Nakita ko sa mata ni kuya na parang may hinahanap siya pero tumalikod siya agad.
"Tara kain." Ang sabi niya at sumunod kaming dalawa ni Hans.
Nung kumain na kami, si kuya ay parang naging interviewer.
"So anong dream job mo?"
"Gusto ko pong maging Pilot one day po."
"Aba ayos ah, si Cass gusto maging Flight Attendant." Sabi ni kuya ko.
"Meant to be nga po." Tawa ni Hans at tinigyan siya ng seryoso ni kuya.
"Ikaw, marinig ko lang na pina-iyak mo ang kapatid ko, makakatikim ka talaga sa akin. Sisiguraduhin ko na hinding hindi mo na makikita ang kinabukasan." Banta ni kuya at napa-lunok si Hans.
"H-hindi ko po gagawin yun kasi mahal ko po ang kapatid niyo." Bigla na lamang napatawa si kuya.
"Wag mong sabihin na mahal mo na agad kasi di mo pa siya gaano kakilala. Tyaka tapusin niyo muna pag-aaral niyo para may kinabukasan kayo."
"Willing to wait naman po ako at promise po na hinding hindi ko sasaktan ang kapatid niyo."
"Wag mag-salita ng patapos kasi karamihan sa mga lalake na puro matatamis ang lumalabas sa bibig ay manloloko."
"Aherm... parang ikaw ba kuya?" Tanong ko at tinignan niya ako.
He gave me a look of 'Anong ginagawa mo' and I gave him a look of 'Tinatakot mo yung tao!'
"Anyways, sa ngayon ganyan pa ang mga sinasabi mo pero tignan nalang natin sa future." Yun na lamang ang sinabi ng kuya ko.
-----Time skip kasi wala na me maisip-----
Nag-lalakad na kami papuntang gym since it's only fifteen minute walk sa bahay.
"Pag-pasensyahan mo na kuya ko ah, overprotective lang yan." Sabi ko kay Hans at ngumiti siya.
"Ayos lang, naintindihan ko naman. Ganyan din ako sa ate ko eh."
Pag-dating namin sa gym at nakita namin doon si Cj at ang mga kaibigan niya.
"Uy hi! Ikaw pala!" Bati ko at ngumiti siya.
"Haha hi Cass, mga kaibigan ko pala. Si Jolo, Mike, Ralph, Gio at-" Nakilala ko yung huli.
"Aeron. Nice to meet you all." Sabi ko. "Mag-kakilala pala kayong dalawa?"
"Yep, we're like bros. Wait, mag-kakilala din kayo?"
"Ya, nanay ko siya." Sagot ni Aeron at parang naconfuse si Cj.
"Oo anak ko siya, dati pa haha." Kinonfirm ko.
"Kung anak mo siya, sino ang tatay?" Tanong sa akin ni Hans at napaisip ako.
"Si Mitsuki ang tatay niya." Sagot ko.
"Aaah."
"Kuya ko pala, si kuya Jave." Pinakilala ko si kuya sa kanila.
"Nice to meet you po." Bati ni Cj. "Sila nga pala si Cass at Hans."
"Ayun pala may kalaro tayo. Tara four v four." Aya ng kuya ko.
"Sige!" Nag-agree yung iba.
"Ako lang babae?" Tanong ko at tinignan nila ako.
"Ayos lang yan, naging player ka naman seven years ago eh." Reply ni kuya.
"Seven years ago na yun, tagal ko nang di nag-lalaro." I pointed out.
"Kapag naging player, di na kailangang mag-laro araw araw para gumaling. It's in your blood." Sabi ng kuya ko at nag-agree nalang ako.
Nag-kampihan kami at naging kakampi ko si Aeron, kuya at Ralph. Hans, Gio, Mike at Jolo naman sa kabila.
"Yes kakampi ko si anakis ko!" Masaya kong sinabi.
"Sayang yung MVP namin nasa inyo." Sabi ni Cj at nag-shrug ako.
"Cass, gagawin ko pa ba yung sinabi mo kahapon na mag-patalo sa kuya mo?" Pabulong na tinanong ni Hans.
"Di na, pag one v one lang kayo pero ngayon di mo kailangang mag-hold back." Sagot ko.
"Okie!"
At nag-simula na ang laban. Minarkahan ko si Hans, Gio at Ralph, Jolo at Aeron ang nag-babantayan. Kila Hans ang unang bola.
"Cass, san ka magaling sa Basketball?" Tanong ni Hans habang drinidrible ang bola.
"Ako?" Tanong ko at nag-isip. "Wala ehh haha."
Habang distracted siya, inagaw ko ang bola at pinasa kay kuya ko. Pinasa niya kay Aeron at na-shoot niya yun.
"Wala daw." Sabi ni Hans at nag-shrug ako.
"Wala nga."
"Wala pero naagaw?"
"Distracted ka eh, I just took the advantage." I shrug and he smirk at me.
"How about a bet?" He ask.
"What sort of bet?"
"Manlilibre ang matalo." Reply niya at narinig ng iba.
"Sige ba! Mackers at coke libre mamaya!" Sigaw ni Gio at nag-agree ang lahat.
"Want me to take it easy on you?" Tanong ni Hans.
"No thanks, I hate unfair fight." Reply ko at naagaw ko ulit ang bola sa kanya.
Sa first ten round natatalo kami pero nung nag-seryoso si Aeron, nakabawi kami. Magaling naman mag-laro si Hans pero wala paring tatalo kay Simon at sa kuya ko.
I guess medyo mag-kalapit ang skills ni Aeron at Simon but of course, si Simon parin ang the best. We played a few more rounds and in the end, our team won.
"Mackers and coke? Libre mo haha." Sinabi ko kay Hans at nag pout siya.
"Tanong ko lang, bakit taga-agaw kalang at di mo shinoshoot yung bola?" He ask at nag-kamot ako ng ulo.
"Kasi di ako marunong mag-shoot!" Tumawa ako and he gave me a confuse look.
"Gusto mo turuan kita?" Offer niya.
Actually marunong akong mag-shoot, di nga lang accurate at takot na kapag ishoot ko ang bola, hindi papasok. Baka laitin lang ako ng mga kateam ko.
"Ayos na ako sa taga-agaw, yokong mag-shoot. Bahala na ang kateam ko na mag-shoot... haha!" Sabi ko at buti nalang dumating si kuya.
"Good game." Sabi niya at inappear si Hans.
Maya maya ay nag-paalam na kami sa isa't isa.
"Mackers at coke namin ah! Next time! Sigaw ni Aeron kay Cj at natawa ako.
"Sige Cass, see you at school nalang and thanks sa time." Sabi ni Hans sa akin at finist-bump ako. "Thank you din po kuya and nice meeting you."
"So kuya... approve ba?" Tanong ko kay kuya after umalis ni Hans.
"Kung san ka masaya." Sagot niya at ngumiti ako.
"Punta pala ako kila Daff, sleepover kami."
"Sige, ingat ka."
"Bye kuya!"