1

2197 Words
Edward's POV Tumirik ang kotseng sinasakyan ko sa harapan ng isang gusali. Dumungaw ako mula sa tinted na salamin at nakita ko ang ilan reporters na naghihintay sa pagdating ko. Para tuloy ayoko ng lumabas at salubungin sila. Alam ko na kung ano ang mga itatanong nila. Tungkol iyon sa pakikipag deborsyo ko kay Diana. It's been almost 3 months simula ng mahuli ko syang may ibang kasiping sa mismong kwarto pa namin mag asawa. Akala ko panay paninira lang ang sinasabi ng mga kaibigan ko sa akin tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na mahuhuli ko sya mismo sa sarili kong mga mata. We were the most popular couple 2 years ago, si Diana ay isang sikat na artista habang ako isa sa mga top business tycoons sa bansa. And I thought having her was the best thing happened to my life. At hindi ko inaakala na sya din pala ang gagawa ng bahid sa relasyon namin. Everything was made public. Dahil yun ang gusto nya. Habang ako gusto ko sana na isapribado ang buhay namin dalawa, but she insisted because she was an actress at sabi nya, gusto ng manager nya na ibroadcast sa buong mundo ang mga nangyayari sa buhay namin. That's why mula sa engagement and up to our wedding were broadcasted live on tv. At hinayaan ko sya sa gusto nya. Pero ngayon, ako pa ang talo. I decided to get a divorce. Pero hindi ko inamin sa press ang tunay kong dahilan. Even though I considered what Diana did as a mortal sin. Hindi ko ugaling sirain ang personal nyang buhay that's why nanatiling lihim ang nalalaman ko tungkol sa panlalalake nya. Pero mapanghusga ang tao. Dahil sa halip na ako ang tama, ako pa ang ginawan ng kwento. Everyone thought na ako ang may kabit kaya ako nakikipaghiwalay. "Sir, okay na po." rinig kong sinabi ng personal body guard ko na si Kayle. Kumatok sya mula sa bintana at pinagbuksan ako ng pinto. Hinarang ng mga kasamahan nya ang mga nagkakagulong reporter na gustong kumuha ng pahayag ko sa nasabing issue. Nasisilaw ako sa mga liwanag ng camera. Humihigpit ang paghinga ko at para bang anytime sasabog nanaman ako sa galit. "Dito po Sir." wika ni Kayle habang nasa gilid ko sya at sabay kaming lumalakad patungo sa lobby. Sinuot ko ang itim kong salamin para maiwasan ang mga titig ng mga empleyado na sinusundan ako ng tingin. Bumukas ang elevator at agad akong sumakay. Sumunod si Kayle na tumayo sa likuran ko. At nang magsara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag. Niluwagan ko ang pagkakatali ng neck tie sa leeg ko. "Nasa office nyo daw po si Ms. Elynor." wika ni Kayle na nasa likuran ko. Its my sister. Alam ko na umabot na sa kanya ang bali balita. At alam ko na pag uusapan namin ay tungkol dito. Matanda na ako para sermunan nya pero dahil sya lang ngayon ang tangi kong pamilya, wala akong magagawa kundi makinig sa kanya. She's one of the people I know na nagsasabing may ginagawang mali si Diana. Pero hindi ako naniwala sa mismong kapatid ko. At ngayon sumampal sa akin ang katotohanan na tama sila. Bumukas ang pinto at agad akong nagsimulang lumakad patungo sa opisina ko. Normal ang takbo sa opisina. Tumatanggap ng mga tawag si Gian na HR Admin, habang si Lina naman, inaayos ang mga paperworks na pipirmahan ko. Alam nila ang nangyari sa akin pero alam din nila ang totoo. Kung sino ba ang tunay na nagloko. Naiwan si Kayle sa labas ng opisina. Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang kapatid ko na nakaupo sa ibabaw ng table ko habang naka ekis ang mga hita. Elynor is a fashion designer. She's four years younger than me. Pero para sa amin, sya ang panganay at ako ang bunso. Hinubad ko ang neck tie ko at sinampay sa sandalan ng office chair ko."Why are you here? May trabaho ako." agad kong tanong sa kanya. "Well, nandito lang naman ako to invite you to my upcoming fashion show." sabi nito at nilapag ang isang puting invitation. Sinilayan ko iyon pero agad ko din binawi at tinuon ang atensyon ko sa pagbubukas ng laptop. "I know, you're just holding back. Just finish off what you need to do with Diana. She's not worthy of your love." inis nitong sinabi and she shrugged. "I know. I should've believed you." sagot ko. "Hindi naman kita sinisisi na hindi ka kaagad naniwala. I'm just saying, you deserve someone that's better than her." tumango nalang ako sa sinabi nya kahit hindi ko alam kung saan at papaano magsisimula. Diana is everything to me. At kasalanan ko pa ngayon na minahal ko sya ng sobra kaya't ang hirap nyang kalimutan. "Kuya, huwag mong isara ang puso mo sa ibang tao." she said at tumingin sa akin na may lungkot sa mga mata. Tinapik nya ako sa balikat saka sinundan ng isang mahigpit na yakap. "Salamat." nasambit ko. Tumayo sya mula sa kinauupuan at sandaling inayos ang dress nyang nalukot dahil sa pagkakaupo nya. Hinawi nya ang mapulang buhok nya papunta sa likuran. "Don't miss the fashion show okay! Ikaw ang special guest ko." pagpapaalala nya bago lumabas. Ngumiti ako. Matapos non ay sinara na nya ang pinto pagkalabas nya. Inunat ko ang likod ko sa sandalan ng inuupuan. Sabay humugot ng malalim na paghinga. Hinawakan ko ang noo ko. Nagvibrate ang phone ko na nakapatong sa desk. Pagtingin ko, nakita ko kaagad ang pangalan ni Dale. Isa sa mga kaibigan ko. Binuksan ko ang text nya. "Bro! Let's drink!" Mabilis akong nagreply. Magkikita kami sa same bar kung saan kami umiinom na magkakaibigan. Alam nila ang pinagdadaanan ko kaya't malaking tulong kung malilibang ako. At kahit papaano, malimutan ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtataksil ng sarili kong asawa. Gabi kami nagkita ni Dale sa parehong bar kung saan kami madalas umiinom. Pagpasok ko palang sa bar, dinig ko na ang ingay ng mga tugtugan at mga taong nagsasayawan. Inaya ako ni Dale sa VIP lounge. Kung saan kumuha pa talaga sya ng mga babae na mag eentertain sa amin. Hindi ko ugali talaga magtable ng babae pero ang mga sira ulo kong kaibigan kahit may mga asawa na, sige pa din ang pakikipaghalikan sa mga babaeng tinetable nila, minsan sa harapan ko pa. "Bro, dito tayo!" hatak sa akin ni Dale. Pumasok ako sa isang kwarto na kakasya ang walong tao. Nandoon na si Enrico na may babaeng nakaupo na sa kandungan nya at may tama na din ng alak. Napansin ko na yun dahil sa ilan bote na nasa harapan nya at ubos na ang laman. Naupo ako malapit sa malaking monitor na gagamitin mamaya sa videoke. Nakaset up na ang drinks at foods sa mesa. "Hey Edward. Inum na tayo!" sigaw ni Enrico na tunog lasing na at paiba iba ang tono. Tumingin sa akin ang babaeng nasa kandungan nya. Medyo kumalat na sa labi nya ang lipstick dahil sa paglaplap sa kanya ng kaibigan ko. At halos umiibaba na ang suot nyang bra dahil sa paghimas ni Enrico dito. "Hoy! Ang libog mo Enrico! Sa harap pa talaga ni Edward!!" Pagsita sa kanya ni Dale ng makapasok ito kasunod ang dalawang babae na tila suot ay bra at panty nalang. Tumabi sya sa akin at sabay naupo sa mga tabi namin ang mga babaeng kinuha nya. Binuksan ko ang ilan butones ng suot kong polo. Para nanaman akong hindi makahinga dahil sa matapang na perfume na gamit ng babaeng katabi ko. "Sanay na sa akin yan si Edward!" pabiro ni Enrico na tuloy sa lantaran pakikipaghalikan sa babaeng nasa harapan nya. Totoo naman ang sinabi ni Enrico, sanay na ako sa gawain nila. Ako lang talaga ang matigas na hindi sumubok ng ibang babae. May asawa akong tao. At kahit hindi maniwala ang ibang tao sa akin, si Diana lang ang nakasiping ko. Oo at nalalasing ako sa bar, at may mga babaeng gusto akong matikman at makuha pero hindi pa ako ganun kagago para pumatol sa iba lalo at alam kong may asawa ako. Kaya lang yun ang pagkakamali ko. Ang asawa ko pala mismo ang tumikim ng iba. "Drink na!" sigaw ni Dale matapos lagyan ang baso ko ng alak. Whiskey ang iniinom namin. Matapang pero sanay na. Sumabay ang malakas na tugtog na nanggagaling sa component. Mabilis kong kinuha ang baso saka nilagok ang alak. Gumuhit sa lalamunan ko ang kakaibang kuryente na mula doon. "Want more?" maarteng pagsasalita ng babaeng katabi ko. Nalulula ako sa dibdib nyang nakaluwa sa harapan ko. Wala na syang ibang suot kundi bra at panty na may makikinang na disenyo. Ano bang napapala nila sa pagpapatol sa mga tulad namin lalake na may asawa? "Sige na Sir." Ipinatong nya ang kamay sa hita ko sabay sinimulan himasin ito paitaas. Alam ko an trabaho lang nya na paligayahin ako, pero hindi ito nakakatulong. Mabilis kong hinawakan ang kamay nya."Just stop!" pagpigil ko sa kanya at tumingin sya sa mga mata ko. "Why Sir?" biglang pag amo ng tono nya. "I know its your job but, ayoko talaga." pag iwas ko ng tingin at bumalik sa inumin. Abala na ang dalawa kong kasama sa mga babaeng kalantaran nila. "Uy! Ano ba! Inuugat na yan kasama mo!" pabiro sa akin ni Dale na muling nagsalin ng alak sa baso ko. "I can't do this guys." pag iiba ko ng topic. At tumigil si Dale sa ginagawa. Pinatay nya ang maingay na component. "Girls, out!" Bigla nyang sigaw sabay nagsialisan ang mga babaeng kasama namin sa loob. He knows my simple gestures. Siguro dahil bata palang kami, magkakaibigan na kami. Kaya isang salita ko lang, alam na nila agad. Naiwan nalang kaming tatlo sa loob. Lumuwag ang pakiramdam ko. "Bro, bakit kasi hindi mo subukan, si Diana nga hindi natin alam baka hindi lang isang lalake ang ginamit!" inis na sinabi ni Dale. Gusto nya kasing gawin ko din kung among ginawa ni Diana para ipamukha sa kanya na kaya ko din gawin ang ginagawa nya. "I know. But please, hindi babae ang tutulong sa akin maghilom. I just need time." pakiusap ko. Lumapit sa akin si Enrico sabay inilagay sa balikat ko ang mabigat nyang braso. "You just need to move on." wika nya. Sumang ayon ako. "O sige. Uninom nalang tayo." pag sang-ayon ni Dale at itinaas ang mga baso namin. Kahit papaano, nung gabi na yon, nakalimutan ko si Diana, but the pain she left was still there. - "Sir Edward!" tawag ng katulong ko na si Mayang. Panay katok sya sa pinto ng kwarto ko. Nasa kama pa ako at tila napakabigat ng pakiramdam ko, siguro dahil sa dami ng nainom ko kagabi kaya't inumaga na kami ng uwi. Sinundo pa kami ni Mylene na asawa ni Enrico kaya abot abot ang kahihiyan ko sa kumare ko. Hinawi ko ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Init na init ako kagabi kaya't pinili ko nalang na maghubad na matulog. Nahihirapan pa ako idilat ang mga mata ko. "Sir! May meeting po kayo sa lawyer po ni Mam Diana." bumangon agad ako ng marinig yun at saka ko lang naalala na sabado ngayon at may meeting kami with the lawyers. Hinablot ko ang kumot at mabilis akong tumalon paibaba sa kama at tumakbo papuntang shower room. Mabilis kong hinila ang nakasampay na twalyang itim bago ko isara ang pintuan. Nahuli ako sa meeting ng ilan minuto. Hindi na nga ata ako nakapag ayos at basta black ripped jeans ang naisuot ko, isama pa ang Ironman tshirt ko na pula. Hindi ko namalayan sumikip ang tshirt na yun dahil nag fit ang manggas nya sa mga braso ko. Lumaki ang katawan ko dahil sa madalas kong pag gigym. Pero hindi dispormado. Tama lang ang laki ng mga braso ko at balikat. Hindi tulad ni Enrico na tila lumaki na ang katawan at lumiit ang ulo nya. Pang hatak daw kasi ng mga babae kapag malaki ang katawan. Pagpasok ko sa opisina ni Atty. Dela Vega, naamoy ko kaagad ang perfume na madalas gamitin ni Diana and as I expected. She's here. Nakita ko syang nakaupo at kaharap ang abogado nya na si Atty. Yasmin. She really is an actress. She knows how to act na parang sya ang inapi ko. Nakakainis. "Mr. Kirsch. Nandyan na po pala kayo." gulat na sinabi ni Atty. Dela Vega. Lumingon silang lahat sa akin. Bigla akong nahiya dahil hindi ko man lang pinaghandaan ang meeting na yon. Maayos na haharap si Diana samantalang ako, parang napabayaan ko na ang sarili ko. Pasimple kong hinawakan ang pisngi ko at nakapa ko pa ang buhok na tumutubo sa may patilya ko hanggang sa lower chin ko. "Let's just start." panimula ko saka hinatak ang upuan na nasa tabi ni Att. Dela Vega. Tumitig sa akin si Diana. Napakapula ng labi nya. At nasisilaw ako sa mala dilaw nyang buhok. Naisa korte na ang deborsyo na hiningi ko. Pero tumatagal ang pagpoproseso dahil sa ayaw pang pumirma ni Diana. Ayaw nyang makipaghiwalay dahil naniniwala sya na maayos pa ito. Hindi ako tanga. --- Expect some errors :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD