Edward's POV
Nasa tabi ko ang isang bote ng whisky. Nasa kalagitnaan na ako ng pag inom ko. Pero hindi pa din ako tinatamaan.
Naiinis pa din ako sa nangyaring meeting with the lawyers. Nakaharap ko pa si Diana. At nakita nya ako sa ganoon kong itsura. Lalo ko tuloy syang binigyan ng dahilan para magpumilit syang bumalik sa buhay ko, para ano. Para magkaroon nanaman sya ng pagkakataon na ulitin ang ginawa nya sa akin panloloko.
Gago ako, pero hindi ako tanga.
Muli kong kinuha ang bote at nagsalin sa baso ko. Saka ko mabilis tinungga ang baso hanggang sa maubos ang laman. Huminga ako ng malalim pagkaraan kong uminom.
Ayaw akong pakawalan ni Diana.
And she's making me worse.
"Oh?" nagulat ako ng mahawakan ko ang isang invitation. I remembered my sister's upcoming fashion show. Bukas na iyon ng gabi at hindi ko pa sya naisisingit sa schedule ko. She'll get mad kapag hindi ako nakarating. At kapag nagpunta ako ng ganito ang itsura ko, magagalit din sya. Women are unpredictable.
Kinuha ko ang phone ko sa katabing side table. Dinial ko ang number ni Lina para iclear ang schedule ko bukas ng gabi. Matagal na din akong hindi naka attend sa fashion show ng kapatid ko. Siguro its time na din to unwind.
Tumayo ako at nagtungo sa wardrobe. I need to find a perfect suit for tomorrow's event. Ayoko din ipahiya ang kapatid ko at lalo na isipin nyang mukha akong miserable dahil lang nakipaghiwalay ako. Pagbukas ko ng closet, iilan suit lang ang nakasampay, naalala ko na ginamit ko pala yun iba this past few weeks for my presscons.
"This will fit." I said at kinuha ang isang itim na tuxedo. Isang beses ko palang sya naisusuot. Gusto ko sanang bumili ng bago kaya lang mauubusan ako ng oras. I have work tomorrow morning at hindi ko maisisingit sa oras ko ang pamimili.
Hinanda ko ang susuutin para bukas ng gabi. Matapos no'n. Nahiga na din ako at namahinga. Ayoko na umattend bukas na malalim ang mga mata ko. Iniwan ko nalang ang pinag inuman ko sa veranda. Liligpitin naman ni Yaya iyon kinabukasan. Nakatulog ako ng di ko namamalayan. Siguro sa tama na din ng alak.
-
Maaga palang nasa opisina na ako. Nag iwan ng hang over ang pag inom ko last night pero sanay na ako sa ganun routine ko. Eventhough noon magkasama pa kami ni Diana. I need to wake up kahit pa parang pinapatay ng alak ang katawan ko.
"Sir. Ito na po yun hinihingi nyong audit reports galing po sa Finance Department." sabi ng sekretarya ko na si Lina. Dala nya sa bisig nya ang ilan makakapal na folders. Kailangan ko ireview lahat iyon bago ipasok sa Accounting Department. Ibinagsak nya iyon sa harapan ko.
"How about my schedule tonight? Naiayos mo na?" seryoso kong tanong sa kanya. Inilabas nya ang isang phone sa bulsa nya.
"Okay na po Sir. Already cleared for Ms. Elynor's event." nakangiti nyang sinabi. Tinanguan ko sya at agad na syang lumabas ng opisina. Hinarap ko ang tambak na trabaho. I need to be done before 4PM. Kailangan ko pa kasing i-meet ang CEO ng Imperial at Alejo for some partnerships. Lalo na at nagkaroon pa ng mga issue sa Imperial nitong mga nakaraan buwan kaya't kailangan ipagpaliban ang meeting namin. While the CEO of Alejo was in France kaya hindi rin kami makapagset ng meeting.
Huminga ako ng malalim matapos kong ubusin ang isang oras ko sa pagrereview ng mga report. Lumuluwa na ang mga mata ko sa mga numero na kailangan kong i-recalculate. Hindi ko naman kasi pwedeng aprubahan ito agad or else magagalit sa akin si Natalie, ang Head of Finance.
"Sir!" nagulat ako at huminto sa ginagawa ng sumilip mula sa pintuan ko si Lina. She seems nervous habang binubulong ang pagtawag sa akin.
"What is it?" Kalmado kong tanong.
"Nandyan po sya." the moment she said it. Alam ko, its Diana. She just won't give up. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pintuan. Pagsilip ko, nakita ko kaagad sya sa desk ni Lina. Ipinipilit nyang pumasok sya at kausapin ako.
Bumukas ang pinto and everyone look at me.
"Inside!" matigas kong sinabi kasabay ng pagtigas ng mukha ko. Diana stood when she heard what I said. Mabilis syang nagtungo sa loob at sinarado ko ang pinto.
"Ano nanaman ba ito Diana? Iniistorbo mo ako sa trabaho ko." pagtaas ng aking tono habang nakatalikod sa kanya. Nakahawak ako sa desk ko at nagpipigil na umakyat ang galit sa ulo ko. May hang over pa ako at hindi humuhupa ang sakit ng ulo ko.
"Visiting you, Babe." wika nya sa pagkamaarteng tono. Iginapang nya ang mahahaba nyang kuko sa balikat ko paakyat sa batok ko. Kumakalat sa buong kwarto ang nakakasakal nyang amoy. She loves this kind of perfume.
"Stop it, Diana! We're never getting back together." galit kong sinabi at tinanggal ang kamay nya sa balikat ko.
"No, Edward. Pipilitin ko maitama ang lahat. Just give me a chance.." pakiusap nya.
"I am moving on. Hindi ba may boyfriend kana. Just focus on him."
"Were done, Edward. Mas mahalaga ka sa akin." katwiran nya. Lumapit ako sa kanya. She's almost on the level of my chest.
"I had lots of girlfriends bago kita'pinakasalan. Pero lahat yun iniwan ko because I promised to myself I'll be a changed man when I get married. Pero ito pa pala isasampal mo sa akin. Sana pala nagloko nalang din ako." wika ko. Maluha luha na sya habang pinapatay ko sya ng pagtitig ko.
"Out." mahinahon kong sinabi. Hindi na sya nagsalita. Lumabas na sya pero nakatingin pa din sya sa akin. Hindi na ako maghahabol. Tapos na ako sa kanya. Tapos na ang panloloko nya.
Bumalik ako sa kinauupuan ko. Tumahimik ako sandali. Hinawakan ko ang dibdib ko at para bang hindi ako makahinga kanina.
Dapat talaga maaprubahan na ang deborsyo namin ni Diana, as soon bago ako tuluyan mabaliw sa kanya.
-
4PM ang meeting ko with co investors. At dahil alas-otso pa magsisimula ang event ng kapatid ko. May oras pa ako para mag ayos ng sarili ko.
Bumalik ako sa bahay after the meeting. I took a haircut. Pinabawasan ko ang nangangapal kong buhok sa itaas. Then I shaved. Nilinis ko ang mukha ko na mukhang nang marumi dahil sa mga tumutubong buhok dito. Matapos no'n, nagbihis ako. Hinayaan ko ng nakabukas ang itim kong coat para naman hindi sayang ang pagsusuot ko ng bagong longsleeve ko. Binuksan ko ang ilan butones mula sa leeg. Nagsuot ako ng bagong linis na sapatos. Inutos ko din na linisin ni Dado ang saksakyan gagamitin ko. Hindi ko kinalimutan ang invitation na binigay ni Ely. Nandoon kasi ang sequence ng event. Matagal tagal na din akong hindi nakapanood ng fashion show kaya hindi ko na din matandaan ang mga pagkakasunod sunod ng event.
Naalala ko na imbitado din si Mr. Alejo sa event ni Ely. Kasama nya ang asawa na manonood. Tinanong din nya ako if I have a date. Hindi nalang ako sumagot at sinabi ko nalang na pupunta ako doon dahil inutos ni Ely na kailangan kong makarating.
Nagmaneho ako papuntang City of Dreams, Manila. Doon kasi gaganapin ang nasabing event. Elynor reserved the whole resort and events place para sa fashion show na yon. At ilan weeks ko na din naririnig ang matunog na pangalan ng kapatid ko sa balita.
Usap usapan din ang matagumpay nyang fashion show sa France and Dubai that fascinated her crowd. Kaya hindi na ako magtataka kung magawa nya ulit yon ngayon.
Huminto ang kotse ko. Nasa dulo na ako ng linya ng mga sasakyan papasok sa parking lot ng City of Dreams. Alam kong nag imbita din sya ng mga kilalang tao mula sa pulitika at iba't ibang industriya. Kaya siguro ipinipilit nya akong makarating. At isa pa, kilala ko si Ely. She'll introduce me to her friends. Alam nya ang pinagdadaanan ko.
Sandali kong ipinark ang sasakyan bago ko ibigay sa driver ang susi ng kotse. Pagtapak ko palang sa red carpet, nagsisulputan ang mga reporters na magtetelevised ng fashion show. Inulan ako ng tanong. Pero umiwas ako at nagtuloy tuloy sa venue.
Sinuot ko sandali ang salamin ko habang patungo sa event's place. Nakatago sa isang bulsa ng pantalon ko ang kamay ko habang nakalaylay ang isang kamay ko. Binabalikan ako ng tingin ng mga nakakasalubong ko. I guess kilala nila ako kahit magsalamin ako.
Bago ako pumasok sa entrance, hinarang ako ng isang babae na may hawak na folder. She was checking the guest list. At mukhang ginagawa nya talaga ang trabaho nya.
"ID po sir." she said with serious tone. Hindi nya binibitawan ang folder na hawak nya ganundin ang ballpen na ginagamit nyang pancheck.
"I don't have an ID with me." pagsagot ko. Naiwan ko sa kotse ang ID ko. At hindi ko babalikan yon para lang makapasok ako.
"Sorry Sir. But you can't come inside." sagot nya sa akin. Huminga ako ng malalim. Saka hinubad ang suot kong salamin. Bumalik ang tingin nya sa akin at parang nilunok na nya ang sinabi nya.
"Mr. Kirsch.!" nabigla nyang sinabi. Nagulat sila at hindi inaasahan ang pagdating ko. Pati ang bouncer na katabi nya ay hindi na nakapagsalita ng makita ako.
"S-sorry po! I didn't know." nanginginig na sinabi ng babae.
"Its fine. Hindi rin ata sinabi ni Ely." mabilis syang umiling. Pinapasok nya na ako.
Naririnig ko na ang ingay ng tugtugin. Ganoondin ang mga guests na nagsisiupuan na sa kani kanilang reserved seat. Binuksan ko ang invitation. At doon ko nakita ang reserved na upuan ko. The whole runway is captivating. The stage was designed with fiber glass and silver linings. May mga bulaklak din but painted with sparkling silver color. It was dazzling to the eye. The curtains were black and white. Ganundin ang mga sapin sa mesa at upuan. May mga waiter na lumilibot sa buong kwarto. Nag aabot ng champagne and taking requests.
Hinanap ko ang mauupuan ko. And I found it right in the front of the stage. Kuhang kuha ko mula sa pwesto ko mamaya ang pagrampa ng mga modelo. The best view.
Hindi na ako nagsuot ng sunglasses. Lumingon ako sa paligid and I saw familiar faces. Then some actors and actresses na nakakasama ni Diana noon. Lumilihis ako ng tingin kapag dadaan sila. Ayoko kasing pag usapan ang issue between sa amin ng asawa ko. I came here to support my sister hindi para pagfiestahan ng chismis. And I'm already done with it.
"Champagne?" alok sa akin ng waiter na dumaan. Kinuha ko ang isang wine glass.
Good evening everyone!
Narinig kong sinabi ng host na may pagka french accent. The spotlights focused on the stage. Other guests begin to relaxed on their seats. Inubos ko ang champagne bago ko ibalik sa waiter na nag aalok pa din ng dala nya.
Tinuon ko ang atensyon ko sa panimula ng event.
The charm of fashion show is infinite, though it stands different for every person. Some visualise clothing as a product. Others think of it as a creative manifestation of their persona as fascinating way to stand out from the crowd.
And she breathed in heavily bago muling magsalita.
Within few moments, everyone will get the chance to see our lovely divas and hunks putting on a display of some of the glamorous designs by our stunning artist Ms. Elynor!
And the crowd clapped their hands as they heard my sister's name.
Let the highlight of this event begins!
Everyone put your hands together for the ramp walk!
Lights focuses on the center aisle as the models begin to walk. Wearing my sister's designs. Pumapalakpak ako habang pinagmamasdan ang mga disensyong pinaghirapan nya. She totally reached her goal and as a brother. Napakaswerte ko.
Taas noong naglalakad ang mga modelo nya habang inirarampa ang mga mixed modern-goth style clothings nya.
"She nailed it." wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mga modelo na umiikot sa harap ko.
They're all stunning, beautiful and amazing.
Next is the couture gown, embracing the gothic side in a super embellished draping detail with a high neckline. Also exposing its back making a daring turn.
Bumagal ang takbo ng oras. As a woman performing her catwalk and its charming turn while facing her crowd. She's wearing a seductive dress desgned by Ely. Pero mas lalo pa itong umangat habang suot nya. Dumagdag pa ang red brown hair nya that is waving every turn she make. Is this the one my sister told me about? Mayroon daw syang isang modelo na talagang crowd favourite. And every men desired her.
Lumunok ako. At kumagat sa ibabang labi ko habang titig ako sa kanya sa pag ikot nya sa harap ko. It stopped and left a beautiful smile. I was blown away by her charms. Hindi agad ako nakapagreact ng rumampa sya.
Inihinto nya ang oras. Huminto ang mundo ko ng makita sya.
---
Expect some errors :)