"Good job!" Sinabi ni Simon sa akin at tinaas ang kamay niya para sa high-five.
Nagulat ako dito pero hini-five ko na lamang siya. Pagkatapos nun ay uwian na. Naglalakad na kami sa hallway ngayon, papalabas nang school.
"Uy bes sa kakangiti mong abot hanngang langit baka maging ganyan na mukha mo forever." Sabi ni Daff at tinignan ko siya habang hawak ang kanang kamay ko.
"Ih kashi naman, nyahwakan ko yung kamay ni My Labs ko... hinigh-five nya aku." Ang sabi ko at parang babatukan niya na ako
"Enedew? Hala naging pabebe na siya. Kapag umiibig naman talaga oh kahit hi-five nagiging baliw yung tao." Tinawanan niya ako at dinilaan ko siya.
"Wala ka kasing lovelife kaya ganyan ka. Simula palang yun noh at pag umamin na sa akin si My Labs na mahal niya rin ako, who you ka sa akin."
"Who you pa talaga ah, baka ikaw ang ma who you diyan kasi si papa Brian ko umamin na sa akin kahapon. Tyaka malabo bes, baka may jowa na si My Labs mo eh malay mo si Irus pa."
"Basta masaya siya dun, masaya na rin ako."
"Sakit ngalang sa puso."
"Eh basta di ko muna iisipin yun kashi nahawakan ko kamay niyaaaa!" Kinilig nanaman ako nung naalala ko yung hi-five namin ni Simon. "Parang mapapakanta ata ako!"
"Hay naku dis one." Nginitian ko siya at nagsimulang kumanta.
"Mister Kupido~
Ako nama'y tulungan mo~
Ba't hindi panain ang kanyang damdamin~
At nang ako ay mapansin!" Sinimulan ko na merong hand gestures at sumasayaw ako sa harap niya.
"Hala! Nabaliw na! Tulungan niyo po ako!" Sabi niya habang hawak ko siya.
"Mister Kupido~
Sa kanya'y dead na dead ako~
Huwag mo nang tagalan ang paghihirap ng puso kooooo~"
"Whoa..." Napatigil ako nung may ibang tao ang nag-salita at napatigil nanaman ako nang makita ko kung sino pang nakarinig.
Simon...
Hindi ko alam kung narinig niya lahat nang kanta ko pero biglaan nalang ako nahiya kaya nag-walkout ako.
"Uy bes! Anong ginagawa mo!" Hinabol ako ni Daff.
"N-narinig niya boses ko, yung panget kong boses!" Ang sabi ko at tinawanan niya ako.
"Okay naman yung boses mo ah at bat parang nakakita ka nang multo diyan?" Tanong niya.
"Bes! Si Simon yun! Kung iba ang makakarinig ayos lang pero si Simon yun! At sabi niya pa Whoa. Syempre yung puso ko di mapigilang tumibok so umalis nalang ako kasi baka mamaya may masabi pa ako na ikakahiya ko!" Inexplain ko sa kanya.
"Alam mo Cass, wala kang mapapala kung lagi kang tumatakbo papalayo sa kanya. Why don't you try making a conversation? Hula ko sa tagal tagal niyong mag-kaibigan sa f*******: ni kahit isang message sa kanya wala pa."
"Meron akong message sa kanya noh, last year nung Birthday niya." Nilabas ko ang phone ko at binuksan ang message namin ni Simon. "Ayan oh, sabi ko Happy Birthday Simon!!! Tas magreply siya na thank you cass! ❤"
Tinignan niya ang message namin and gave me a 'Are you serious' look.
"Oh ano naman yan?" Tanong niya tapos pinakita kong mabuti sa kanya.
"Tignan mo oh, may heart sa dulo! Emegesh bes kinikilig ako!" Kilig kong sinabi.
"Hay naku, di ka naman sure kung lahat nang tao na bumati sa kanya last year ay sinendan niya ng puso sa dulo."
"Eh basta may heart yun na yun. Masaya na ako dun."
Habang naglalakad kami, may nakita kaming dalawang lalake na parang may hinahanap.
"Uy bes, tignan mo oh baka nawawala sila." Tinuro ni Daff.
"Tara tanungin natin baka kailangan nila nang tulong." Ang sabi ko at nilalitan namin nilang dalawa.
"Hello po, okay lang po ba kayo?" Tanong ko.
"Good afternoon po, baguhan palang po kasi kami dito. Transferred student po kami at ummm... kanina pa kasi namin hinahanap yung office. Kailangan kasi namin kunin yung timetable namin. Pwede niyo ba kaming tulungan?" Sabi nang isang lalake.
"Pwedeng pwede po, ako nga pala si Cassandra. Cass for short." Inabot ko ang kamay ko at kinuha ng isang lalake.
"Christian Jay po, Cj for short." Ang sabi niya.
"At ako naman si Hanso, Hans for short. Nice to meet you Cass." Kinuha nang isang lalake ang aking kamay at hinalikan niya ito.
Nagulat ako sa ginawa niya tapos biglaan na lamang na kinuha ni Daff ang kamay niya.
"Ako nga pala si Daffodil, tawag sa akin ng mga close friend ko ay Daff." Sabi ni Daff na parang may halong galit.
"Nice to meet you Daff." Ngumiti si Hanso at madaliang hiniwalay ang kanyang kamay.
"Sabi ko tawag sa akin ng mga close friend ko ay Daff, di tayo close kaya tawagin mo akong Daffodil." Binigyan ko nang confuse look si Daff pero di niya ako pinansin.
Kinuha niya naman ang kamay ni Cj at ngumiti siya.
"Hi Cj nice to meet you, ako nga pala si Daff." Sabi niya at napaisip ako pero bago pa ako makapagsalita, naunahan ako ni Daff. "Tara na, office is this way."
Nauna siyang naglakad so hinabol ko siya at sinabayan.
"Uy Daffzkie, anyare sayo? Bakit ganun reaction mo kay Hans?" Tanong ko sa kanya at galit siyang tumingin sa akin.
"Walang pwedeng humalik sa kamay nang best friend ko kung hindi si Simon lang at ang magiging future bf mo." Reply niya at napatawa ako.
"Ano ka nanay ko?" Tanong ko.
"Pano kung nanay mo nga ako? Mababatukan na kita pag nakita ko yun."
"Toh naman, bakit parang highblood ka ata sa taong yun?"
"Napanood mo na ba yung palabas na Frozen? Yung Hans na bait baitan tapos sa huli bad guy pala? Di ko trust mga tao na may pangalan na Hans noh."
"Oh, pero Hanso naman ang pangalan niya di naman Hans ah diba?"
"Ganun parin yun, close to Hans parin yun." Tumingin siya sa likod at tinignan ng masama si Hans nang pasikreto. "Tyaka parang chickboy yan."
"Eh lahat naman ata nang lalake para sayo chickboy."
"Eh basta, si Simon na ang nagmamay-ari ng puso mo noh."