chapter 24

4147 Words
Chapter 24 . . . (Jayvee, point of view) Lumipas pa ang mga linggo, medyo ilang hindi ko masyado ngayon pinapansin si Maesy. Gusto ko siya, pero paano nga si Che-Che. Kailangan ko muna ikamusta sa bruha niyang kapatid. Kailangan ko ng malaman sa bruha niyang kapatid Kung nasaan Si Che-Che. Para saganun ay malaman ko kung sino na ang mas matimbang ngayon sa puso ko. Andito ako ngayon sa harap ng bahay nila. Nag aabang, nagbabakasakali na mahagilap ko si Che-Che. Pero kung wala parin. Pipilitin ko nalang ang si Chloue na magsalita at sabihin sa akin kung nasaan si Che-Che. Buong araw na akung nag mamatyag pero wala parin akong nakitang babae na kamukha ni Che-Che. 'che! asaan kana ba? bat dikana mag pakita sa akin. Nasa maayos kanaba na lagay?' bulong ng aking isipan. Hanggang sa hindi na ako makatiis. Lumapit na ako sa bahay nila. Nag doorbell ako sa may gate nila, May kalakihan ang bahay nila, Talong palapag eto. Maituturi na medyo kapantay lang ng bahay nila sa bahay nila Geron, medyo mas malaki at mas maluwag lang ng konti ang bahay nila Geron. Binuksan ng isang guard ang maliit na pinto, "ano po yun?" tanong niya. "andiyan po ba si Chloue?" tanong ko. "sino po sila?" tanong ng guard. Oo, hindi ako kilala ng guard kahit pa na madalas ako magpunta dito. Kasi nga palihim lanag ako kung magpunta dito. Ayuko din kasi makita ang Unggoy na yun. "paki sabi po, Si Jayvee. Ako po si Jayvee.. Jayvee De sillva." pakilala ko. "saglit lang ho." sagot ng guard. Ilang sandali palang ay binuksan niya ang pintuan at pinapasok ako. Eto ang una kung pasok sa bahay nila Chloue, Pumasok ako, eto na din ang tanging paraan ko para malaman kung nasaan si Che-Che, segurado ako na may picture si Che-Che sa bahay na eto. Sana meron nga! "pasok po kayo sa loob sir!" sabi ng guard. Pumasok din ako, at may isang katulong na nag yaya sa akin, sinamahan niya ako hanggang sa sala nila. Umupo ako sa may Sofa nila. Hindi nga ako nagkamali, puno nga ng pictureframe ang bahay, lalong lalo na sa sala nila. At napa ngiti ako ng makita ko ang isang larawa na familliar sa akin. Si Che-Che iyuon. Pero bata pa siya dito. Eto yung mukha niya nung mga bata pa kami. Inilibot ko ang paningen ko. Baka may picture siya na ngayon. Pero nabigo ako. Walang picture si Che-Che. Bakit?? Nag taka ako, dahil tanging sila sila lang ang madalas ang may picture dito. Iisa lang ang picture ni Che-Che na nariton Bakit??. Ang daddy niya, ang mommy niya, si Chloue, ang kapatid netong lalaki at isang batang babae. Yun ang nasa pinaka malaking picture, nanakita ko. Pero wala si Che-Che. Anong nangyari? bakit wala siya. "Jayveeee!!" tili ng isang babae. Walang iba kundi si Chloue. Ang sakit talaga sa taybga ang boses niya. Napa takip ako ng taynga. "Garbi ka! hanggang ngayon tinatakpan mo parin ang taynga mo pag tinatawag kita." reklamo niya. "wala na bang mas hihina diyan sa boses mo! unggoy ka talaga!" reklamo ko. "ayyy! sa ganda kung eto, unggoy parin tawag mo sa akin!" reklamo niya. At sumimangot siya. Ako, heto nakaupo fell at home.Inirapan ko siya. Pero hindi ako bakla. Nakaka ereta lang kasi talaga siya. Maganda? hmm- kulot ang buhok neto na hanggang balikat, may bangs eto. May pagkasingkit siya. Mapupula ang kanyang labi dahil sa lipstick na inilalagay niya, pati pisngi niya ay medyo pula eto, syimpre dahil sa make-up na inilalagay niya. Todo talaga eto sa make up. Kahit pa ata natutulog ay naka make up eto. Maganda? seguro dahil nadadala sa make-up. Hayy!! ang pangit din naman ng ugli. Sobrang arte!. "what do you want? coffe, tea or me?!" malanding sabi niya. "napansin ko lang, bat tila hindi neyo kasama si Che-Che sa family picture neyo?!" pag iibang tanong ko. Hindi ko pinansin ang pagtatanong niya. Ang landi, i-offer ba naman ang sarili. Hindi ba siya kinikilabutan. "siya parin ba?!" masungit na sabi niya. "hindi naman nag babago!" seryosong sabi ko. "bakit wala si Che-Che sa family picture nyo?" dagdag pa na sabi ko. "hindi talaga siya kasali kasi wala siya dito, " masungit na sabi niya. "mas pinili niyang sumama sa chip niyang lola. Ni, ayaw niyang bumisita man lang dito! at nakakainis kasi kahit hindi na siya nagpapakita siya parin ang hinahanap mo!" derederetso niyang sabi. Nasabi niya rin. So?! sumama siya sa lola niya. Saang lugar naman. Malalaman ko narin. "tsk! saan naman?" bagot kung tanong. "nasa-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Napagtanto niya seguro na nagtatanong na ako kung nasaan na si Che-Che. Tinignan niya ako nang masama. Ngumisi eto at namaywang pa. "iba din ang style mo ngayon ah! muntikan na ako dun. Hinding hindi ko sasabihin sayo kung nasaan na siya ngayon. Mas mabuti na andun siya sa lola niya, at mas maigi din na wag nalang siyang bumalik dito!" sabi pa niya. "tsk! napansin mo?! sayang naman!" bagot kung sabi. "hindi na siya babalik! at lalong lalo na na hindi ka na niya kilala. Kahit kaylan hindi hindi na siya babalik sayo! dahil hindi ka na niya kilala! kaya mas maigi na kalimutan mo nalang siya!" pa sigaw na sabi niya. "hindi na niya ako maalala? hindi na niya ako makikilala? bakit??" tinignan ko siya ng masama. "Sabihin mo sa akin anong nangyari sakanya!" galit na sabi ko. "wala! wala namang nangyari sakanya. Sinabi ko lang yun! kasi kung naaalala ka pa niya, hindi bat dapat nagpakita na siya sayo. Hindi ba dapat andito siya ngayon. Hindi bat dapat nasa bahay siya ngayon. Pero ano? mas pinili niyang sumama sa chip niyang lola." sagot niya. "kung nasa maayos siya na lagay, kampanti na ako. Mas gugustuhin ko din na andun siya sa lola niya, kesa naman na kasama niyo siya, pero, inaalipusta niyo naman na parang hindi niyo pamilya." sagot ko. "tsk! parang ang sama sama ko. Dati yun! saka pinag tanggol ko lang sarili ko. Yan ba ang rason? kaya hindi mo ako magawang mahalin?" sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin, Hindi naman talaga siya masama, maldita lang. Saka napaka arte. Sabi nga niya dati na yun. Oo, mga bata pa kami noon. At dahil sa bata siya. Bata palang siya, maldita na. Naalala ko nga kung paano niya sinandyang tinulak si Che-Che noon. Nakadahilanan na nadapa at mahawakan ang bubog ng basong nabasag dahil sa nabitawan niya eto nang itulak siya. At dahil nga sa bata pa din si Chloue nun, dahil sa takot niya tumakbo eto at iniwan si Che-Che na nagdurugo ang mga kamay. Tumayo ako. At nang maglalakad na bigla akong pinigilan ni Chluoe, "teka! saan ka pupunta?" tanong niya. Inilagay ko sa bulsa ko ang magkabila kung palad, saka ningitian siya at nilingun. "aalis na! ano pa nga ba?!" sagot ko. "ba-bakit?" takang tanong niya. "wala naman dito yung hinahanap ko." mabilis kung sagot. Paalis na ako. Patungo na ako sa kanilang pintuan ng bigla nagsalita si Chloue. "tek! sandali!" sigaw niya. Lumingon na ako sakanya na nakakunot ang noo. "sasabihin ko na sayo kung saan na siya nakatira." sabi niya. "oh?! tapos?" bagot kung sagot, alam ko naman, segurado ako na may hihingiin siyang kapalit. "sasabihin ko sayo kung saan siya nakatira, sasamahan pa kita." saad niya. Pero hindi ako umimik. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin. Alam ko na may hihingiin siyang kapalit. "you be mine!" bigkas niya. "tsk!" bigkas ko. Umiling iling pa ako. At pangiti ngiti. Sabi na nga ba ey! haayyy!! Wala naman akung ginagawa para maging ganyan siya sa akin. "sasabihin ko sayo kung saan na siya nakatira, sasamahan pa kita, Basta maging tayo. you are mine, magiging Boyfriend kita, at magiging girlfriend mo ko!" Nakatitig eto sa akin. At unti unti etong lumalapit sa akin. Nang makalapit na siya sa akin, bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Hinaplos niya eto. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "please Jayvee. Be mine. You know how much i love you. I give you everything, im willing to give my self to you. Please. Just love me. I love you so much." sabi ni Chloue na maiyak iyak na. Naloloka na ba siya!?, 19 palang kami, anong pinag sasabi niya. Ibibigay niya ang sarili niya?! Ganyan na ba kababaw ang pagtingen niya sa sarili niya! tsk! Hinawakan ko ang mga kamay niya na nasa pisngi ko, at unti unti ko etong inalis sa pagkahawak niya sa mga pisngi ko. "im sorry Chloue, pero hindi kita kayang mahalalin. Mahalin mo muna sarili mo. Tignan mo ginagawa mo,ibinababa mo na ang pagkatao mo." sabi ko. "sorry, pero gusto ko lang malaman kung nasa maayos nakalagayan si Che-Che, kaya ako narito. At oo, para malaman kung nasaan na din siya, para malaman ko kung ano paba talaga ang nararamdaman ko para sakanya." dugtong ko. "anong sinasabi mo?" takang sabi niya. "i meet someone. Shes pretty! she nice,she looks like Che-Che." sabi ko. "so im not pretty? im not nice? sana sinabi mo na ang gusto mo yung tipong siya, pwede naman akong maging siya. Pwede ko siyang gayahin, kung yun ang gusto mo. Gagawin ko. Gagawin ko para sayo." Dispirada niyang sabi. Ngumiti akung pilit. At sinabing, "hindi sa ganun Chluoe, Youre pretty, and also youre very nice. But, to be a look like Che-Che? youre not!" Hanggang sa bumagsak na ang mga luha sa mga nata niya. "Look Chluoe, hindi sa kamukha niya si Che-Che ay nagustuhan ko siya, Magkaiba sila. Ang tinutukoy ko na pareho sila dahil yun sa nararamdaman ko. Pareho kasi ang nararamdaman ko sakanila. Kaya gusto ko mahanap o makita si Che-Che, para malaman kung ganun parin ba ang nararamdaman ko para sakanya. I want to choose who better than. Hindi ako makaka pili hanggat hindi ko siya nakikita o nahahanap. Hindi kasi ako segurado sa nararamdaman ko." "and who is she?" tanong niya. Pero ningitian ko lang siya. "makakahanap ka din ng iba, makakahanap ka ng mas deserve sa pagmamahal mo. Im sorry Chloue." sagot ko sakanya. At tuluyan na akong umalis sa bahay nila. Pagkalabas ko sa bahay nila, nagbuga ako ng malakas na hangin. Saka ako tumingen sa bahay nila. Pinag masdan ko eto. Naalala ang eksena namin ni Chloue, haayy! ang hirap maging gwapo!. Saka na ako nag lakad paalis. Oo, naglalakad lang ako. Isang village kasi ang tinitirahan nila Chloue, at malapit din dito ang bahay namin. Oo, iisang village tinitirahan namin, pero ang bahay namin dito ay bahay bakasyunan lang. Yung tipong gusto lang naming mamasyal ganun. Hindi dito ang pinaka bahay namin. In short mansyon. Saka hindi din dito nakatira sila Chloue dati. Hindi rin dito kami nagkakilala ni Che-Che. Siya ka, hindi din pala buong magkapatid sila Chloue at Che-Che. Magkapatid lang sila sa ama. Hindo ko alam kung ano ang buong kwento sa buhay nila. Basta ang alam ko lang mag kapatid sila sa ama. At ang tunay na ina ni Che-Che ay patay na. Walong taong gulang palang siya noon ng mamatay ang tunay niyang ina. Yun ang kwento sa akin dati ni Che-Che. Napatigil ako sa isang park, walang tao. Kaya napag pasyahan ko na dumito muna. Umupo ako sa may damuhan. Sa lilim ng puno ng pinetree. Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakaka relax, kaya naman napa higa ako doon. Malinis naman ang damuhang iyon. Kasi alaga yun hindi pinapabayan ng nag mamange ng village na eto. Sa pag mumuni muni ko. Binalikan ko ang nakaraang alala.. . . . (flashback..) "Papa! papa! tulong! tulungan mo ko papa! sorry na papa!" sigaw ng isang boses ng batang babae na umiiyak pa. Naglalakad ako dito sa likod ng village, lahat ng madadaanan ko dito ay mga likod bahay at ang mga puno. Bata palang ako nasa siyam na taong gulang ako. At bilang bata gusto ko mag laro. Gusto ko yung may inaakyatan. Kaya dito ako sa may likod ng village na tinitirahan ng tita ko ako madalas mamasyal. Marami kasing mga puno at ibon dito. At ang sariwang hangin. Pero bigla akong may narinig na iyak ng isang batang babae. Hinanap ko iyon, hinanap ko kung saan nang gagaling iyong boses. Hanggang sa matapat ako sa isang bahay na may dalawang palapag. Malawak din, dito ko naririnig ang batang umiiyak. Mataas ang pader na nakapalibot dito kaya nag hanap ako ng bagay na pwedeng gamiten para ako ay maka akyat. Nakaisip ako ng isang idea, dahil wala akong mahanap na bagay na pwedeng gamiten para makaakyat sa may bakud. May nakita akong isang puno na malapit sa bahay. Hindi man ako makapasok sa bahay mismo, o hindi man ako maka akyat sa bakud, sapat na eto para makita ko kung sino yung umiiyak. Umakyat ako at dun ako pumwesto sa malapit sa may bahay. Pagdating ko sa taas, kitang kita ko ang paligid ng bahay. Hindi nga ako nagkakamali malawak nga ang bahay kahit na nasa dalawang palapag lang eto. Hinanap ng paningn ko ang batang hinahanap ko. Hanggang sa dumako ang paningen ko sa isang sulok, May nakita akung isang batang babae na umiiyak, at nakatali eto. Nakatali ang kamay niya, may sugat din siya sa may bandang tuhod, gulo gulo ang buhok niya. Iyak ng iyak eto, hindi ko alam pero, bigla nalang kumulo ang dugo ko at naiinis ako sa taong gumawa neto sakanya. Gusto ko siyang lapitan at pakawalan sa nakagapos niyang kamay. Pero, hindi ko magawa, wala akong magawa. Lumingon eto sa kinaroroonan kung puno, pero hindo ko alam kung nakita niya ba ako o hindi. Hanggang sa nagsalita eto, "hoy! mister tree! may ibon ba diyan sa puno mo?!" sabi niya. Ako ba ang kausap niya? pero tinawag niya etong Mister tree.. Ibig sabihin ang puno ang kausap niya. "may ibon ba diyan sa puno mo ha! mister tree. Pwede bang utusan mo na pakawalan niya ako. Sege na oh! ang sakit sakit na kasi ng kamay ko. " sabi pa niya, at unti unti na naman pumapatak amg mga luha niya. "mama! mama! namimis na po kita ma! ma! mama!" sigaw niya. At humahagolhol na sa kakaiyak. Hanggang sa may isang batang babae na lumabas sa pintoan malapit sa kinaroroonan ng batang naka tali ang kamay. Lumapit eto, at pinag masdan niya ang batang nakatali. "Chloue, papakawalan mo na ba ako?" tanong nung batang nakatali dun sa batang dumating. Pero hindi eto umimik. "Chloue, sege na naman oh! ang sakit sakit na kasi ng kamay ko, diba mag kapatid naman tayo. Sege na ioh! " paki usap niya. Ibig sabihin magkapatid sila. Pero bakit tila halos magka edad lang sila. At bakit nila eto tinali. "no! hindi kita pakakawalan diyan! sabi ni Mommy, kami ang pamilya ni daddy, hindi ikaw! Wala na ang mama mo, kaya kami na ang new family ni dady! so, hindi kita pakakawalan! hindi na tayo friends! ako ang anak ni dady! hindi ikaw! bad ka! bad ka!" mataray na sabi nung batang babae na dumating. Grabi! napaka maldita,! Umalis na ulit ang batang babae, iniwang na naka gapos ang kamay yung isa pang batang babae. Naaawa na ako sakanya, paano ko siya matutulungan. Hayan na naman siya, unti unti na naman pumapatak ang mga luha niya. Nag sisimulang muli siyang umiyak. Hanggang sa tuluyan na siyang umiyak ng umiyak. Humihikbi na sa kakaiyak. "ang pangit mo namang umiyak." sabi ko. Hindi ko alam kung anong naisip ko at sinabi ko iyon, basta ang nais ko lang ay mapasaya siya pansamantala. Para kahit papano ay sumaya siya at hindi siya umiyak. Eto lang kasi ang tangin alam ko na paraan para matulungan siya. Hindi naman ako masyadong malayong malayo para hindi niya makita. Kung yun ay hindi malabo ang kanyang paningin. "si-sino yan? sinong andiyan? sino ka?" tuloy tuloy niyang tanong. "hoy! batang iyakin! andito ako sa puno.!" sagot ko. "sa- sa puno? i-ikaw ba yan mr.tree?" takang sagot niya. Natawa ako ng konti, iniisip niya na nag sasalita ang puno. Pero mas lalo akong natawa ng sa sinabi niya. "nasisiraan na ba ako ng ulo? totoo ba ang naririnig ko? nag sasalita ba talga ang puno. Baka naman may multo, o di kaya may monster! hala! nakakatakot naman, baka kainin niya ako." pabulong na sabi niya, pero naririnig ko parin,  kausap niya ang kanyang sarili. "mr. tree! mr. monster! wag mo po akong kakainin, hindi po ako masarap. Sa totoo po niyan hindi pa din ako kumakain kaya wala ka din makakakain sa akin." dagdag pa na sabi niya. Kaya mas lalo akong natawa. Humalakhak ako ng humalakhak sa kakatawa dahil kinakausap niya talaga ang puno, inakala niya talaga na nakakausap ang puno. Sa pag halakhak ko, hindi ko namalayan na hindi na pala ako nakahawak sa may sanga ng puno, Kaya ang bagsag! heto! nahulog ako. Pero nag papa salamat ako dahil hindi ako tuluyang nahulog dahil nakasabit ako. "hay! ang malas naman! muntikan na ako dun ah! salamt sayo Mr. Tree!" sabi ko. "si-sino ka? anong ginagawa mo diyan?!" tanong ng isang boses ng batang babae. Te-teka?! ako ba ang pinag tatanungan niya? ibig sabihin nakikita na niya ako? Unti-unti kung inangat ang aking ulo, at unti- unti ko din inabot ang aking paa sa ibaba at unti unti ko din ibinitaw ang kamay ko na nakasabit sa puno. Nang maka baba ako, dun ko nakita ang pag mukha ng batang babae na umiiyak.   Te-teka?! bakit parang malapit lang kami sa isat isa. Teka?! naka pasok ba ako sa bakuran nila?.   Dun ko inangat ulit ang aking ulo at tinignan ang puno na kinaroroonan ko. Saka ko tinignan ang sangang sinabitan ko. "wooo!! ang galing!" Manghang sabi ko. Saka ko ulit tinignan ang bata. "si-sino ka? saan ka galing?" takang tanong niya. "sa puno?!" kibitbalikat kung sagot. "sa puno? " takang tanong naman niya. Tumango lang ako at pilit ang ngiti. "ikaw ba yung tumatawa kanina?" tanong niya ulit. Imbes sagotin ko ang tanong niya, naglakad ako papalapit sakanya. Nang makalapit ako, ningitian niya ako. Ningitian ko din siya, at dun ko isinagawa ang bagay na gusto kung gawin kanina pa. Ang pakawalan siya mula sa nakagapos niyang kamay.   Pero, na bigla ako ng bigla niya akong yakapin. Saka paulit ulit niyang sinasabing "salamat" . . . andito kami ngayon sa may gawang kahoy na dumuduyan na upuan at lamesa. Pero nasa likod parin kami ng bahay nila. Ginagamot ko ang mga sugat niya. "ang bait ni mr. Tree! binigay ka niya sa akin. thank yuo auh?!" sabi pa niya. Napangiti lang din ako sa sinabi niya, ako din kasi nag papa salamat ako sa mr. Tree nayan at hinulog niya ako. Pero hindi din niya ako pinabayaan dahil kahit papaano ay hindi ako tuluyang nahulog, dahil sumabit ako. Na kadahilanang natulungan ko ang bata. "Pwede mo ba akong tawaging Che-che?" sabi niya. "bakit? yun ba ang pangalan mo?" sabi ko. Umiling eto at sabing, "hindi! nick-name ko lang yun. Gusto ko lang na yun ang itawag mo sa akn. Kasi especial ka sa akin. Dahil mabait ka, dahil tinulungan mo ako, Yun kasi ang tawag sa akin ni Mama." "alam mo, may tawag din sa akin ang mama ko." sabi ko. "talaga?! ano naman ang tawag sayo ng mama mo?" "Jay-jay. Yan ang tawag niya sa akin" "pareho tayo ng mama na inuulit ang pangalan natin. Seguro mabait din ang mam mo." "oo naman! mabait yun. Saka doctor yun!" "talaga? doctor yung mama mo. Napapa galing ba niya ang may sakit? ey! yung kritikal na kondisyon? napapagaling ba niya?" "oo naman! anga dami kaya napapagaling ni mama! " yabang kung sabi. Pero bigla nalang sumimangot ang mukha niya. "bakit? may nasabi ba akong masama?" takang sabi ko. umiling eto. At sabing "sana, nakilala na kita ng mas maaga. Para mapakilala mo ako sa mama mo, para maki pag friends din ako sa mama mo. Para nang saganun, maging friends din sila ng mama ko. At para natulungan niya si mama na pagalingin eto. Baka buhay pa si mama ngayon." "ano bang sakit ng mama mo?" tanong ko. "wala naman siyang sakit. Sabi nila kritikal daw lagay ni mama kaya siya namatay." "kritikal? panong kritikal?" Doon ay, unti unti na naman pumapatak ang mga luha niya, nagbabadyang iiyak na naman siya. "bakit ka umiiyak? namimis mo na ba ang mama mo?" sabi ko. At dun ay tuluyan na siyang umiyak. Pinatahan ko eto, hanggang sa mapatahan na siya, ikunuwento niya sa aking ang nangyari sakanila ng mama. Niya, ganun pala ang tinutukoy niyang kritikal. Naaawa ako sakanya. Tapos ngayon hindi siya minamahal ng stephmom niya. Hindi siya inaalagaan ng pangalawang pamilya ng papa niya. Sa halip ay pinapahirapan pa eto, inaalipusta. Sa mga pasa niyang natamo ay makikita mo, mapapansin mo na hindi maganda ang trato sakanya. At dahil dun, naging magkaibigan kami. Gumawa ako ng paraan para maka pasok sa bahay nila. Kinaibigan ko ang kapatid niyang si Chloue, pati yung Christian, nangbsaganun ay  maka pasok ako sa bahay nila, At ayun kay Chloue ang papa ni Che Che ay siya ring daddy niy.  Anim na taon si Christian, pero ayun kay Christian, hindi niya tunay na papa ang papa nila Che Che. Ang lito noh! basta yun ang alam ko. Sa pamamalagi ko lagi sa bahay nila Che Che, ni minsan hindi ko nakita ang papa nila. Laging yung mama nila ang nakikita ko. At lagi din nilang sinasaktan si Che Che kahit andun pa ako. Never ko din narinig ta tinawag nila eto sa pangalan niya. Itinuturi nilang parang katulong si Che Che. Dahil sa hindi ko kaya ang pinag kakagawa nila kay Che Che, lagi ko etong pinag tatangol sa kanila. Kahit na bata pa ako. Sabi sa akin ni mga magulang ko pag nasa katwiran ipag laban. At mali ang ginagawa nilang pananakit kay Che Che.  Kaya naman ipinag tanggol ko eti. Hindi lang isang beses kundi ilang beses na rin. May araw din na akmang sasampalin siya ng stepmom  niya ay humarang ako. Hindi nila ako magawang saktan dahil alam nilang mayaman ang pamilya ko. Pero, hindi rin nag tagal. Hindi na ako pinapapasok sa bahay nila. Pinag baqalan daw na din sila ng mama nila na makipag laro sila sa akin. At alam ko kung ano ang dahilan. Dahil sa ginagawa kung pag tulong kay Che Che.   Pero kahit ganun na pag nawalan ako maka pasok sa bahay nila, gumawa parin ako ng paraan upang maka pasok sa bahay nila at upang makasama si Che-Che. Nag pagawa ako ng hagdan. Naikwento ko natin sa magulang ko ang patungkol kay Che-che. Kaya gagawa daw sila ng paraan para matulungan siya. At sa pamamagitan ng hagdan na yun, ay nakaka puslit ako makapasok sa bahay nila ng hindi alam ng pamilya ni Che Che. At dahil dun ay madalas na kami nakakapag laro na kami lang dalawa. Dahil madalas na din nila etong ikulong o itali. Boys cout ako, kaya lagi akung nag hahanda ng gamot para sa mga sugat na natatamo niya. Syimpre patirin pagkain dahil alam kung gugutumin na naman siya ng itinuturi niyang pamilya. Minsan na rin siyang nag punta sa bahay, dahil iniwan siya sa bahay na mag isa, at itinali pa ulit eto, at ang masama pa, dahil ni lock nila ang lahat ng pintuan ng bahay nila. Kaya naman dinala ko siya sa bahay namin. ..."ang dami naman pagkain neyo dito Jay Jay. Pwede bang kumain pa ako?" Sabi ni Che Che. "aba ijha! pwedeng pwede. Mag pa busog ka ha!. Sayo lahat yan!" sagot naman ni mama. "Talaga po tita?!" sabi ni Che Che na nag niningneng pa ang mga mata neto. "salamat po tita!, pwede po bang magbaon?!" dagdag pa niya at tumawa pa eto. "aba! syimpre! pwedeng pwede. Kahit hindi mo sabihin, ipapa baunan talaga kita!" sagot ni mama. "salamat po tita!" pasalamat ni Che Che. Pagkatapos neto kumain, nag laro kami sa bahay namin, ay bahay pala ng tita ko, nilibot ko siya sa bahay. Naglaro kami ng naglaro. At kinukuhanan kami ng litrato ni mama. Lalo na nung naghampasan kami ng sack na puno ng parang balahibo ng manok. At bumuhos eto sa ulo namin ng mapunit ang sack. Natauwa kami ni Che Che, sinasalo pa namin ang ibang balahibo. Nang saluhin namin ang balahibo, felling namin umuulan kaya naman natawa kami ni Che Che. Nakangiti ako at ganun din siya, tinignan ko siya at nakatingen din eto sa akin. Medyo matangkad ako ng konte kaya naman ng tinignan ko siya ay medyo naka yuko ang ulo ko at siya naman ay medyo naka angat ang ulo niya para makatinginan kami. Sa ganung sitwasyon kami ng nang bigla kaming kuhanan ng picture ni mama. "ay! ang cute neyo naman tignan. Ayan! ipapa developed ko to para may remembrance!" sabi na mama na parang kinikilig pa. . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD