"Nababaliw na ako sa iyo ako ay litong-lito Naloloka, Nahihibang sa kaiisip sa iyo." -THIRD PERSON P.O.V- Masaya at may malawak na ngiting pumasok si Travis sa kanyang condo, hindi nya mapigilang mapangiti dahil nakilala na ng magulang nya ang babaeng mahal nya at gustong iharap sa altar at alam nyang masaya para sa kanya ang kanyang mga magulang. Hinubad ni Travis ang kanyang coat at pabagsak na umupo sa sofa.Masyado syang napagod sa buong araw pero hindi nya iyon magawang iinda dahil maraming bagay ang nangyari ngayon na sa tingin nya ay hindi nya makakalimutan. Naikasal na din ang isa sa mga kaibigan nya na si Balance kay Sariya at nakikita nyang magiging masaya ang pagsasama ng mga ito tulad nang kung paano nya nakikita kung paano laging sumasaya ang kaibigan nyang si Taz sa pilin

