"Hayst sige bahala ka, pag natalo sila kasalanan mo. Anyways, sure ka ba diyan sa ginagawa mo? Paano na si Simon?"
"Di ko rin alam eh pero nag-agree na kasi ako bes. Ang sama ko naman kung babawiin ko yun."
"Oh sige sige, kung san ka masaya pero kung lolokohin kalang yan, bayag abot niyan sa akin. Pero teka teka, handa na ba ulit umibig ang puso mo? I mean, mahihirapan yun palitan si Simon sa puso mo lalo na alam ko kung gaano mo siya kamahal."
"Gaya nga ng sabi mo diba, walang mawawala kung susubukan so... susubukan kong mahalin siya, kahit mahirap."
"Okay okay sige na may gagawin pa ako. Sayang at di mo makikita si Simon bukas but anyways, good luck sa date niyo."
"Baliw, di date yun."
"Hindi ba, edi sorry sorry. Sige na bye na talaga."
After nun ay pinuntahan ko si kuya ko. Nasa couch siya at nag-lalaro siya ng Mobile Legends. Tinabihan ko siya.
"Kuya?" Tanong ko and he hummed in response. "May... papakilala po ako sayo bukas?"
"Sino?"
"Manliligaw ko po." Napasigaw siya ng 'Ha' sa sinabi ko at nagulat ako. "Bakit po kuya?"
"Ah? Ay namatay ako. Anyways, anong pangalan niya?"
"Hans po."
"Age?"
"19."
"Sige, kailan mo papakilala?"
"Bukas po."
"Sige, sabihin mo dito sa bahay siya dumeretsyo at mag-dala siya nang bola. Punta tayo bukas sa gym at mag-laro tayo ng Basketball. One v one kamo kami. Dapat andito na siya ng nine sharp."
"Huh? Ah sige po." Nagulat ako dahil parang hindi siya galit.
Normally ayaw niyang may manliligaw ako kasi overprotective siya sa akin.
"Kuya di ka galit?" Tanong ko at tinignan niya ako tapos sa phone niya.
"Bat naman ako magagalit?" Sagot niya.
"Kasi... may ipapakilala akong manliligaw sayo and normally ayaw mong may nanliligaw sa akin?"
"Basta wag kalang niyang sasaktan kung hindi makakatikim siya sa akin. Tyaka first time mong mag-pakilala sa akin ng manliligaw mo noh. Four years ago di mo napakilala kaya di ko alam kung manloloko yun pero ngayon sisiguraduhin ko na di ka lolokohin ni Hans na toh."
"Ayiee, may pag-kacute karin pala." Niloko ko siya at tinignan niya ako ng masama.
Dinilaan ko na lamang siya tapos madaliang umalis? Kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Hans.
Me: Hans marunong kabang mag-basketball???
Hans: Syempre naman hehe bakit?
Me: Punta ka daw dito sa bahay tapos deretsyo tayo sa gym. 1v1 daw kayo ni kuya sa Basketball
Hans: Ah sige ba
Me: Pero dapat mag-patalo ka ah
Hans: Haha okie sabi mo eh what time nga pala?
Me: Nine sharp daw, BAWAL ma-late
Hans: Okie
Me: Sige na, tulog na talaga me
Hans: Ghe night night sweetdreams ❤❤
The next day, nagising ako agad kasi hinampas ni kuya ang unan sa mukha ko.
"Ano ba kuya natutulog ako!" Sigaw ko at ibinato ko ang unan ko sa kanya.
"Bangon na may bisita ka pa!" Paalala niya at tinignan ko yung oras.
"Seven palang! Bat ang aga mong mang-gising?" Tanong ko.
"O baka mag-luluto ako at kailangan ko ng tagahiwa since di ka pa marunong mag-luto?"
"Marunong ako! Scramble egg, boiled egg, sausages, pansit, maling, longanisa at tosino alam kong lutuin!" Sabi ko at tumawa siya.
"Mga basic lang yun, wala ka pang alam lutuin na ulam." Binalik niya ang unan ko. "Kaya bangon na para makaluto na ako. Tyaka sabi mo pag-gigisingin ka sa umaga at di ka magising, hampasin kalang ng unan at gising ka na nun agad. Effective naman eh."
Napahiga ulit ako sa kama ko nung lumabas na siya ng kwarto ko. Narinig kong nag-vibrate ang phone ko kaya chineck ko.
Hans: Goodmorning, how's sleep??
Me: Kulang
Hans: Awww why??
Me: Kaw ba naman gisingin ng napaka-umaga and I don't like getting disturb when I'm asleep
Hans: Huh?? So ginising ka ng kuya mo??
Me: OO!!!
Hans: Yo chill!! Now I know na bawal kang gisingin pag natutulog... katakot ka
Me: Sooo... ready ka na ba???
Hans: Yep kaso exvious ako
Me: Ano yun???
Hans: Umm search mo
Me: Wow, pinasearch pa talaga ako
Me: Oh ayan, happy kana???
Hans: Haha, it's a feeling of excited and nervous
Me: Ah ok mag-ready na din ako
Hans: So bola lang dadalhin ko??
Me: Dala ka ulam gusto mo???
Hans: Sige ba ano gusto mo??
Me: Fav kong pag-kain Burger steak, dapat mala-Jollibee ang lasa
Hans: Ah yun lang pala eh, marunong akong mag-luto ng kahit ako. Gusto mo iluto kita ng Jollibee??
Me: Joke lang sige na kitakits nalang mamaya
Hans: Okie see you soon
Pag-katapos nun ay bumangon na ako at tinulungan si kuya na mag-luto ng Bicol express, his specialty.
"Di ka pa ba mag-aayos? Malapit ng dumating si Hans." Tanong ng kuya ko.
"Bat kailangan ko pang mag-makeup kung may natural beauty naman ako?" Sagot ko. "Ay panget pala ako kaya wala akong natural beauty."
"Baliw, maganda ka inside and out. Palagi ngalang sawi sa pag-ibig." Tumawa siya at nag fake smile ako.
"Haha, very funny." Pa-sarcastic kong sinabi at pumunta sa kwarto ko.
Nag-palit ako at bumalik ako sa kitchen.
"Okay na toh?" Tanong ko sa kanya habang pinakita ang damit ko.
"Okay naman, di ka talaga mag-mamakeup? Kahit ngayon lang?" Reply niya.
"Parang mama narin kuya? Tyaka gusto ko magustuhan ako dahil sa personality ko at kung ano ako at hindi dahil sa mukha."
"Di naman sa ganun, okay na yan." Ngumiti siya.
Soon, dumating na si Hans. Binuksan ko ang pintuan.
"Hi!" Bati niya.
"Oh hi, pasok."
Tatangalin niya na sana sapatos niya pero pinigilan ko siya.
"Siya na ba yan?" Tanong ni kuya.
"Opo kuya." Tumabi sa akin si kuya. "Hans, si kuya Jave. Kuya Jave, si Hans."
"Nice to meet you po." Sabi ni Hans habang inoffer ang kamay niya which kuya greatfully took.