"A-akala ko maaga tayo p-punta sa birthday ng Papa mo?" nauutal na wika ni Patrish sa binata paghinto ng kotse nito sa tapat ng Dragon tower kung saan naro'n ang condo unit nito. "Paano ang damit sa Helena's Creation?" wika ni Patrish dito "I changed my mind, ipina de-delever na lang sa staff ng mag-asawa Gomez," taas kilay na sagot sa kaniya. "At may gusto muna akong parusahan na babaeng palaban," muli nitong wika at pabalibag pa na isinara nito ang pinto pagbaba ng kotse. Hindi pa nakakarating sa gawi niya ang binata ay bumaba na rin siya sa kotse nito. "Bakit kasi pumayag pa ako na umuwi ngayon urgh!" mahinang bulong ni Patrish nang alalayan na siya ng binata papasok sa loob ng Dragon tower. "Sa bahay ko na lang sana ako umuwi, ano ba kasi ang naisipan ko at basta na lang sumang-a

