"Did you really think that the most popular boy would notice someone like you? You're just a trash Cassandra, get that on your head!" Tinulak ako ni Demonia pero may sumalo sa akin.
"What's going on here?" Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang boses nang sumalo sa akin.
"Simon, we were just... practising our Drama. Diba Cassandra?" Tanong ni Demonia.
Tinangal ko ang kamay ni Simon sa akin at lumayo sa kanya without making eye contact.
"Oo, tapos na kami." Sagot ko at umalis na ako na napapaluha.
"Cass!" Tawag sa akin ni Daff pero binilisan ko ang pag-takbo ko.
Pumunta ako sa garden at dun na tumulo ang luha ko. Umupo ako sa bench and I curled up into a ball.
Ano bang ginagawa mo Cass? Bakit di ka man lang lumaban? Ang hina hina mo talaga!
"Uy, okay kalang?" Bigla nalang lumitaw si Hans at pinunasan ko agad ang mga luha ko.
"Ha? O-oo okay lang ako." Sagot ko at tumayo na ako.
"Parang di ka okay eh, may okay ba na umiiyak?"
"Yun naman pala eh, nakikita mo nang umiiyak tapos tatanungin mo pa kung okay yung tao." Napangiti na lamang ako. "May okay ba na umiiyak?"
"Meron, tears of joy." Pilosopo niyang sinabi.
"Baliw toh."
-----One month later cauz I'm lazy-----
It's been a month since nung inumpisahan akong ligawan ni Hans at lalo kaming napalapit sa isa't isa. Unti unti din akong nainlove sa kanya dahil parati siyang andyan tuwing kailangan ko ng tulong hanggang naging siya na ang mahal ko. Iniwasan ko si Simon after nung nangyare.
Sila Demonia naman ay patuloy parin ang pang-bubully sa akin at ginagamit parin si Simon para makuha ang gusto nila. Sinusunod ko naman sila at hinahayaan sa pang-bubully since ayokong malaman ni Simon na nag-kagusto ako sa kanya noon. Si Daff naman ay sinusubukan na labanan sila kaso pinipigilan ko siya.
"So... hindi mo pa ba ako sasagutin?" Tanong ni Hans habang tinitignan namin yung garden.
"Ha? Ah eh gusto ko muna kasing matapos pag-aaral ko bago ako mag-kajowa." Sagot ko.
"So? Di naman ako makakasagabal sa pag-aaral mo diba? Besides, I love you so much Cass that I want you to be mine already." Hinawakan niya ang kamay ko at nag lock eyes kami. "Please be mine."
"Sorry pero... di pa ako handa. Sana maintindihan mo." Sabi ko sa kanya at nag sigh siya.
"Okay lang, kaya ko namang mag-hintay." Ngumiti siya at inakap ako. "Basta akin ka lang ah."
Sasagot na sana ako kaso biglang dumating si Daff.
"Ginagawa niyo, kadiri! Walang forever!" Sabi niya at pumagitna sa aming dalawa. "Papayag ako na ligawan mo siya pero bawal sa harapan ko noh."
-----
Guys pa subscribe naman po please sa YouTube channel ko at palike po lahat ng video ko po. Link below po salamat
https://www.youtube.com/channel/UCU2rJ6TsrANlctcy2M3F0rA
https://m.facebook.com/340288133359641
https://www.youtube.com/watch?v=JPbiMqcQAZA&feature=share
https://www.youtube.com/watch?v=OfWPnkAvk28&feature=share