo ko pinapansin, pero sobra ka namang nakatitig sa kinaroroonan ko." sabi niya.
"pa-pasensya na." pag hingi ko ng tawad.
"may problema ba?" takang tanong ni Mary Anne.
"hm- mga kaklase mo ba ang mga andoon?" sagot ko. Imbes sagotin ang tanong niya.
"Oo. Bakit?" takang sabi neto.
Nakita ko na wala siyang dalang bag. May dahilan para mag tungo sa kinaroroonan nila. Sakaling my dala siyang gamit na kailangan ko. At nang malaman ko kung yung isa sa kaklase niya ay yung taong kilala ko din.
Hindi si Mary Anne ang nakita ko na familiar, isang lalaki ang tinutukoy ko. Gusto ko makalapit at maka segurado kung siya ba yun talaga.
"Ahm- Mary Anne, pwede bang makahiram ng krayola at lapis?" sabi ko.
"hihiram kalang ng krayola at lapis?! ganun? kaya titig na titig ka kanina sa kinaroroonan ko? ganun ba yun? tsk! umepal na naman ba yang mahiyain mo? tsk! buti nalang at naisipan ng napaka brightness kung mind na lapitan ka." mahabang sabi ni Mary Anne.
Nag oo nalang ako sa sinabi niya, hindi ko naman pwedeng sabihin sakanya ang tunay na rasun.
"Lapis lang ang meron ako." Sabi niya, "pero pwede kitang ihiraman sa mga kaklase ko ng krayola! halika dali!"
At bigla akong hinila ni Mary Anne papunta sa kinaroroonan nila kanina kasama yung lalaking familiar din sa akin.
"Guys! excouse me! sinong may dala diyang krayola? pwedeng makahiram?!" sigaw ni Mary Anne nang makarating kami sa waiting area.
Nakatalikod yung lalaki na familiar sa akin, nang makarating kami doon. Sakanya lang ako nakitingen, hinihintay ang pag harap neto.
Siya kaya?!
.
.
.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ng malapitan ang kanina ko pa tinitignan. Siya nga! Ang tagal ng hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
Nakititig ako sakanya, at ganun din siya. Nakatitig eto sa akin.
Hindi makapakali ang aking isipan at damdamin. Hindi ko alam kung paano humarap sakanya. Babatiin ko ba siya? kukumustahin ba? hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Ilang taon na ang nakakaraan ng huli naming pagkikita. Tatlong taon, tatlong taon ang lumipas ng huli naming pagkikita. Kailan pa siya bumalik? gusto ko siyang yakapin at sabihing sobra ko siyang namis. Pero pinipigilan ko. Paano kung hindi na pala niya ako neto kilala? paano kung kinalimutan na niya ako?!.
Dahil sa pag iisip ko ng kung ano ano, palihim kung kinusotkusot ang laylayan ng damit ko. Sobra kasi akung kinakabahan.
"sege na, pahiram lang. Ako ang bahala. Mabait tong si Maesy." doon lang ako nagising sa pag iisip ng bigla akung akbayan ni Mary Anne, at nagsalita.
Tumingin ako kay Mary Anne ngumiti dito.
"sege! ako nalang mag papahiram" tumingin ako sa lalaking nag salita. At hindi ko inakala na siya pa talaga ang mag papahiram sa akin.
May kinuha siya sakanyang bag, at inilabas neto ang krayola. Iniabot niya eto sa akin.
"heto oh! hiramin mo muna." sabi niya. At ngumiti.
"sa-salamat." mautal utal kung sabi.
Masyado akung kinakabahan. Nag hahalo ang saya at lungkot na nadaram. Saya na nagkita na ulit kami, lungkot dahil hindi ko man lang siya magawang yakapin.
"hi! long time no see?!, hmm- ilang taon naba? two? ay! hindi! three! tatlong taon na pala ang lumipas sa huli nating pagkikita." sabi niya. At ngumiti uli eto sa akin.
'tatlong taon. Tama ka. Tatlong taon na ang lumipas ng huli tayong magkita. At sa tatlong taon na iyon pinanghawakan ko ang pangako mo na babalik ka. At ngayon na andito kana, tutuparin mo na ba ang pangako mo sa akin? o baka naman nakalimot kanan.' sabi ko sa aking isipan.
Gusto kong sabihin yan sakanya. Pero hindi ko alam kung paano. May bahagi kasi sa aking isipan na nag sasabi na baka nakalimutan na niya ang pangako niya. Na baka nag bago na siya. Baka nga may kasintahan na eto.
Tanging ngiti lang ang ginanti ko sa mga sinabi niya.
"kumusta na? kumusta kana?" tanong niya.
'heto, naghihintay sa pagbabalik mo. Alam mo bang sobra kitang namis?! pinang hawakan ko ang pangako mo. Masaya ako at nandito kana ulit.' sabi ng isipan ko. Syimpre hindi ko kayang sabihin yan sa harapan. Lalo na na maraming nakatingen sa amin.
"o-okey lang. O-okey lang naman ako." mautal utal kung sabi. Sa dami kung gustong sabihin yan lang ang nasabi ko. Ewan ko din pa kung bakit mautal utal pa ako.
"wait! mag kakilala kayo?" singit na sabi ni Mary Anne.
"oo naman! hindi lang kami magkakilala." sabi niya at tumitig sa akin, saka siya ngumiti ng napaka lapad.
Teka! hihinga lang ako! whoooo!! inhale exhale! wait! hindi ako maka naka handa sa sasabihin niya. Ano sasabihin niya? na hindi lang kami mag kakilala? sasabihin din ba niya na may iniwan siyang pangako sa akin. Na! na! na!...
"mag kaklase kami nung first year." sabi niya.
Tumigil ako sa pag iisip ng kung ano ano ng sabihin niya yun. Bokya?! hayy! ang sakit naman. Nag assume ako. Hindi pala ganun...
may kung anong kirot akong nadama sa aking puso at isipan. Bakit mag kakalase lang ang sinabi niya?
'hay! ano ba yan Maesy? ano pa ba ang inakala mo? bakit? ano ba ang meron kayo? alam ba niya ang nararamdaman mo? ano nga ba kayo? ang tanong? meron nga bang kayo?' udyok ng aking isipan.
Tama nga, ano nga ba kami? ano nga ba ang meron kami? bakit kung maka asta ako para namang kami. Wala palang kami.
"diba, Maesy?" tanong niya.
"ha?! a! oo! mag kaklase kami nun nung first year ni Re-Ren." sabi ko.
Oo. si Ren nga. Si Ren Derick Orienza. Ang kaklase ko noong first year, Ang taong nagmulat sa akin ng masayang mundo. Ang taong minahal ko.
Siya din yung nakita ko dati na may kasamang apat na kalalakihan. Akala ko nag mamalik mata lang ako. Pero hindi. Siya talaga yung nakita ko dati. At ngayon ay kaharap ko na siya.
Ren. Kaylan ka pa bumalik? Kaylan ka pa bumalik rito?
Binuka pa niya ang kanyang bibig, may sasabihin pa sana kaso, may bigla tumawag sa aking pangalan.
"Maesy!"
Pag lingon ko sa taong tumawag sa akin nakita ko si Jayvee. Lumapit eto sa kinaroroonan ko.
"Jay-Jayvee?!" sambit ko.
"hay! kanina pa kita hinahanap. Andito kalang pala." sambit niya.
"bakit ba?" tanong ko.
"meron ka na bag gagamiten? kung wala wag ka nang mag-alala." sabi niya at may inilabas eto. Isang box na krayola, lapis at cupon band. Ngumiti pa eto sa akin.
"oh! diba? tara na!" sabi pa niya.
"pa-paano ka?" tanong ko.
"ano ka ba! meron na noh! boyscout ata toh! tsk! para sayo to" sabi nia at ibinigay niya sa akin ang mga dala niya krayola, lapis at copun band.
"excuse me! sino sila?" singit na sabi ni Mary Anne.
"Jayvee De sillva, classmate niya ako! at ikaw si?" sabi ni Jayvee.
"Mary Anne, kaibigan niya." pakilala naman ni Mary Anne.
Habang nag uusap sila Jayvee at Mary Anne, pasimple akong tumingen kay Ren, at nakita ko etong nakatitig kay Jayvee. Parang kinikilatis niya eto sa basi sa tinginan niya.
"napa ka sweet mo namang classmate, segurado bang classmate lang?" tanong ni Mary Anne.
Bigla naman ako tumingen kay Jayvee, akmang magsasalita ulit eto, tinakpan ko ang bunganga niya.
"sege Mary Anne, mauuna na kami, baka mahuli na kami. Ibabalik ko nalang etong nahiram ko mamaya." sabi ko.
Binitawan ko na ang kamay ko mula sa pagtatakip sa bunganga ni Jayvee. Akmang mag sasalita ulit, hinila ko na eto papalayo.
Hindi na tuloy ako naka pag paalam ng maayus kay Ren. Baka kung anong isipin niya.
Nakakainis namang to si Jayvee, panira ng moment.
Hayy!! magkikita paba kami ulit? hindi malabong mangyari yun, kasi andito na siya.
Tumingen ako kay Jayvee ng masama.
"oh?! anong tingen yan? ah?! walang anuman. Salamat! napaka gwapo ko ba?" pang aasar na sabi niya.
"tsk! unggoy!" tawag ko sakanya.
"sa gwapo kung eto, tatawagin mo akong unggoy?!" reklamo niya.
"at kailan ka pa naging si Johnson?!" sabi ko, dahil alam ko na linya ni Johnson yung sinabi niya.
Napa-isip si Jayvee sa sinabi ko, dahil kumot ang noo neto.
At binalingan ako neto ng tingen, at sumeryoso ang mukha neto.
"teka?! at kailan ka din naging ako? ha?! linya ko din yung sinabi mo ah!" seryosong sabi niya.
Ewan ko ba kung matatawa ba ako o ano. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Dahil ang seryoso neto pero yun lang pala ang sasabihin. Medyo natakot pa naman ako ng konti.
"hayyy!! ewan ko ba sayo! panira ka ng moment!" sabi ko nalang.
"bakit? gaano ba kayo ka close nung Mary Anne para sabihan ako na panira ng moment?" tanong niya.
"hindi ko lang siya basta kaibigan, kamag anak ko pa siya. Dahil ang lola niya at lola ko ay mag pinsan. Saka para malaman mo! mag kapit bahay din kami ni Mary Anne!" sabi ko.
"tsk! kala ko naman, na matagal tagal kayong hindi nagkita nung kaibigan mong iyun, para pag sabihan ako ng panira ng moment." sabi niya.
Mag sasalita sana ako ng marealize ko ang sinabi niya. Oo nga pala. Hindi niya alam kung ano ang sitwasyon na meron kami ni Ren.
Npatingen ako sa kinaroroonan nila Ren at Mary Anne. At nakita kung nakatingen pala sa aming gawi si Ren. At tumingen ako kay Jayvee.
Nagbuga ako ng hangin. Hayy!! ano ba naman to.
"hali kana nga!" yaya ko sakanya.
"bat ba, hindi kalang mag pasalamat. Ewan ko din sayo, kaw na nga tong tinulungan ikaw pa tong galit." sabi niya.
Naglalakad na kami papuntang silid aralan namin, pero napahinto ako sa sinabi niya. Dahil may punto siya. Hindi man niya alam ang nangyayari. Pero tama nga siya. Natulungan niya ako. Sinagip niya ako kaninan nang kaharap ko si Ren. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Kung hindi seguro siya dumating, panigurado na sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Halata naman dahil pa utal-utal na akong mag salita. Kahit pa na panira siya ng moment dahil naudlot ang kamustahan namin, naging savior ko naman siya dahil sa assuming kung dating.
Inaknayan ko si Jayvee at bumulong.
"kahit panira ka ng konte. Salamat parin"
saka ako humiwalay sakanya sa pagkaka akbay ko sakanya.
"may paganyan ganyan ka pang nalalaman ha!" sabi niya.
Ningitian ko lamang siya. Ewan ba pero pag kaming dalawa lang ni Jayvee nailalaabs ko ang ibang ako. Yung tipong hindi ko nagagawa sa iba, o hindi ko magawa sa harapan bg maraming tao ay nagagawa ko pag kami lang dalawa. Nailalabas niya ang ibang side ko. Diba, pati ang expression niya na 'unggoy' ay nasasabi ko ma din. Hayy! salamat talaga at nakilala ko si Jayvee.
.
.
.
.
.