Author: Wahaha paumanhin po sa mga bad grammars ko, tagal ko na po kasing di nakakasulat nang Tagalog story so sorry po in advance kung masyadong pangkalumaan ang storya kopo pero salamat po sa mga nagbabasa po jan at sana po na-enjoy niyo po yung story
Also I made some few changes po. Yung title, story plot at yung main characters po pinalitan ko baka kasi po ma-confuse po kayo. Age doesn't matter po dating title ng story na toh and now it's called Tadhana. Yun lang po thanks po ulit sa mga nag-babasa
------------------------
Cassandra's POV
Hinihintay na lamang namin ang remaining na students. From time to time nakikita kong tinititigan ako ni Demonia at binibigyan nang masamang tingin. Di ko na lamang siya pinapansin.
"Uy bes, red alert red alert." Kinalabit ako ni Daff at tinignan ko kung ano ang itinuturo niya.
Si Simon, Jecus at Marcus ay papunta na kung nasaan kami pero nakatutok lamang ako kay Simon. Naimagine ko na magiging kami sa future pero biglaang nawala nang marinig kong kumanta si Daff.
"Why do birds~
Suddenly appeeeeear" Pumunta siya sa harap ko at gumawa nang mga hand gestures.
"Everytime, you are heeeereee~
Just like you, you long to be...
Close to hiiiiiiim"
"Ano ba, para kang baliw baka may makarinig sayo." Ang sabi ko since di naman siya masyadong malakas kumanta.
Pero pinag-patuloy niya ang pag-kanta niya.
"Why do stars, fall from the skyyyy~
Everytime you walk byyyy~
Just like you~
You long to be, close to hiiiiim~"
"Oo na tama na." Tinakpan ko na ang bunganga niya para di na siya kumanta.
"Alright, now everybody is here we will start with a game." Sabi ni Ma'am Glaiza, ang P.E teacher namin. "I will split you up in two and we're going to play dodgeball."
Binigyan kami ni Ma'am ng number. Ako ay number one at si Daff ay number two. Pinapalangin ko na sana mag-kateam kami ni Simon.
"Luh, di tayo mag-kateam. So shad." Nag pout si Daff at tinawanan ko siya.
"Ayos lang yan. Wag kang mag-alala di kita babatuhin haha."
"Okay go to your team now, number one on the left and two on the right." Ininstruct ni Ma'am at nag puntahan na ang mga tao sa side nila.
Nakita ko na kateam ni Daff si Demonia at Jessica. Kasama narin si Marcus. Sa akin naman ay biglaan akong kinilig nang malaman ko na mag-kateam kami ni Simon. Pero hindi ko pinakita na kinikilig ako. Kateam korin sina Jecus, Irus, Karen at Fatima.
"Emergesh bes! Ang swerte ko kateam ko siya!" Pabulong kong isinabi kay Daff.
"Ako unlucky, yung demonyitang babae at yung sidekick niya nasa team ko. Feeling ko imbis na ibato niya yung bola sa inyo, ibabato niya sa akin yun." Galit na isinabi ni Daff at tumawa ako.
"Ayos na yan, basta do your best."
"Kaw di mo na kailangan i-do your best kasi yung tatlong best player nasa team mo." Itinuro niya si Irus, Jecus at Simon.
"Kateam mo rin naman si Marcus ah at sure ako na magagaling din yung iba sa team mo noh." Tinignan ko lahat nang kateam niya at nag-shrug nalang siya.
"Bahala na si Batman, see you later nalang." After niyang sinabi yun, pumunta na siya sa mga kateam niya.
Every team has fifteen members. Sa side ni Daff there's six girls and nine boys. Sa side ko naman, there's seven girls and eight boys. Nilagay na ni Ma'am ang mga bola sa gitna at pag-katapos ay gumilid siya.
"1... 2... 3... GO!" Almost lahat ng lalake tumakbo sa bola at ang mga babae ay nag-stay sa likod.
"Hi ate!" Binati ako ni Irus habang naglalaro.
"Uy hi!" Sabi ko pabalik.
"Kamusta na?" Tanong niya.
"Ayos lang naman, ikaw?"
"Ayos lang din." Tumahimik siya konti tapos nagsalita ulit. "May jowa ka na ba te?"
Nagulat ako sa kanyang tanong pero sinabi ko ang totoo.
"Wala pa, naghihintay pa kay Mr. Right." Napatingin ako kay Simon at napangiti. "Sana ngalang bilis bilisan niya ang pag-dating. Haha char nag demand eh noh."
"Bakit te, sino bayan te." This time, parang hindi ko na mapigilang tumibok ang puso ng mabilisan.
Sa tuwing naiisip ko si Simon, bumibilis ang t***k nang puso ko. Kahit nga siguro pag-usapan lang namin siya ni Daff nababaliw na agad ako. Yung parang di ko na alam ang gagawin ko.
"Secret hehe." Ang reply ko at nag-pout siya.
"Ay daya haha." Ang sabi niya sabay dodge nang bola na tatama sa kanya.
"Nasa game pa pala tayo, mag-focus na muna tayo sa game."
"Sige po haha."
Nanalo kami nang first game dahil kay Simon at Jecus. Sa second game talo kasi sinabi ni Marcus sa kateammate niya na tanggalin muna si Simon at Jecus at sa last game, sinabi ni Simon na unahin si Marcus para wala nang magsasabi kung ano ang gagawin.
At heto ako ngayon, natitira kasama ang My labs ko versing the last team na natitira sa kalaban, si Aeron. Di ko alam kung paano ako naka-survive pero sobrang saya ko kasi nakasama ko si Simon.
As in kaming dalawa nalang ang lumalaban. Hindi ko inunderestimate si Aeron kasi isa din siya sa Basketball player at mag-kapantay ang husay nila ni Jecus sa pag-lalaro.
"Cass..." Biglaan nalang lumapit sa akin si Simon at para bang na-freeze ako. "Sabay natin siyang tamaan. Sa kaliwa ka bumato sa kanan ako."
Nag nod na lamang ako at sinunod ang kanyang sinabi.
"1... 2... 3!" Pabulong niyang sinabi.
Although at the same time, binato din ako ni Aeron ng bola at nagawa niyang iwasan ang dalawang bola. Akala ko matatamaan na ako pero humarang si Simon at siya ang natamaan.
Ginamit ko ang chance na to at pinulot agad ang binato ni Aeron tapos madalian kong ibinato papunta sa kanya, which hit him at napangiti ako. I then jump up in joy kasi nanalo kame.
"Yes!" Pasigaw kong sinabi.