Napahawak nang mahigpit si Patrish sa handle ng shoulder bag na nasa kandungan niya nang pumasok ang sinasakyan niyang kotse na minamaneho ng binata sa loob ng malawak na bakuran ng mga De Guzman. Sa bungad pa lamang hindi sukat akalain ng dalaga na ganito pala kayaman ang boyfriend niya. Pakiwari tuloy ni Patrish ay nanliit siya sa sarili hindi niya inaasahan na ganito ka- yaman ang nobyo. "Why?" ani ni Theo Drix sa tahimik na si Patrish. "Medyo...kabado," sagot niya sa binata. "Don't be nervous, mabait ang Dad ko. Kita mo naman si Mom palagay ang loob mo. Same lang sila ni Dad. I'm sure magugustuhan ka no'n, ni Dad, trust me, hmm," inabot nito ang kamay niya at mahinang pinisil. Napanguso si Patty bago sagutin ang tinuran ng nobyo. "N-nailang siguro ako ang yaman n'yo kasi sobra," p

