Chapter 14

1001 Words
"Soooooo how was the date?" Tanong ni Daff sa akin. Nasa couch kami ngayon at pinapanood namin ang The Maze Runner: Scorch Trial. Na-convince ko na panoorin namin since yun ang favourite part ko ng Maze Runner hanggang sa lumabas ang part three. "Date ka diyan, mineet lang kuya ko date na agad?" Sagot ko at nag-roll eyes siya. "Whatever, basta how was it?" "Okay lang naman, sakto nakalaro namin sila Cj sa Basketball kanina. Mukhang approve naman sa kuya ko." I explained. "Speaking of Basketball, natalo sila Simon kanina." Sabi niya at napatingin ako sa kanya. "Sure ka ba diyan? Group ni Simon? Natalo? As in, natalo? Lose?" Nag nod siya. "Oo gurl, wala ka kasi. Ang tahimik kanina wala masyadong nag-checheer sa group nila. Yan tuloy, natalo sila. Kaw kasi di mo nalang pinag-pabukas yung date niyo ni Hans." Nalungkot siya at nag-sigh ako. "Na-oohan na nga eh di ka ba makaintindi? Tyaka... bakit naman ako ang pinag-bibintangan mo sa pag-katalo nila Simon e sila naman yung nag-lalaro?"  "Syempre ikaw kaya taga-buhat ng team! Tyaka, taga-buhat ng puso ni Simon! Ayieee, nawalan ata ng gana mag-laro yung tao kasi wala yung My Labs niya." "Aba nabaliw na, ni hindi nga natin alam kung naririnig ni Simon yung mga sigaw ko noon eh. Tyaka wala naman kinalaman ang pag-sigaw sigaw ko sa laro noh." "Hala, nagiging bitter na si ate porket may Hans na." "Di naman sa ganun, syempre andyan na si Hans so... sinusubukan ko na kalimutan na yung feelings ko kay Simon noh. Di naman kasi pwede na may gusto ako kay Simon tapos nag-papaligaw ako. Tyaka try ko na rin mag-move on kay Simon. Try lang naman." "Ah try try pero sabihin mo mahal mo pa rin si Simon." "Bakit? Di naman agad agad mawawala yung feelings ko sa kanya ah. Kaya nga sinusubukan diba?" "Okay, sabi mo eh pero pag-sinaktan ka nang Hans na yan lagot talaga sa akin yan makita niya lang." Sabi niya at ngumiti ako. "Oo nga pala, ano binigay niya sayo?" Nag-isip ako at narealize na wala siyang binigay. "Wa...la." Reply ko. "Ha!" Nagulat siya. "Anong wala?" "Wala. As in, wala siyang binigay sa akin." "As in walang wala? Anong klaseng lalake yan? Ni kahit na bulaklak na mapupulot sa daan hindi siya pumutol para ibigay sayo?" "Wala nga." "Hay naku! Dapat alam ng lalake na kung manliligaw sila sa isang babae dapat may ibibigay sila! Kahit na mapulot lang sa daan! Alam kong simple lang ang gusto mo pero alam ko rin na mas bet mo ang nanliligaw na nag-bibigay na bulaklak kahit galing sa daan. Pag-sabihan ko nga yun." Explain niya. "Wag na baliw toh baka mapahiya yung tao. Hayaan mo na siya, baka may surprise naman." Sabi ko at nag-roll eyes siya. "Fine..." Parang napaisip siya. "Soooo... kakalabanin mo siya ng chess?" "Why not?" Tanong ko at napanguso siya. "I see kasi ang sabi mo kung matatalo ka ng lalake sa chess sa first game, it means na he can be your boyfriend when the time comes diba?" "Ya... I did say that so... try kong kalabanin si Hans at kung matatalo niya ako sa first game, then pwede niya akong maging gf pag-katapos naming mag-aral." "Eh si Simon nakalaban mo na ba?" Tanong niya at nag-isip ulit ako. "No, hindi pa. Makakalaban ko na siya noon kaso naunahan ako ni kuya Psalm soooo..." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. "So pwede pa kayong mag-laro ni Simon ng chess at pag natalo ka niya sa first game..." She wiggled her eyebrow. "May pag-asa pa! Ayieeee!" "Manahimik ka nga diyan, nag-momove on na nga yung tao eh." "Gurl! Mahirap mag move-on lalo na tatlong taon mong nagustuhan yung tao!" "Kaya nga sinusubukan diba." "Kaw bahala, puso mo yan eh. Just telling you na kung dumating ang araw na makalaban mo si Simon sa chess at natalo ka niya, ediiiii... paktay ka." "Edi wag kalabanin yung tao, yun lang yun eh tyaka si kuya ko palang nakakatalo sa akin noh." "Kilala kita noh, kapag inaya ka oo ka kaagad lalo na favourite board games mo yan." "Edi ikaw na magaling." -----Le Time skip to Monday----- Habang nasa klase kami, binabasa ko ang part three nang The Maze Runner: The Death cure at nasa parte na ako nung nalaman nila Thomas na infected si Newt. NO! Don't tell me mamamatay si Newtie ko! Nang mabasa ko ang part na napatay ni Minho si Newt, binagsak ko ang libro at napasigaw ng 'NO!' Nakalimutan ko na nasa room pala ako at nag-tinginan lahat sa akin. "What's wrong Cassandra?" Tanong ni sir. "Ah, nothing sir! I'm really sorry." Reply ko at nag-patuloy siya sa lecture niya. "Okay kalang?" Bulong sa akin ni Hans at nag nod. After nang klase, sinabi ni Hans na may pupuntahan siya so nauna na kami si Daff sa canteen. Habang nag-lalakad kami ay biglang dumating sila Demonia at ang mga underlings niya. "Well well well, look who we got here." Sabi ni Demonia habang gumegewang ang bewang niya. "It's the loser and the other loser." Umabante agad si Daff and she glare at them. "Anong kailangan niyo?" Tanong ni Daff. "Get out of this loser." Tinulak ni Demonia si Daff at gaganti sana si Daff pero napatigil siya sa sinabi ni Demonia. "Subukan mong lumaban at malalaman talaga ng buong school na may gusto ang kaibigan mo kay Simon Fraser." Sabi niya at nagulat ako. Natahimik si Daff at ako naman ay di makapaniwala na alam niya. "Paano niyo nalaman? Sinong nag-sabi sa inyo?" Tanong ni Daff. "Oh? You think I would never know? My gash you should know by now that I am the daughter of the Principal and I get all the information in this school. And guess what, your cheap friend loser likes someone who can never like her. Heck I bet that he doesn't even know he exist." Tinignan ko nalang ang lapag para di niya makita na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD