-THIRD PERSON P.O.V- Nanatili sina Travis at Hans sa bahay nina M.C at tahimik na nakaupo sa sofa habang nag iisip ng paraan kung paano makukuha si M.C sa kamay ni Mr.Lopez.Napapakuyom naman ang kamao si Travis habang iniisip ang mga napag usapan nila ni Mr.Lopez at ang huling sinabi nito na baka saktan nila si M.C, na sa bawat araw na hindi nya makikita ang babaeng mahal nya ay makakatanggap ito ng latay na mariing ikinapikit ni Travis at ikinatayo sa pagkaka upo nya na nasundan naman ng tingin ni Hans. Hindi mapakali ang isipan ni Travis sa mga pwedeng mangyari kay M.C sa bawat oras na dumaraan.Isipin palang nya na pinahihirapan ng kalaban ang babaeng mahal nya parang gusto nang madurog ng puso nya sa takot.Ang isipin na baka umiiyak ito at tinatawag ang pangalan nya ang mas nagpapabig

