Dylan's Pov
Huminto ako ng makita ang isang plum dress na nakadisplay sa isang mannequin. Gusto ko syang bilhin pero alam kong magagalit si Mia.
Mahilig ako magsuot ng mga panbabaeng damit pero hindi ako bakla. Sadya lang na mas komportable ako na magsuot ng damit ng mga babae lalo na ang mga dress. Pero hindi iyon naiintindihan ni Mia. Ang girlfriend ko.
"Dylan! Bilis!" sigaw nya at hinatak ako paalis sa harap ng isang boutique. Hinila nya ako papasok sa isang store kung saan gumagawa ng mga tuxedo. Malapit na kasi ang Acquaintance Party sa school. Pareho kami ng kinukuhang kurso. Landscape Architecture. At halos umaabot na sa tatlong taon ang relasyon namin parang alon sa dagat. Minsan mataas na alon, maraming away dahil sa akin. Dahil sa pagsusuot ko ng mga pambabaeng kasuotan. At isa pa, ang pagiging modelo ko kay Ms. Elynor.
Sanay na ako sa ugali ni Mia. Nagagalit lang sya pero hindi nya ako hinihiwalayan. She still cares for me. At ganundin ako sa kanya.
"Goodmorning po. Ano po kailangan nila?" bati sa amin ng sales clerk pagpasok namin sa store. May hawak syang medida at mukhang susukatan nya ako.
"Pakisukatan itong boyfriend ko." wika ni Mia saka ako dahan dahan tinulak papunta sa babaeng sales clerk. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa babaeng kaharap ko. She looks to me like she's gonna eat me. Nakakatakot.
Naupo si Mia habang pinapanood nya ako na sukatan ng sales clerk. Tumayo ako ng tuwid. At sinimulan nya akong sukatan sa balikat ko.
Inunat nya ang medida mula sa magkabilang dulo ng balikat ko.
"You have fine shoulders, Sir." she complimented. Everyone told me I that have a feminine body. Kaya siguro nasabi nya yun. Hindi ganun kalapad ang mga balikat ko hindi tulad sa normal na lalake. At maliit ang balakang ko ganundin ang mga hita ko. Petite is the best description.
Kaya siguro madali magkasya sa akin ang mga damit pambabae. Dahil ang katawan ko ay parang sa babae. Minsan naiisip ko, isa ba akong babae na nakulong sa katawan ng isang lalake.
"Okay na po!" nagulat ako sa sinabi ng sales clerk. Naupo muna ako habang kinakausap sya ni Mia. Pinagmasdan ko ang paligid. Ayoko sana magsuot ng tuxedo pero ito ang ipinipilit ni Mia.
Pagkaraan kausapin ng sales clerk si Mia. Nagyaya na syang lumabas. Tahimik lang ako habang hawak nya ang kamay ko.
"Mia." tawag ko sa pangalan nya.
"Hmm?" tugon nya habang sabay kaming naglalakad.
"Kailangan ba talagang magsuot ako ng tuxedo sa party?" tanong ko at bigla syang tumigil. Hinarap nya ako.
"Stop it Dylan. You're not wearing those damn dresses. Okay!" pagtaas nya ng tono. She always cares for me pero hindi nya naiintindihan ang tunay na nagpapasaya sa akin.
"Ayoko ng pagtalunan natin ito. Sawang sawa na ako sa mga chismis sa school." nagulat ako sa sinabi nya.
"Anong chismis?" Bumuntong huminga sya.
"That I'm so desperate at pati bakla jinowa ko." she said aggravatedly.
"Hindi ako bakla, and you know that." pagdepensa ko. Umiling iling sya.
"I know, pero hindi lahat ng tao maiintindihan ang gusto mo. Pinagtatawanan na ako sa school dahil dyan sa pagsusuot mo ng mga pambabaeng damit. Nakakainsulto." wika nya at sinimulan nya ng lumakad.
"Mia naman!" sinundan ko sya."It doesn't matter what people say!" pagpatuloy ko at tumigil sya saka ako tinignan.
"Sa akin meron. Wag mo na ako paulit ulit na ipahiya Dylan! I'm the only one you've got!" matigas nyang sinabi at umalis. Hindi ko na sya hinabol. Para akong sinampal ng sinabi nya. Alam ko naman na totoo ang sinabi nya. She's the only one I've got. Sya lang ang nakakaintindi sa akin yet sinasaktan ko sya. I'm a jerk.
Hindi ako umuwi ng bahay ng hapon na iyon. Tumuloy ako sa ensayo sa nalalapit na fashion show ni Ms. Elynor. Iyon na din siguro ang huli kong pagtapak sa fashion runway bilang isang cross dresser. Mia wanted me to stop modelling at mag focus nalang sa pag aaral lalo at graduating na kami pareho. Kaya nangako ako, para maisalba ang relasyon namin.
"Oh, ang aga mo Dylan?" bati sa akin ni Ms. Elynor. Napaaga ako ng isang oras sa pinag usapan oras ng ensayo. Wala pa sina Cara at Aldrin na mga kapwa ko modelo na makakasama ko sa runway.
Naupo sa tabi ko si Ms. Elynor. Binaba nya ang Hermes bag nya bago ay sumandal sa malambot na kutson na nakaharap sa entablado kung saan kami mag eensayo mamaya. Nanatili ako sa matikas kong posisyon.
"Release it." nagulat ako sa sinabi nya at nilingon sya. Nakatuon ang mga mata nya sa entablado.
"Ang alin po?" Pagtataka ko.
"Yun gumugulo sayo. I know you Dylan. You're one of my best ramp models here. I can't afford to lose you. Kung ano man yan humahadlang sa gusto mo, just let it go.", aniya.
"Pero sya nalang po ang natitira sa akin." malungkot kong sinabi.
"Nako, Dylan. I know someone who's in the same position as yours at matapang nyang hinaharap ang mga consequences just to let himself be free." she confidently said at inakbayan ako.
"You can do it too. You're a man. A very feminine man." at tumawa sya. Ngumiti ako.
"Kapag mag isa kana lang, were all here. Your runway family." at tumayo sya matapos sabihin yun, saka ko narinig ang boses nina Cara mula sa pintuan.
"Make me proud." Huling sinabi ni Ms. Elynor bago nya ako iwan.
"Dylan!" tawag sa akin ni Cara. Kinuha ko ang bag ko at sinalubong sila.
Isang linggo nalang bago ang susunod na fashion show ni Ms. Elynor na gaganapin dito sa Pilipinas. Noon una nyang fashion show, ginanap iyon sa France kung saan unang beses ko makatapak sa lugar na yon. Kasama ko sina Cara at Aldrin ganundin ang iba pang rarampa sa runway. Isang malaking pribilehiyo ang mapabilang sa grupo ni Ms. Elynor. At talagang natutuwa ako whenever I make her happy. I'm always the star of the runway. At madalas din akong pagkamalan babae o kaya pagsinabi ko naman na lalake ako, they thought I was a trans.
Pero hindi ang nakakasilaw na kasikatan ang nagbibigay sa akin ng kaligayahan, sa runway. Kundi ang magagandang kasuotan na gawa ni Ms. Elynor na syang suot ko at inirarampa sa entablado.
"Dylan! Check this out!" tawag sa akin ni Cara. Bumaba ako sa mula sa stage at sinundan sya. Nakita ko ang isang kahon at binuksan.
"Gosh!" nagulat kami pare pareho sa nakita. Its a dress designed by Ms. Elynor.
"Look! Its for you!" excited na sinabi ni Cara sabay binigay sa akin ang isang card. I saw a handwritten message on it.
Wear this on your acquaintance party!
- Ms. Elynor
Natuwa ako at agad kong niladlad ang dress hanggang sa sumayad ang laylayan nito sa sahig.
"My god. You should wear it Dylan! You're gonna be the most gorgeous man ever!" kinikilig kilig nyang sabihin at natawa ako.
"Yes. I'll wear it!" sagot ko.
-
Narinig ko ang doorbell sa unit ko. Nakatulog ako sa couch habang nakalatag sa kama ang dress na bigay ni Ms. Elynor, mamayang gabi na ang party. At buo na ang loob ko na suutin ang espesyal na damit na iyon.
"Hello po Sir! Delivery po!" bati ng lalakeng nauniporme mula sa isang delivery service. Agad nyang inabot sa akin ang isang kahon bago ipapirma sa akin ang receiving receipt.
"Salamat po Sir!" masayang nyang iniwan bago ko isara ang pinto. Nilapag ko ang kahon sa mesa at binuksan.
Nang makita ko ang laman, I just remembered Mia. She bought me a tuxedo kahit na ayoko magsuot non.
"Mia." pagsapo ko sa noo ko at napaupo ako sa couch. Malinis na nakatiklop at pressed ang tuxedo na ipinatahi nya para sa akin.
"What should I wear tonight?" I feel so frustrated in choosing. If I wear the dress, probably its the end of our relationship. Pero kung susuutin ko ang tuxedo, I can save my relationship with her but its the end of my real happiness.
"Ugh!" Huminga ako ng malalim. I should choose.
Alas-diyes ang umpisa ng party. At magkikita kami ni Mia sa building ng Institute of Architects. Doon kami magsasabay at tutuloy sa venue.
Nakahanda na ako bago mag alas-diyes at pumunta ako sa school. Dala ko ang isang paperbag. Naghintay ako sa building ng IA. Naririnig ko na mula sa kinauupuan ko ang ingay mula sa venue. Tahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan ang mga magkakapareha na lumalakad papalabas ng building. Kanya kanya silang nakasuot ng gowns and tuxedo. Ang iba naman babae panay tingin sa akin. Naiilang ako pero pakiramdam ko matapang ako.
"DYLAN!" nagulat ako sa sumigaw. Sa hallway palang nakita ko na si Mia. She wears a black cocktail dress. Nakacurl up ang buhok nya and she has silver earrings. Namuo ang inis sa mukha nya nang makita ako.
Hindi ko sinuot ang tuxedo, pero hindi ko din sinuot ang dress. I wore my casual clothes. White polo and skinny black jeans.
"Bakit hindi mo suot yun pinatahi ko!" galit nyang tanong sa akin.
"Mia, its not me." paliwanag ko. She's mad. At hindi ko na mapipigilan ang galit nya.
"Its not you? My god Dylan! Were going to the party! Pinag usapan na natin ito!"
"Mia. Makinig ka. Its not what I wear, mahalaga ang.." lumipad sa pisngi ko ang isang sampal bago pa man ako matapos sa sasabihin ko.
"Gawin mo nalang ang gusto mo!" galit nyang sinabi and she walked out. Namula ang pisngi ko.
Nais ko sana ipaliwanag kay Mia na, hindi mahalaga ang kasuotan o ang nakikita sa panlabas na kaanyuan. Pero she just choose to finish what it needs to be. And she left.. Like everyone does to me.
Umuwi ako sa condominium dala ang paperbag na naglalaman ng dress na ginawa ni Ms. Elynor para sa akin.
May dala din akong isang grocery bag na may laman beer cans at ilan crackers na kakainin ko.
Nilapag ko iyun sa mesa at hinubad ang sapatos ko. Binuksan ko ang isang lata saka tinungga iyun hanggang sa maubos ang laman.
"I hate myself.." bulong ko.
-
"Dylan!! Dylan!!" nagising ako sa pagkalabog ng pintuan ko. Its already morning at hindi ko namalayan nakatulog ako sa lapag. Naririnig ko ang pagsigaw ng pangalan ko mula sa pintuan. Nagmadali akong buksan iyon at baka makaistorbo sa mga kapitbahay ko.
"Goodmorning!" masayang bati ni Patty kasama ang boyfriend nya na si Jericho. They were my friends at school. At mukhang bali balita na sa school ang hiwalayan namin ni Mia. Shinota ko ba naman ang isa sa kilalang babae sa school.
"You look not good. Pumanget ka!" sigaw ni Patty at tinulak ang pintuan ko para makapasok sila. Binaba ni Jericho ang dala nilang plastic ng Jollibee. Naamoy ko pa ang bagong luto na fried chicken.
"Kumain ka nga, may klase tayo mamayang 1PM." sermon sa akin ni Patty habang pinupulot ang nagkalat na lata ng beer sa sala.
"Uminom ka pala? Dapat nagyaya ka." biro sa akin ni Jericho. Mabilis syang tinapik ng nobya.
"So anong nangyari sa party kagabi?" naisipan kong itanong habang binubuksan ang plastic na may laman pagkain.
"Hindi kami umattend. Pero nakasagap ako ng balita from Shiela." kwento ni Patty habang tinitiklop ang mga nagkalat kong damit sa sala.
"Anong balita?"
"Mia already broke up with you. Mabuti naman iniwan kana nya." pataray na sinabi ni Patty.
"Baliw ka talaga! Mabuti ba yun!" galit na pasunod ni Jericho.
"Hey. Okay lang. I guess tama na din yun ginawa nya para hindi na sya napapahiya dahil sa akin." sinamaan ako ng tingin ni Patty.
"Tama talaga dahil aminin mo man o hindi. Nakakasakal ang babaeng yun. You don't deserve a woman like her." galit nyang sinabi. Natawa ako.
"Saka, sya lang naman itong hindi ka tanggap. Kami, tanggap ka namin." ngumiti ako. Inakbayan ako ni Joseph.
"That's true. Tuwang tuwa pa nga kami kapag rumarampa ka dun sa runway. Kung di kita kilala, baka inakala ko na babae ka tapos niligawan kita kagaad."
"Sira ulo ka talaga no!" binatukan sya ni Patty at natawa kaming pareho.
"O sige tama na yan. Kumain na tayo." pagpapaalala ko dahil naiayos ko na ang dala nilang pagkain.
Kumuha si Patty ng mga baso at isang pitsel ng tubig sa kusina. Sumalampak kaming dalawa ni Jericho sa lapag habang si Patty sa couch na naupo. Binuksan ko ang tv para makinig ng morning news.
Today, we will have an exclusive interview with Mr. Kirsch.
Narinig ko mula sa isang reporter sa isang breaking news. Nakita ko ang isang lalakeng umeedad ng halos nasa 30 years old o pataas pa. Pero sa itsura nya, mukha pa syang bata.
"Oh, ayan yun asawa nung sikat na actress na si Diana Luna." gulat na sinabi ni Patty ng makita ang lalake sa tv. Nakaturo sya dito habang kumakain.
"Mukhang maghihiwalay na sila." sabi ko sabay kumuha ng fries at sinubo ko.
"Balita nga." dugtong pa ni Patty. Pinagmasdan ko ang lalakeng nasa tv at pinakinggan ko ang mga sagot nya sa pahayag sa kanya. Humaharap sya sa tao pero hindi ko matanto kung anong emosyon nya. He wore tinted sunglasses. Siguro paraan din ito para hindi masabi ng mga nakakakita sa kanya ang tunay nyang pinagdadaanan.
"Alam mo, ang super hot nyan si Mr. Kirsch. Tapos hihiwalayan lang. My god! Nagsayang sya ng ginto." reaksyon ni Patty habang nanonood. I've seen that guy sa mga Women's Magazine. Bukod sa isa sya sa ma nangungunang business tycoon sa bansa, hindi rin sya nagpapahuli sa mga endorsements. He has a fine body. At naiinggit ako sa kanya. Lalakeng lalake sya. May matikas na pangangatawan. And women love him. Hindi ko alam kung makakatagpo pa ako ng tulad ni Mia na magmamahal sa akin. Or else tumigil nalang ako sa pag asa na may mananatili pang magmamahal sa akin.
---
Expect some errors :)