Chapter 25
.
.
.
Lumipas pa ang mga araw, napag alaman ko na may kamag anak pa si Che Che sa side ng mama niya. Kaya nagpatulong ako kay mama at papa na tulungan ako sa pag hahanap sa kamag anak ni Che che.
Alam ko na matutuwa si Che Che kung nagkataon. Malalayo na siya sa itinuturi niyang pamilya, pero itinuturi naman siyang basura.
Hindi ko pina alam kay Che Che na hinahanap ko ang pamilya niya, gusto ko kasi isurpresa siya. Gusto ko pag sasabibin ko sakanya ay yung alam ko na andito na, yung alam kung aalagaan at mamahalin siya, ituturing pamilya. Seseguraduhin ko na masa mababait siya mapupunta.
Pero hindi ko namalayan na kay bilis ng panahon. Dalawang buwan na ang lumipas at kailangan na namin bumalik sa amin, tapos na ang pag babakasyon ko sa bahay ng tita ko.
Nung araw, nang pag alis ko, Hindi ako nakapag paalam kay Che Che. Gabi na kasi nun, at hindi na ako naka punta sa bahau nila, nakalimutan ko kanina sabihin sakanya, na tapos na ang dalawang buwan kung bakasyon. Nalungkot ako. Baka kasi hanapin ako ni Che-Che.. Paano kung, mas papahirapan siya habang wala ako. Sino na ang mag tatanggol sakanya.
Dibali, babalik din kaagad ako. Ipag papa-alam ko kay mama at papa na tuwing week ends, ay.doon ako kay tita mag we-week ends.
At laking pasasalamat ko na pumayag sila mama at papa sa gusto ko.
Makalipas ang dalawang linggo, Muli akung nagbalik sa bahay ng tita ko. At sabik din akung makipag kita kay Che-Che, exited na ako pumunta sa bahay nila. Hindi lang kasi ko eto masyadong na miss! dahil may maganda akong ibabalita rin sakanya, Dahil sabi ni papa at mama sa akin na nahanap na na nila ang kamag anak ni Che Che. At napag alaman din nila na mababait ang mga eto.
Pag punta ko sa bahay nila, dali dali ako umakyat. Umakyat ako sa pader gamit ang hagdan na pinagawa ko.
Pero, pag dating ko doon. Walang Che Che ang nadatnan ko. Pero nag hintay parin ako. Naghintay ako maghapon, pero wala paring Che Che ang dumarating. Nagtutungo din ako sa may pintuan papasok sa loob ng bahay nila, para malaman kung ano na ang nangyayari sa loob. Hindi ko iyun mabuksan dahil sa naka lock eto.
Hanggang sa sumapit ang hapon. Mag gagabi na. Pero wala paring Che Che ang dumating kaya naman kinabahan ako. Baka may masamang nangyari na sakanya habang wala ako, at hindi ko man lang na protektahan eto.
Tumulo ang mga luha ko ng diko alam kung bakit. Dahil sa kabang nararamdamam ko umakyat ulit ako samay bakud para makalabas, at nagtungo sa harapan nila. Para malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.
Pagdating ko sa harapan ay siya ring pag sarado ng gate nila kaya dali dali ko etong pinigilan para hindi maisara.
"thats you again?!" mataray na sabi ng mama nila.
"asaan po siya? anong ginawa neyo sakanya?" tanong ko.
"you mean that little girl?" sabi pa ulit niya, pero hindi ako umimik.
"She not here! and she never come back again! okey?! so Please?!, umalis ka nang bata ka! mag gagabi na! at baka hinahanap ka na din nila sa inyo!" dagdag niya. Pero hindi ko parin siya sinagot. Pumapatak na ang luha ko na hindi ko namamalayan.
Hanggang sa nakita ko si Chloue, at siya ay ngasalita. "wala na siya dito. Sa maniwala ka o hindi. Wala na siya dito. Kinuha na siya nung lola niya."
"ano? masaya kana?! tsk! paki alamero!" masungit na sabi ng mama ni Chloue.
Hindi ako sumagot, pero umalis na ako doon.
Bakit? bakit hindi man lang ako hinintay. At bakit ang aga naman ang pagkuha skanya ng lola niya, akala ko ba sa susunod pa na linggo siya kukunin. Bakit napaka aga naman. Bakit? hindi man lang niya ako hinintay.
Kinaumagahan, bumalik ako sa likod ng bahay nila Che Che. Umakyat ako sa puno, umakyat ako kay mr. tree, naging Mr. Tree na din ang tawag ko sa lunong eto, ng makaakyat ako, umupo ako. At sa pag mumuni muni ko, may nakita akong kapirasong papel, kinuha ko iyon at may nakasulat. Natuwa pa ako ng mabasa ko ang sulat dahil galing eto kay Che Che. Dahil naka sulat doon ang kanyang pangalan na siya ang nag sulat.
'Jay jay.. Ang tagal mo namamg bumalik sa amin, ang tagal mo namang magpakita. Seguro busy ka. Alam ko na babalik ka dito,.kaya nag iwan ako ng sulat, Jay Jay.. Kukunin na pala ako ng lola ko dito. Wag kang mag alala dahil mabait si lola. Siya nga pala may nakasabit kay mr. Tree na kwentas, sa akin yan bigay ni mama ko, ibibigay ko na sayo. May kapareha yan na nakay mama, pero nasa akin na ngayon. Tig isa na tayo ng kwentas, alagaan mo yan ha! balang araw mag kikita ulit tayo. Saka, dadalaw parin ako dito. Para makipag laro sayo.
Che-Che... '
at nakita ko nga yung kwentas, na naka sabit kay Mr. Tree.. May pendant eto na hugis bilog, at ang lock neto ay pinag dugtong na "che-ann"
Seguro yan ang tunay niyang pangalan, che-ann.
.
.
.
.
.
(end of flashback)
.
.
.
.
... Nakahiga ako sa lilim ng puno. Hawak hawak ang kwentas na nakasuot sa aking leeg. At binabangit ang pangalang, Che-Che.
Ilang beses ko na din hinanap sa internet ang pangang che-che o Che-ann na naka lagay sa kwentas, pero wala ni isa ang kahawig neto. Wala akong nahanap.
'mahal ko na si Maesy. Che Che, sana, masaya ka sa disisyon ko. Kung sakaling magkita muli tayo, sana mapatawad mo ako. Pero mananatili ka sa puso ko tandaan mo yan.' sabi ko sa kawalan, habang naka pikit ang aking mga mata at hawak hawak ang kwentas na nasa leeg ko.
.
.
.
.
.
.
(Mesy, Point of view)
Ang bilis lumipas ng mga araw. Heto nat ga-graduate na ako. Ga-graduate na ako bilang junior high. Tatlong linggo mula ngayon ay ang araw na ng aming Graduation day. Nakaka exite!
Pero bago ang araw na iyun, sa tatlong linggong paghihintay na iyon ay may magaganap, may maraming ganap sa mga araw na iyun.
Tulad na nga lang sa pagitan namin ni Jayvee. Oo, kung dati ay madalas na sila Joan at Jayvee ang makita na magkasama sa loob ng klase, ngayon ay nag iba ang ikot ng hangin. Dahil madalas na kami ni Jayvee ang magkasama. Pero, ang hindi nga lang nag iba ay ang pag sasama namin ni Geron. Ganun parin kami.
Ewan ko nga bat nag iba ang ihip ng hangin, at biglang sa akin nag didikit si Jayvee.
Hindi kaya way lang yun para maka sagap about kay Joan.
Oo, chismis kasi dito sa loob ng klase na si Jayvee ay may gusto kay Joan. Halata naman yun kahit di niya aminin. Super dikit kaya siya kay Joan. Pero ewan nga lang kung si Joan ay may gusto rin siya kay Jayvee. Satuwing tinatanong namin siya, tanging halakhak lang ang sagot neto. Kaya ayun! di ko na siya kinulit tungkol dun.
"Group 1! hurry up! ano na?!" saad sa amin ng aming guro.
Well, science subject namin ngayon. At kami ang group 1 na tinutukoy ni ma'am. Ako, si Joan, Bea, Cherry, Christian, Johnson, Geron at Jayvee ang mag kaka grupo. At ngayon ay nag prepresent kami ng report namin.
Sa aming lahat na mag kaka grupo, tanging si Jayvee lang ang kumikilos, sa tuwing may ipapa gawa siya o ipapa abot, yun lang ang ginagawa namin. About sa chemical, etsyetera, halo-halo, yung tipong about sa chemistry, about sa pag hahalo halo, pag gawa ng kung ano ano. Yung ang report namin.
Grabi, naka tunganga lang ako sa gilid. Namamangha sa gilas na pinapakita ni Jayvee. Hindi ko akalain na ganito siya katalino. Siya ang number 1 na nangunguna sa kalokohan, pero sa tingen ko, siya din ang nangunguna sa klase.
"tsk! baka mainlove ka niyan!"
Kumurap kurap ang mata ko dahil sa narinig ko. Pag lingon ko sa may gilid ko, katabi ko na si Jayvee.. 'Ano? ta-tapos na siya?!' sabi ng isip ko. Ang bilis naman ng pangyayari. Kanina lang naka titig ako sakanya dahil sa pagkamangha ko. Hindi ko namalayan na tapos na pala. 'teka?! si-sino yung nagsalita kanina?' sabi ulit ng isip ko.
Tinignan ko siya, pero naka kunot ang aking noo.
"bakit? may problema ba?" takang sabi niya.
"ikaw ba yung nagsalita kanina?" tanong ko.
"oo. Bakit? may iba ka pa bang katabi dito bukod sa akin?" sabi niya.
Lumingon lingon ako, at dun ko napagtanto na naka upo na pala ang mga ka grupo ko, maliban sa amin ni Jayvee na andito parin sa harap ng klase. Teka? bakit sila naka upo. At bakit kami nalang ni Jayvee ang nandito sa harap.
"bakit tayo lang ang nandito sa harap?" takang tanong ko.
"bakit? hindi mo ba narinig ang sabi ni ma'am?" sagot niya.
Umiling ako at sabing "ano ba yun?"
"sabi ni ma'am kasi, kung sino lang yung mag sasalita, at sasagot sa katanungan ni ma'am ay siya lang ang tatayo dito. Kaya ayun?! yung masisipag nating kagrupo umupo na. Tanging ako at ikaw nalang ang andito." sagot niya.
"hindi ko inaasahan na sasamahan mo ako dito. Akala ko kasi, masipag karin." dugtong niya, na nakangiti. Tsk! nakaka insulto!
Hay! ano ba yan, bat diko narinig yun! nakaka asar.
Teka! ibig sabihin nun, siya ang nag salita?
'baka ma in love ka na niyan'
Parang naka record sa isip ko ang salitang yun, paulit ulit kung naririnig sa aking isipan.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang lahat. Basta naramdaman ko nalang na hinila ni Jayvee ang aking kamay at nagtungo sa aming upuan.
Hanggang sa maka upo ako. Naka tulala parin ako. Nag rerewind parin sa akin ang salitang,
'baka ma in love ka na niyan'
.
.
.
.
.
Nag lalakad ako sa may hall way, papasok sa aming klase, pero may bitbit akung libro, mga nasa limang piraso. Buti nalang at back pack ang bag ko. Pero hindi ako si Dora. Habang naglalakad ako, may nakita akong mag kaka grupong limang kalalakihan, at isa sakanila ay familliar ang mukha. nagtatawanan ang mga eto.
Lalapit na sana ako sa kanila, para ma malaman o maka seguro na siya ba talaga yun. Ngunit biglang my umakbay sa akin, kaya huminto ako sa paglapit sa mga eto, pag lingon ko sa umakbay sa akin, si Jayvee pala eto.
"hey! sabay na tayo." sabi niya.
Hindi ako sumagot. Lumingon ulit ako dun sa kinaroroonan ng mga grupong kalalakihan kanina, pero wala na ang mga iyon dun.
"may hinahanap kaba?" tanong muli ni Jayvee.
"wala naman." sagot ko, sabay ngiti dito.
Teka, posible bang naka balik na siya? Posible bang andito na siya, posible bang siya yung nakita ko kanina. Pero, kailan pa?
Sa lalim ng pag iisip ko, nakalimutan ko na kasama ko pala si Jayvee. Bumalik lang ako sa reyalidad ng biglang kunin ni Jayvee ang mga librong hawak ko.
"teka! anong ginagawa mo?" takang tanong ko.
"tinutulungan kang mag dala neto?!" sagot niya.
"ano kaba! okey lang, ako na. Kaya ko naman." sagot ko.
"teka! nag oo kana kanina na tulungan ka, tapos ngayon bigla mong binabawi." sabi niya.
"ha! anong nag oo ako?! wala ka namang sinasabi" takang sagot ko.
Biglang pinalo ni Jayvee ang aking noo, pero mahina lang yun.
"tsk! ano ba!" reklamo ko. At inagaw.niya ang libro sa kamay ko.
"ako na! sinabi ko sayo na tutulungan na kita, at ng okey ka. Tsk! masyado atang malalim ang iniisip mo. Sege ka! baka malunod ka." sabi niya.
Ganun na ba ka lalim ang iniisip ko ng hindi ko maalala na nag alok siya ng tulong at in-okey-han ko. Wala naman akong maalala.
Pinabayaan ko nalang si Jayvee na kunin sa akin ang mga libro. Sabagay, nabibigatan na naman ako eh! Bitbit na niya eto habang naglalakad pa puntang library. Dahil ibabalik ko eto sa library. Hiniram ko lang kasi eto sa library.
Nauna siya na nag lakad. At sumunod ako, medyo mabilis siyang mag lakad, pero ako, binabagalan ko. Nasa isip ko parin yung nakita ko kanina. Siya kaya talaga yun. Sa bagal kung mag lakad, Nakita kung huminto si Jayvee at lumingon eto sa akin, hinintay niya ako na makalapit sa kanya, hanggang makalapit ako, hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.
"tulala ka na naman diyan. Ang lalim talaga ng iniisip mo. Sabi ko naman sayo baka malunod ka na niyan, Pero okey lang din basta ako ang iniisip mo, dahil pag nalunod ka, andito ako handang iligtas ka."
Saktong saktong nakahinto ako sa tapat niya ng sabihin niya yan. Naka tulala ako sa sinabi niya. Pero, mas lalo akong natulala ng bigla niyang hinalikan ang noo ko. Nabigla ako. Sa sobrang pag kabigla ko, naka tulala ako. Lumaki pa ang mga mata ko. Pero siya, ang lapad ng ngiti. Saka ako iniwang tulala. Nag lakad na eto mag isa. Bitbit ang libro.
Nakatitig ako sakanya, na tanging likod nalang ang nakikita ko, inihatid siya ng paningin ko. Tulala ako. Ang puso ko, heto na naman, ang lakas ng kabog. Ang lakas ng t***k neto. Teka! wala ako sa kapamahakan ngayon, pero bakit ganito ang t***k ng puso ko. Sobrang lakas, Hindi na nama normal ang puso ko.
Hanggang sa bumalik ako sa reyalidad ng hindi ko na nakikita ng tuluyan si Jayvee.
Kumurap kurap pa ang mga mata ko, hanggang ma-realize ko na nasa gitna pala ako ng hall way. At tumingin tingin ako sa paligid ko, dun ko din namalayan na bawat dumadaan ay tinitignan ako.
Napayuko ako, at saka mabilis na naglakad. Bigla kasi akong nahiya. Hayyy!! bakit ba ganito ang t***k ng puso ko. Bakit ganito.
Ano bang meron. Bakit sa tuwing may mga bagay na ginagawa si Jayvee na hindi ko inaasahan ay ganito ang t***k ng puso ko. Ano ba kasi.