Nangingiti si Theo Drix nang kahit anong gawin niyang panggigising sa dalaga ay umaayos lang ito ng higa. Tiyak na magagalit ito sa kaniya kapag late sila sa party ng Daddy niya. 'Kung tawagan na lang kaya niya ang Ina, late na masyado, tama hindi naman magtatampo ang Dad niya basta darating siya kahit late,' Napatampal siya sa noo nang maalala na naiwan niya sa sasakyan ang phone. Kahit ayaw niya iwanan ang dalaga walang choice si Theo Drix kun'di kunin sa labas ang cellphone. Maingat na lumabas si Theo Drix sa pinto ng kwarto. Napangisi pa siya ng makita ang shoulder bag ng dalaga sa mismong pinto ng kan'yang condo unit. Pinulot muna niya ito at nagpasyang bumalik sa kwarto ng sa ganoon pag kailangan ng dalaga ay mabilis nito mahanap. Nang ibaba na niya sa couch ang bag ng dalaga na

