chapter 20

2804 Words
Chapter 20 (Maesy, point of view) . . . . . Pagmulat ng aking mga mata, nasa hindi ako pamilyar na lugar. Kaba, takot. Yan ang nararamdaman ko kasalukuyan. Pinipilit kung bumangon upang malaman kung nasaan ako, pero may isang boses lalaki ang napag pigil sa akin upang bumangon, "are you okey? may masakit ba sayo?" tanong niya, hindi ko alam pero, nagiging komportable ako sa boses niya na naririnig ko. Pakiramdam ko nasa mabuti akung tao. Pakiramdam ko nasa maayos akung lugar, pakiramdam ko walang masamang mangyayari sa akin pag kasama ko ang nag mamay ari ng boses na iyun. Marami pa silang sinasabi, pero hindi ko na maintindihan, inaalala ko kasi ang nangyari sa akin, bakit? bakit ganun? tila may nawawala akung alaala. Hindi ko alam. Sa mga nakalipas na sandali, medyo maayus naman amg pakiramdam ko, kaya ninais ko na umalis. Nakita ko yung lalaki, lumalabas eto kaya, nagpasalamat ako dito, dahil kanina bago ang isang babae ang tumulong at alalayan ako ay siya ang nag alalay sa akin. Hindi ko alam pero ayoko siyang paalisin. May part sa aking puso na sabik na mayakap siya. Ewan, seguro dahil sa itang na loob?! Habang paalabas kami sa kwarto at patungo sa kinaroroonan na sinasabi nila na pamilya ko ikinuwento nila sa akin ang nangyari. Ang lalaki pala na umalalay sa akin kanina ang siyang tumulong sa akin, Sabi ko na nga. Walang masamang mangyayari sa akin dahil andiyan siya. Hindi ko man siya kilala, utang ko sakanya ang buhay ko, dahil kung hindi dahil sakanya, baka kung napano na ako. Baka ngayon ay may masama ng nangyari sa akin. Nang maka alis kami sa bahay na iyon, hindi ko na nasilayan o nakita ang lalaki. Hindi pa namam ako lubos na nag pasalamat sakanya. . . . . . Nasa sasakyan na kami ngayun pauwi na sa amin. Kasama ko si ate Vyda, Veronica at si tita Gwen. Habang nasa sasakyan kami ikenuwento ko ang nangyari, at naki usap din ako sakanila na kung pwede huwag nilang sabihin kay lola ang nangyari. Tinawagan ko din si Joan para hindi na din niya masabi sa aking lola. Dahil sabi ni Veronica ay alam ni Joan ang nangyari sa akin, at nang saganun ay hindi na din siya mag alala. . . . Ilang araw na din ang nakalipas mula ng kamuntikan na ako mapahamak. At sa ilang araw na ding iyun ay lagi nalang ako isinasabay ni Joan sa pag uwi, hindi ma din ako tumatanggi. Ayoko na kasi maulit pa muli iyon. Ilang araw na rin ang nakalaipas pero hindi ko na din muli nakita nag grupong magkakaibigan na tumulong sa akin. Hindi ko na muli sila nakita. Hindi na muli nag cross ang aming mga landas. Nag daan muli ang mga araw, linggo at buwan. Naging madali ang araw na lumipas sa akin. Wala na anumang nangyari sa akin. At heto na nga. Ang pinaka hihintay ko. After one year. Heto na at 4th yr. Junior na ako. Exiting! eto na kasi ang last school year sa akin para maka graduate na sa Junior high. Sa panipagong school year, panibagong classmate na naman at panibagong yugto ulit. Andito ako ngayon sa loob ng new classroom ko. Hindi ako nalulungkot, bakit? kasi classmate kami ni Joan. Yes! classmate po kaming dalawa. Walang sinuman ang lumipat sa isa, dahil nagkataon na same section kaming dalaw. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Kung sineswerte ka nga naman. Hindi na iyun mahirap sa akin, syimpre! hindi ko na kailangan pang makipag kaibigan sa iba. Dahil sapat na si Joan para sa akin. Kung dati ay lagi ako sa hulihan, sa dulo. Ngayon ay nasa harapan ako. Oo, nasa harapan ako. Nasa harapan ako naka pwesto. Sa harap ako nakaupo na naghihintay sa pag pasok ni Joan. Medyo may tao narin sa loob, Pero hindi naman marami na. Nilibot ko ang aking paningen sa loob ng aming classroom, tinignan ko ang bawat kaklase ko na nasa loob. At nasa labing lima na ang bilang namin, pero medyo madami na ang boys. Mayat maya dumating na din ang hinihintay ko. Si Joan. Kumaway eto ng makita ako na nasa harapan. Pero agaw pansin siya ng iba naming kaklase. Kasi napansin ko na lahat sila ay nahinto sa mga pinag gagawa nila ng makita nila si Joan sa harap ng pintuan sa aming room. "Maesy!! " bati neto sa akin. Lumapit eto sa kinaroroonan ko at niyakap ako. "i miss you!" "na mis din kita." sabi ko at niyakap din eto. Tumabi eto sa upuan ko. Pero sa room naming eto, ay bawat row ay magkadikit ang apat na upuan. Mayat maya na din ay nagsi datingan ang aming ibang kaklase, hanggang sa makit ko ang isang pamilyar na mukha na papasok sa aming room. Teka? mga kaklase ko sila? saan ko na nga ba sila nakita?. Ay oo nga pala. Sila?! dahil lima po sila na dumating. Yung isa masyadong pamilyar sa akin, at yung apat ay mga familiar din sila sa akin. Nakatingen ako sakanila habang papasok hanggang sa makaupo sila sa may bandang likuran. Doon sila pumwesto. Sa sobrang pagtitig ko sakanila, hindi namamalayan na kinakausap pala ako ni Joan, nabalik lang ako s reyalidad ng makita ko amg mukha ni Joan sa aking harapan. Masyado kasi ako naka focus sa mga limang lalaki na bagong dating. Iniisip ko kasi at inaalala maagi kung saan ko na nga ba sila nakita. "akala ko ba mga superheroes lang ang lumilipad?. Hindi ko inakala na pati pala isipan mo lumulipad " pabirong sabi ni Joan na naka ngiti eto. Ngumiti lang ako sakanya at humingi ng paumanhin. "hay naku! ano ba yang tinitignan mo?! mukhang focus na focus ka eiy!" sa pagka sabing yun ni Joan ay, umiwas ako ng tigen. Yumuko ako at sinabing "auh! wala. Wala naman. May naalala lang ako." Tumingin din si Joan kungbsaan ako nakatingen. Saka niya ako binalingan ng tingen. Ngumiti eto sa akin at siniko, at sinabing "uiy! sinong crush mo diyan sa lima ha?!" panunukso pa niya sa akin. "auh?! wala auh! saka hindi naman ako sakanila nakatingen, sa ibang deriksyon ako nakatingen." pag papa palusot ko. "palusot kapa! kitang kita naman eiy!" sabi ni Joan. Hanggang sa dumating ang aming guro. At isa isa niya kaming tinawag, syimpre dahil sa attendance. "e-go-grouop ko kayo. By alphabetical arrangement." sabi sa amin ng aming adviser. "ma'am, parang bata lang auh.. 4th yr na kami ma'am!" angal ng isa kung kaklase. "well, wala kayong magagawa dahil eto ang patakaran ko. Para naman makita ko kung sino ang angat." sagot ng aming guro. Marami ang umangal, yung iba ay nanahimik nalang aa kagustuhan ng aming guro. "owkey, we will start of girls," simula ng aming guro. "bawat gruop ay may walong meyembro, apat na boys at apat na girls. So, magsisimula na tayo, sa group 1 we had, Cherry Aaller, Maesy Chean Abad, Joan Christine Bernardo, at Bea Chua. Sa boys naman ay sila, Johnson Alvares, Geron Alvares, Jayvee De silva, at Christian Dela Vega." Hindi narin masama, kasi mag ka group kami ni Joan. Yun nga lang nasa row 2 siya at ako sa row 1. Nasa likuran ko siya. Ang nangyari, nauna ung Nag ngangalang Johnson, pagkatapos yung Cherry, Geron, at ako. Salikuran naman namin andun yung nag ngangalang Christian, kasunod naman ay si Joan, tapos yung nag ngangalang Jayvee, at last ay yung Bea ang pangalan. Mukhang magkakaibigan na yung boys group namin, kasi nag aperan pa sila. Pero kaming mga girls, eto patahimikan. Nagsimula na din kaming mag siupuan sa aming upuan kung saan kami inilagay ng aming guro. Katabi ko ngayon ang nag ngangalang Geron. Pasimple ko etong sinulyapan. Sa aking pag sulyap, nakatingen pala eto sa akin. Base sa pagtitig niya sa akin mukhang kinikilatis niya ako. Mayat maya kumonot ang kanyang noo pero naka tingen parin eto sa akin. Ano kaya problema neto. Grabi kung makatingen! Dahil hindi ako komportable sa pagtitig niya nag iwas nalang ako ng tingen. Ibinaling ko nalang sa pisara ang paningen ko. Nakaka kilabot kasi ang pagtitig niya. "saan na nga ba yun?!" bulong ng aking katabi. mahina lang yun pero naririnig ko parin. Pero nag pretend nalang ako na kunwari wala akung narinig. "alam ko! nakita ko na siya eiy! hindi ko lang alam kung saan? saan na nga ba yun?!" patuloy parin niyang sinasabi ng aking katabi. Hay! sana si Joan nalang ang katabi ko. Lumingon ulit ako sa aking katabi at ganun parin sa akin parin ang atensyon niya. Bakit kaya? Idinako ko naman ang aking paningen kay Joan at ng tignan ko si Joan nagtama ang aming mata nung katabi niya, tulad ng katabi ko, ganun dn siya makatitig sa akin. Ano ba ang mga problema nila?! may dumi ba ako sa aking mukha? nakakaereta na! hindi ako komportable na ganyan ako titigan. Parang kinikilatis ako. Bakit kaya. Iniyuko ko ang aking ulo saka bumalikbsa desk ko ako nakatingen. Hindi kasi ako komportable. "tama!! siya ngayon! hindi ako pwedeng magkamali.!" sabi ulit ng katabi ko. Kaya napa sulyap tuloy ako sakanya. "ikaw ngayon! ikaw nga!" sabi niya na nakatitig sa akin. Mahina lang ang pagkasabi niyang iyon na tanging kaminh dalawa lang ang makakarinig. "ha?!" tanging bulaslas ko. "hindi mo ba ako nakikilala?" tanong niya sa akin. sa totoo lang familliar siya sa akin. Kaso hindi lang ako segurado. Hindi ko alam kung kakilala ko ba siya o ano. Baka nagkita lang kami kung saan. Pero talagang familliar siya sa akin. Hindi lang siya, pati yung mga kasama niya kanina. Kumunot ang aking ulo. Nagtataka talaga ako sa ikinikilos niya. Kilala niya ba ako? sino ba siya. Hindi ako sumagot sa tanong niya. "hello?! hindi mo ba ako natatandaan?" tanong niya ulit. "ewan ko kung ilang buwan na ang lumipas, pero kung naalala mo yung araw na nawalan ka ng malay. Sa eskenata malapit lang dito sa school natin." dagdag niyan sabi. At ngumito eto. Tama! sa eskeneta! naalala ko na! sila pala yung tumulong sa akin. Kaya pala, kaya pala familliar sila sa akin. Sila pala iyon. "ka-kayo yun?" tanging bulaslas ko. "naalala mo na?!" masayang sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot. Ngumiti eto sa akin. At inilahad niya ang kamay niya. "Geron Alvares!" pakilala niya. Tinignan ko lang ang kamay niya. At tumingen sa mukha niya. Aabutin ko ba o hindi?! nag aalinlangan parin ako. Ngayon lang muli ako makikipag kamayan sa lalaki. Ilang taon na ang lumipas ng may isang lalaki na hindi ako tinigilang maki pag kilala sa akin. Kahit yung mga kaibigan ni Veronica hindi ko nagawang makipag kamayan. Kumust na kaya siya. Kumusta na kaya si Ren. Naiwan sa ere ang kamay nung Geron. Hindi parin ako nakipag kamayan sakanya. Yumuko lang ako. "sorry. Hindi ko kasi nagawang makipag kilala sayo noon, mabilis kasi yung pangyayari. Saka umalis kasi kayo kagad noon kasama mo yung pamilya mo." sabi niya, at ibinaba na niya ang kamay niya. Tumitig lang ako sakanya pero wala parin akong kibo. Alam ko sila yung tumulong sa akin pero, hindi ko parin magawang tumugon sa pakikipag kamay niya. Natatakot parin ba ako?! "kumusta kana? ayos naba ang pakiramdam mo?" tanong niya. Tumango lamang ako. At pilit ngumiti. Ngumiti eto at lumabas ang nag iisang dimple niya sa may kanan. "ang tipid mo namang magsalita!" sabi pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin. "okey class. Ngayon na arrange ko na kayo. By now, yan na ang magiging setting proper neyo. Ang sinumang umalis at lumipat ng upuan, pag nag attendance ako at wala siya sa upuan niya, ibig sa bihin ay absent na siya kahit pa na andito lang siya o nasa ibang upuan. okey!" sabi ng aming guro. Buti nalang ang nagsalita na eto. Hindi nadin ako kinulet ng katabi ko. . . . . . (Jayvee, point of view) Another yr. And last term na namin sa junior high. Gagradute na kami. Kasamo ko ang mga kaibigan kung mga mokong. Akalain neyong mga nakapasa ang mga eto, lalong lalo na tong si Johnson. Mga kalukuhan lang naman ang alam niya. Huli na ata kami na papasok sa bago naming room. Pagpasok namin lahat sila ay nakatingen sa amin. Syimpre, yung kilala kami kung sino kami. Pagtungo namin sa pinaka huling pwesto, may isang pamilyar akung nakita sa may bandang unahan. Isang babae. Pamilyar sa akin ang mukha niya. Hindi ako pwede magkamali. Siya yun! siya yung babae na tinulungan namin ilang buwan na ang lumipas, hindi ako pwedeng magkamali, tandang tanda ko ang pagmumukha niya, at ang t***k ng aking puso na naman ay iisa sa una naming pagkikita. Nakatingen din siya sa amin, wariy kinikilatis niya kami o kinikilala. Nakikilala paba niya kami?! Ni hindi ko man lang natanung sakanya ang pangalan niya nun. Ang swerte ko naman. At mag kakaklase pa kami ngayun. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Simula kasi nun, nung pag alis niya dun sa bahay ni Gero kasama ang pamilya neto, sinabi ko sa sarili ko nahahanapin ko siya, ewan pero gusto ko siyang hanapin, hindi ko malaman ang dahilan kung bakit. Basta gusto ko lang siyang hanapin. Alam ko na mag kukrus ang aming landas ulit, dahil sa pareho kami ng pinapasukang skwelahan. Kaya alam ko na mag kukrus ang landas namin. Pero hindi ko naman inakala na magigung kaklase ko pa siya. Hindi ko pinaalam sa mga mokong kung mga kaibigan na hinahanap ko siya, dahil alam ko na pag titripan na naman ako. Hindi din ako nag pahalata ngayun na nakita ko ang babaeng eto. Ngayun malalaman ko na ang pangalan niya. "e-go-grouop ko kayo. By alphabetical arrangement." sabi ng aming guro. Alphabetical?! hayy!! nasa unang pwesto na naman ako neto! sana naman ay may matino akung katabi, panigurado neto na kasama ko na naman ang dalawang kumag, si Geron at Johnson, kung hindi naman ay segurado rin na ang kambal ang makakasama ko. "bawat gruop ay may walong meyembro, apat na boys at apat na girls. So, magsisimula na tayo," Teka! parang gusto ko ang idea ng aming guro ah! sana, maka set mate ko ang... Nilingon ko ang babaeng tinulungan ko noon, sana makatabi ko siya. "mag start tayo sa girls, Cherry Aaller Maesy Chean Abad, Joan Christine Bernardo, Bea Chua," Pagka bigkas ni ma'am sa pangalang Maesy Chean Abad, lumapit yung babaeng tinulungan ko noon. Maesy Chean, yan ba ang pangalan niya?! "Sa boys naman, Johnson Alvares, Geron Alvares, Christian Dela vega at last Jayvee De selva." Ang lupet!! magkasama nga kami sa group, pero hindi kami magkatabi. Tapos si Geron pa ang katabi niya. Bakit hindi nalang ako. Pero owkhie lang, atlest magkasama kami sa group. At sa tuwing ganitong idea na setting arrangement alam ko na makakasama ko siya. Lumingon siya sa amin, pero hindi sa akin nakatingen, kundi sa katabi kung babae. Tinignan ko rin ang babaeng katabi ko. At namangha ako sa taglay netong kagandahan. Ang puti neto, mahaba ang kanyang buhok na abot hangang baywang na naghalong kulay black at gold. May kasingkitan ang mata neto, pero hindi siya singkit ala koreana ang mata neto ganun, may maninipis etong labi na humuhugis puso. Ngumiti eto, para siyang anghel. Teka!! Magkaibigan ba silang dalawa??! Tumingen din ako sa kaharapan kung babae, ngumiti eto at nag thumbsup pa eto sa katabi ko. So?! magkaibigan nga sila. Bat hindi ko eto napansin kanina nung pag pasok namin?? 'Iba kasi ang tinitignan mo!' sabi ng aking isipan. Hayy!! pakilamerang isipan. Kumunot ang aking noo ng bigla kung narinig nag salita si Geron, "saan ko na nga ba siya nakita?" Sabi ko na nga ba! alam ko na maalala niya, hindi pala niya eto napansin kanina pag pasok namin?! Kung ano ano pa ang ibinubulong ni Geron sa kanyang sarili. Inaalala niya talaga. Kinikilala niya talaga. Hanggang sa narinig ko nalang na nag papakilala na eto sakanya. Pero nagtataka naman ako, tila hindi ko naririnig na nagsasalita yung babae. Bakit kaya?. Hanggang sa biglang nakita ko nalang nakatingen eto sa akin, hindi narin ako nakaiwas kaya sinabayan ko nalang ang pagtitig neto sa akin. Nakita ko ang kabuuang mukha neto, mala anghel din ang pag mumukhang meron siya. Napaka simpleng kagandahan, na hinahanap hanao ko. Hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok na may pagka curly eto sa may bandang dulo. Ang mga pilik mata neto ay mahahaba, mas mapula ang labi neto kesa sa katabi kung babae, mas halata nga lang yung sa katabi ko kasi nga maputi siya pero eto, etong kaharap ko ay moreno, hindi siya yung maputing maputi, pero hindi rin siya ung maitim. Bilugan ang mga mata neto na bumabagay sa mahahabang pilikmata. Mala dyosa ang ganda ng katabi ko, ngunit ang kaharap ko ay mala anghel ang kagandahan. Maesy Chean! Maesy Chean ang kanyang pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD