Chapter 22
(Maesy, point of view)
.
.
.
.
.
Isa!
Dalawa!
Tatlo!
Tatakbo na sana ako, kaso, hindi na ako nakatakbo sapagkat, nahablot na ni Jayvee ang mga braso ko. Inikot niya ako, nasa parehong harap ang kamay naming dalawa, nakatalikod ako sakanya at nasa harapan naman niya ako. Para niya akung yakap. Ganun ang eksena namin. Hangang sa nag "tsk!" eto. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko na ngumisi eto. Mas matangkad siya sa akin, kaya naman ipinantay niya ang ulo niya sa ulo ko at may binulong eto sa akin.
"are you ready?!" bulong niya. Kumunot ang aking noo sa bulong niya, Nagtaka ako kung bat ganun ang ibinulong niya sa akin.
Hanggang sa... "one! two! three!" bigkas niya.
Humalakhak ako sa kakatawa dahil sa nakikiliti ako. Oo! kiniliti ako ng mokong na to. Eto pala ang sinasabi niyang get ready!
"hahahaha!!! tama na please! hahahaha.. tama na! tama na! hahaha!!" sabi ko. Patuloy parin ako sa pagtawa at siya ay tumatawa narin. Tawang tawa ang mokong dahil sa pinag kakagawa niya sa akin.
"ano ha! ano!" sabi ni Jayvee na tumatawa din.
Hanggang sa, nabalik kami sa ulirat ng may "aaayyhhhiieee!! close na yan?!" sabi ng mga kaklase ko. Huminto si Jayvee sa pagkikiliti sa akin. At nagkamot eto ng ulo. Ako naman ay napayuko nalang.
Nakalimutan ko na nasa loob pala kami ng classroom. Bumalik si Jayvee sakanyang inuupuan at ganun din ako.
"kayo ha! gumagawa kayo ng eksena sa loob ng klase ko! nakalimutan neyo naba na andito ang original partner neyo! nag new-new love team kayo diyang dalawa!" sabi ng aming guro.
"ma'am okey lang. Ipapahiram ko muna yang loveteam ko!" pabirong sagot naman ni Geron.
"sino ba sa dalawa ang loveteam mo? si Maesy o si Jayvee?" pabirong tanong din ng aming guro.
"syimpre ma'am! si Jayvee!!" sagot naman ni Geron.
Nagsi tawanan ang mga kaklase ko sa pabirong sinabi ni Geron. Umiling iling naman ang aming guro. Oo, masyadong mabait ang aming guro. Pag ganyang lambingan lang, nakiki sali din siya. Pero pag seryosohan ang topic, kailangan mag seryoso din dahil terror yan pagdating sa leksyor.
"sege na! continue! gawin neyo na ang pinapagawa ko." sabi ulit ng aming guro.
Haayy! muntik na ako don. Bat ba kasi nakalimutan ko na nasa gitna kami ng klase. Hayy!!! Bat ba kasi pag ganitong eksena namin ni Jayvee nakakalimutan ko ang paligid. Hindi lang eto ang unang beses na nangyari yung ganito. Yung, bigla bigla ko nalang nakakalimutan ang paligid ko pag kasama ko si Jayvee. Ang simpleng katuwaan ay nauuwi sa simpleng kasiyahan na nagtatapos sa walang humpay na kaligayahan. Ganyan! ganyan ang nararamdaman ko pag kasama ko si Jayvee. Nakakalimutan ko ang lahat, tanging ako at siya lang ang nakikita ko. Pag nasa gitna kami ng kasiyahan o kwentuhan, dahil sa labis na tuwa, nakakalimutan ko ang paligid ko. Napaka komportable ko pag kasama o kapiling ko si Jayvee. Felling ko ay ligtas ako pag kasama ko siya. Basta! sobrang saya ng nadarama ko pag kapiling ko siya.
.
.
.
.
.
(Jayvee, point of view)
Maesy Chean. Yan ang pangalan ng babaeng minsan kung tinulungan.
At kaklase ko siya ngayung school year. Hindi man kami lagi magkatabi. Pero lagi naman kaming mag ka groupmate sa klase. Okey na ako roon.
Palihim ko siyang sinusubaybayan. Palihim din ako na tumitingen sakanya. Dahil sa loob ng klase ay madalas ang kasakasama niya ay si Geron. At ako naman ay si Joan. Pero alibay ko lang na makisama kay Joan, para sa ganun ay makasama korin si Maesy. Pero, dahil dun, tinutukso ako ng mga tropa ko at mga kaklase ko, itinutukso ako kay Joan, dahil inakala nila na kay Joan ako may gusto. Hindi rin maiwasan na tuksuhin rin sila Maesy at Geron dahil din sa closeness nila. Pero kung hindi ko lang kaibigan si Geron, iisipin ko din talaga na may gusto siya kay Maesy. Pero hindi ey! kilala ko si Geron, at yung style niya na pagiging malapit kay Maesy ay bilang kaibigan lang o kapatid.
Alam din ni Geron na si Maesy ang gusto ko at hindi si Joan, alam ng mga kaibigan ko kung ano talaga ang rason ko kung bakit ako lumalapit kay Joan.
Hindi ko masabi kay Maesy ang nararamdaman ko. Angbaduy nga! isa akong gangster, walang kinakatakotan, pero ngayun dahil kay Maesy, takot ako. Takot akung sabihin sakanya ang tunay kung nararamdaman. Ewan ko din ba sa sarili ko. Hindi ko kasi malaman kung ano nga ba talaga ang tunay ko nararamdaman kay Maesy. Kaya heto ako. Palihim na tumitingen, palihim na sumusubaybay , palihim na nagkakagusto sa isang babae.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Masaya ako sa nakikita ko kay Maesy, nakiki sali narin eto sa mga kalokohan namin. Nakikisalai narin eto sa mga kaibigan niya na makipag asaran. Masaya ako dahil unti-unti na niyang binubuksan ang mundo niya para sa mas makulay na mundo. Lagi kasi etong parang takot, tanging su Joan lang ang kinakausap, at tipid din etong malipag uspa dati. Pero ngayon, mukhang nasasanay na siya sa pakikipag usap sa iba.
Masaya ako na kahit papaano ay naimulat ko sakanya ang makulay na mundo na hindi siya dapat matakot. Oo! ako nga, ako nga ang nagpamulat sakanya. Hindi halata nuh! Close kami. At tanging siya at ako lang nakakaalam. Secret ba?! hindi naman. Kinuha ko lang ang opurtonidad na maging malapit sakanya sa tuwing lunch break, break time, First morning class at firts Afternoon class.
Lagi ko kasi napapansin tuwing First class namin sa umaga o hapon laging siya ang nangungunang dumarating. At nagtatambay eto sa malapit lang ng aming klase kung saan walang maraming tao. Kaya naman, kinuha ko ang pagkakataong iyon. Sinasadya ko ding mas maaga sakanya para sa ganun ay may oras akong makasama siya, at may pagkakataong maging malapit kami sa isat isa. At yun nga ang nangyari. Dahil dun, naging malapit kami sa isat isa ng hindi namamalayan ng aming mga kaklase. Pero mukhang sa mga kaibigan ko ay hindi ako makakaligtas sapagkat, nalaman nila agad ang idea ko .
Nagawa ko ring igood time si Maesy tulad ng ginagawa ko sa iba kung kaklase, kasabwat ko si Geron at ang iba pa. Pero mukhang ayoko ng idea ko kung paanong hindi mahahalata ni Maesy ang pang gogoodtime ko sakanya. Dahil lapit eto ng lapit kay Maesy, nagseselos tuloy ako sa stelo niya upang hindi mapansin ni Maesy ang aking gagawin.
At yun nga! naging success yung pang gogoodtime ko sakanya.
Pero, hindi ko din akalin na mas magiging bukal si Maesy pagdating sa kalokohan.
May naglagay ng tuyong dahon at pira-pirasong papel sa loob ng bag ko. At hindi ko aakalaing si Maesy pala ang salarin. Siya ang huli kung pag iisipang na gagawa iyon, pero nagkamali pala ako. At, kung anong pumasok sa isipan ko na kalokohan. Kiniliti ko eto.
Nakalimutan ko na nasa loob pala kami ng classroom, at maraming nakakakita sa amin, na maraming nanunuod sa eksena namin ni Maesy.
Napakamot nalang ako sa ulo at umupo sa tabi ng mga kaibigan ko, at si Maesy bumalik na din eto sa upuan niya.
Napangiti ako ng palihim dahil sa eksena namin kanina ni Maesy. Sana, sana araw araw kaming ganun palagi.
.
.
.
Andito ako ngayun sa garden park na katabi lang ng aming unang klase sa hapon. Tulad ng ginagawa ko. Nauna akung dumating. At syimpre, hinihintay si Maesy. Naka ugalian ko na ata ang paghintay sakanya. At sa tuwing naghihintay ako sakanya para akung kinikilig. Sabik na makita ang taong minamahal.
Sa paghihintay ko, hindi nga ako nagkamali kasi ilang segundo palang ang lumilipas andiyan na siya.
Hindo alam bat hanggang ngayon, pag naglalakad siya mag isa sa hallway, lagi siyang naka yuko. Seguro naka ugalian na niya, pag may kasama naman siya hindi naman siya nakayuko pag naglalakad, pero lagi etong naka pulupot ang kamay sa kamay ni Joan. Sa lahat ng kaibigan niya na kaklase namin, tanging kay Joan ko lang siya nakikitang nakapulupot ang kamay neto. Seguro, matagal na silang magkaibigan, kaya ganyan sila sa isat isa.
Nakarating na si Maesy sa kinaroroonan ko pero, mukhang hindi parin niya napapansin na andito na ako. Nakayuko parin kasi eto. Hanggang sa lumingon na eto sa paligid niya at nang makarating sa akin ang paningen niya, ngumiti eto. Syimpre ningetian ko din eto. Habang papalapit siya sa akin, hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit ganito nalang ang pintig ng puso ko, ang lakas ng kabog neto. Ganito nalang lagi ang pintig ng puso ko satuwing papalapit si Maesy sa akin. Kinakabahan ako, na naiinitan, may tuwa sa puso na nasasabik. Ewab ko ba. Araw araw ko naman etong ginagawa, araw araw na ganito ang eksena namin, pero lintik na puso at hindi na nasanay. Parang lagi parin naninibago.
Huminga ako ng malalim ng saganun ay hindi niya mahalata na kinakabahan ako. Naging cool lang ako sa harap niya.
Pa round tabel na pasadya na gawa sa semento ang kinaroroonan ko na may dlawang upuan na pa round din. Umupo eto sa harap ko.
"Mukhang nag iisa ka ulit? asan ang mga kaibigan mo? asaan si Geron." Sabi niya na nakangiti. Okey na sana ey! kasi binangit pa niya si Geron. Kakabahan na ba ako. Baka sa pagiging malapit nila Geron ay magkagusto si Maesy sakanya. Alam ko naman kung anong turi ni Geron kay Maesy, pero hindi ko alam kung ganun din si Maesy. Sana, ganun din ang turi ni Maesy kay Geron. Sana kaibigan lang talaga ang turing niya. Kasi kung nagkataong hindi, patay tayo!! magiging karibak ko pa ata ang kaibigan ko, wag naman sana.
"nag sasawa narin akung kasakasama sila. Ikaw?! bat mag isa ka na naman?" sagot ko.
"ano ka ba! alam mo naman talaga ang rasun kung bakit sa ganitong oras hindi ko sila kasa kasama." sabi niya at tumawa eto ng mahina.
Ay oo nga pala. Alam ko pala na dun siya namamalagi sa tita niya pag kunche break at pumapasok na siya pagkatapos niya mag lunch, kaya madalas mag usa eto pagkatapos ng lunch.
"tsk! alam ko!" masungit na sabi ko. "Nag babakasali lang na baka nag iba ang rasun mo!" rason ko. Pero ang totoo niyan, nakalimutan ko talaga. Lumilipad kasi ang utak ko at kung saan saan na eto napapadpad.
Tumawa siya ng mahina. Ang cute niyang tumawa.
Hinalungkat niya ang bag niya, hanggang sa may nilabas eto na parang libro, pero maliit lang eto.
Nag simula etong magbasa. Pansin ko lang na sa tuwing wala na kaming pag uusapan, inilalabas niya ang libro na yan. Kaya naman, dahil sa curious ko malaman kung anong nilalaman ng bimabasa niya, kung anong sumagi sa isip ko ay bigla kung hinablot ang librong binabasa niya.
"uy! akin na yan! bat mo naman kinuha!" reklamo niya.
Nang aakmain niyang bawiin eto ay itinaas ko eto. Syimpre hirap niyang abutin kasi mas matanggad ako sakanya. Hindi naman maliit si Maesy, katamtaman lang ang tangkad niya para sa edad niya.
"teka lang! babasahin ko lang. Na cu-curious lang ako. Dahil lagi mo nalang eto binabasa." sabi ko. Pero pilit parin niyang inaabot eto. Kaya naman ako ay pilit ko din itinataas para di niya maabot.
Hanggang sa nakita ko nalang na sumampa eto sa upuan upang maabot niya lamang ang libro niyang pilit inaabot mula sa akin.
At ako naman, tuwang tuwa. Pilit niya etong inabot kahit naka sampa na eto, at ako naman tumatalon talon para mas maiangat ko ang aking kamay para mas mataas parin eto upang hindi niya magawang abotin eto.
Sa pamimilit netong abotin, bigla din etong tumalon, na kadahilanang madulas eto sa kinatatayuan niya at ma out of balance eto.
"aahhhhh!!!" sigaw niya.
"Maesy!!" alalang bulaslas ko.
Buti nalang at mahusay akong sumalo. Nasalo ko eto mula sa muntikan niyang pagbagsak.
Hawak niya ang kanyang ulo at nakapikit eto. Hawak ko siya, pero napa upo ako mula sa pagkakasalo ko sakanya.
Nakahiga siya sa braso ko, at ang paa neto ay nakasayad sa lupa.
"Maesy! Maesy! okey kalang ba?!" alalang tanong ko.
Minulat niya ang mga mata niya at unti unti din niyang tinatangal ang mga kamay niya sa ulo neto.
Tinitigan ko siya, at nakak
titig din pala eto sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ako makagalaw. Pakirandam ko ay mukhang tumigil ata ang ikot ng mundo. Bat parang biglang nag slow motion ang lahat. Bat parang tumigil ata ang oras. Ayan na naman. Bat parang mas lumakas ata at bumilis ang pintig ng puso ko. Nakakatitig lang ako sakanya, at ganun din siya sa akin. Walang sa aming dalwa ang gustong kumurap, wala sa aming dalwa ang gustong iyalis ang paningen.
Dug! dug! dug! dug!
Bat parang naririnig ko ang t***k ng puso ko. Bat parang mas lumakas ata ang pagtibok neto, naririnig ba eto ni Maesy?! naririnig ba niya ang t***k ng puso ko.
"Ay! kabayo!!" malakas na sigaw ang narinig ko mula sa kung sino man.
Dun kaming pareho natauhan at bumalik ang aming ulirat.
Bigla tumayo si Maesy at hinablot ang libro neto mula sa ibaba. Dahil nahulog ko eto ng saluhin ko siya.
Dali dali niyang kinuha ang bag neto at dun sa kabilang lamesa na siya umupo.
Ako, heto. Nakatanga! at hindi parin gumagalaw. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Geron na papalapit. Kaya naman, dali dali akung tumayo at umalis. Iniwan ko si Maes doon. Ewan! basta ayoko makita ako ng mga kaibigan ko na nakatulala parin.
Nagtungo ako sa comfortroom. Pagdating ko dun, tumingin ako sa salamin na naroon, pinag masdan ko ang mukha ko. Felling ko nakatulala parin ako hanggang ngayun. Kaya naman, tinapik tapik ko ang aking mukha para matauhan. Saka ko naghilamos ng paulit ulit. Titingen sa salamin, titig, at mag hihilamos ulit.
Gwapo naman ako. Ano ba ang pinoproblema ko. Haaaayyy!! nakaka inis naman. Bat ganito ako? bat nagkaka ganito ako. Bakit?!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Maesy, point of view)
Kasalukuyang andito ako sa may garden sa school namin, katabi ng susunod naming klase. Dito ko hinihintay ang mga kaibigan ko at iba kung kaklase. Dito narin kasi kami madalas tumatambay tuwing naghihintay kami ng klase.
Lagi akong nangunguna dito. Nangungunang pumasok at maghintay sa mga kaklase ko o sa mga kaibigan ko. Pero, hindi ko inaasahan na may mas nangunguna sa akin lagi na dumarating. At yun ay si Jayvee.
Kasalukuyan kung tinitignan si Jayvee paalis. Magkasama kami kanina, pero may nangyari, hindi ko inaasahan na bigla nalang parang tumigil ang takbo ng oras. Kinuha niya kasi yung pcketbook ko. Isang maliit na libro na ang nilalaman ay panay lovestory. Kinuha niya iyon at pilit kung inagaw eto sakanya, na kadahilanang muntikan na akung mahulog dahil sa pagpilit kung maabot eto sakanya, mas matangkad siya sa akin. Kaya hindi ko iyun maabot sakanya dahil itinaas niya eto. Kaya umakyat ako sa upuan para maabot eto pero bgla siya tumalon para mas lalong hindi ko maabot at tumalon din ako para maabot parin eto, kaso, nadulas ako at na out of balance pa ako. Kaya ayun, kamuntikan na akong mahulog, pero nasalo ako ni Jayvee, na kadahilanang tumigil ang takbo ng oras. Felling ko lang naman na parang tumigil talaga ang takbo ng oras.
Pagkatapos ng eksenang iyun, Ewan ko, pero biglang tumakbo si Jayvee, umalis eto. Nagtaka man ako, pero pinabayaan ko nalang.
Yung eksena kanina, yung pag aagawan namin ni Jayvee sa pocketbook ko. Nangyari na yun dati sa akin.
Hinaplos ko ang puso ko, hindi ko maintindihan. Bat ganito ang nararamdaman ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ka-kailangan ko naba mag pa cheak-up?! mali na ata tong pagtibok ng puso ko.
Napangiti ako. Napangiti ako, nang maalala ko ang eksena namin ni Jayvee. Ganun na ganun kami dati ni Ren.
"Ren... kumusta kana?" bulong ko sa aking sarili.
Maslumapad pa ang aking ngiti ng pumasok sa aking isipan ang nangyari dati sa amin ni Ren, ang eksenang nag aagawan kami sa notebook ko. Hindi ko alam, pero sa tuwing maalala ko ang bagay na yun, lalong lalo na yung mga araw na masaya kami. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng napakalapad. May kilig factor pa akung nararamdaman sa tuwing maalala ko ang mga araw na nagkukulitan kami ni Ren. Hanggang sa...
Hanggang sa, araw ng huli naming magkasama. Napapangiti ako sa eksena namin ni Ren dati nung hindi ko alam na huling araw na pala niya iyun, pero napapalitan din ng labis na lungkot dahil hindi man lang ako nakapag paalam at nakapag pasalamat sa kanya ng lubusan.
Mis na mis na mis ko na siya,
Hanggang ngayon, inaabangan ko parin ang pagbabalik niya.
Tulad ng pangako niya.
Pinang hahawakan ko ang iniwan niya sa aking pangako. Na babalik siya. Kaya maghihintay ako.
Hanggang ngayon yung notebook na lagi naming pinag aagawan ni Ren, ay narito parin sa akin. Pagkaiingatan ko, at tinatago eto. Eto lang kasi ang merin akong panghahawakan. Dahil sa notebook na eto. Dito niya isinulat ang pangako niya.
.
.
.
.