Bago pa ako makasagot sa sinabi niya, sinabayan ako ni Hans sa tabi ko.
"Cass pwede bang mag-tanong?" Sabi niya.
"Nag-tanong ka na kaya umalis ka na." Si Daff ang nagreply and I gave her a look of 'Hayaan mo na yung tao' at umirap siya.
"Ano ba yung tanong mo?" Tanong ko kay Hans.
"May... boyfriend ka na ba?"
"Hoy!" Nagulat ako kay Daff sa pag-sigaw niya at pumagitna siya sa amin ni Hans. "Taken na ang puso ng besfriend ko kaya wag ka nang makisalo!"
"Umm, ang tanong ko ay kung may boyfriend na ba siya?" Inulit ni Hans ang tanong niya.
"Di ka ba nakakaintindi? Taken. Na. Ang. Puso. Niya!"
"So wala pa siyang boyfriend pero may gusto siyang lalake? Ganun ba ang sinasabi mo?" Bago pa makareply si Daff, hinila ko siya papalapit sa akin.
"Uy bes kalma lang, nagtatanong lang naman yung tao noh." Pabulong kong sinabi sa kanya.
"Wag mong patulan yan bes, bad news yan. Alalahanin mo yung Frozen!" Banta niya sa akin at tumawa ako.
"Nu ka ba, palabas lang yun. Bakit ka nag-papaapekto dun."
"Basta, may bad vibes ako sa kanya. Feeling ko masama siyang tao."
"Ako nang bahala dito okay?" Binigyan ko siya na ngiti na nagsasabi na kaya ko na eto and she sigh in defeat.
"Osya, bahala ka pero pag may gagawin yan sayo sabihan mo lang ako at sisipain ko talaga bayag niyan." Natawa ako ulit sa sinabi niya at umo-o nalang ako.
"Wala pa akong boyfriend pero may gusto ako sa isang lalake, as in not onlt gusto but mahal ko na siya." Reply ko sa lalake at parang napaisip siya.
"I see, so... may pag-asa pa." Ngumiti siya at parang susuntukin na siya ni Daff pero pinigilan ko lang.
"Andito na tayo sa office, gawin niyo na kailangan niyong gawin para makauwi narin kami." Tinuro ko ang office at pumasok silang dalawa.
After about three minutes, lumabas na sila hawak ang timetable nila.
"Oh anong klase kayo?" Tanong ko.
Pinakita nila ang timetable nila at tinignan namin ni Daff.
"Ah, pwede kong tanungin si Haven para tulungan ka Cj kasi mag-kaklase kayo." Sabi ko at nag-pasalamat siya. "At Hans... mag-kaklase tayo."
"Talaga?" Tanong niya at nag nod ako. "Kapag pinag-tadhana nga ba naman oh."
"Oo mag-kaklase kayo, ibig sabihin kaklase mo rin ako." Nag taas ng kilay si Daff at pinigilan kong tumawa.
"Wait bago kayo umalis pwede bang makuha sss niyo since... magkaklase naman tayo?" And with that, I gave them my f*******: name and left.
Kaya love na love ko tong bestfriend ko eh, overprotective much hehe
Pag-katapos namin silang tulungan, lumabas na kami ni Daff nang gate. Sakto, kakarating lang din ng kuya ko.
"Oh Cass, great timing ah tara sakay na." Ang sabi niya at binuksan niya ang pintuan ng kotse.
"Tara Daff, mag movie marathon tayo sa bahay. Panoorin natin yung Frozen." Pabiro kong sinabi at sumimangot agad siya.
"Frozen oh The Maze Runner nanaman ang papanoorin natin?" Tanong niya.
"The Maze Runner? Frozen sabi ko." Pa-inosente kong sinabi.
"Kilala kita Cassandra, tuwing mag mo-movie marathon tayo lagi mong sinasalang ang Maze Runner one at two. Tapos kikiligin ka nanaman kasi sobrang cute ng favourite character mo na si Newt at hahampasin mo nanaman ako nang maraming beses." Sabi niya at napadila ako.
"Ih keshe nemen ehh. Pogi pogi kaya nang boyfriend ko. Tyaka favourite movie ko kaya yun." Sabi ko at alam niyang si Newt ang tinutukoy ko.
"Oh diba, alam kong papanoorin nanaman natin yun kahit isandaang beses mo nang napanood."
"Lalabas na kasi yung part three kaya pinapanood kong mabuti para pag dating ng part three, maintindihan ko kung ano talaga ang nangyayare." Inexplain ko and she shook her head.
"O sige na, sakay na tayo at baka iwanan pa tayo nang kuya mo." And with that, sumakay kaming dalawa sa kotse.
Habang umaandar, hinanap ko ang notebook ko na sinusulatan ko ng storya pero hindi ko mahanap.
"Uy bes nakita mo ba yung notebook ko na lagi kong sinusulatan ng stories? Nawawala kasi eh." Tinignan ko si Daff at parang nagulat siya.
"Gumagawa ka pala ng stories?" Tanong niya.
"Umm, oo. At yung story na sinusulat ko ngayon ay tungkol sa nararamdaman ko kay Simon. Lam mo naman ako, since di ko masabi sa kanya na mahal ko siya, dinadaan ko nalang sa mga stories." Reply ko sa kanya.
"Wala naman akong nakita, san mo ba huling inilagay?"
"Di ko nga rin alam eh, kala ko nandito lang pero wala na. Baka naiwan ko sa school."
"Sige sige, hanapin nalang natin bukas."
"Pero sana walang nakabasa nun." Nag-alala ako kung sino man ang nakapulot nun.
"Hala, paano kung si... Simon ang nakapulot? Makikita niya na tungkol sa kanya ang storyang yun." Lumaki ang mata niya at mas lalo akong nag-alala.
"Pinalitan ko naman yung pangalan sa Jed at Marjorie eh pero pag siya nakabasa..." Nilagay ko ang kamay ko sa puso ko. "Mamamatay ako bes!"
"Ngek, mamamatay agad? Mababasa lang niya mamamatay ka kaagad?"
"Baliw expression lang yun, mamamatay sa hiya! Panget panget kaya ng storya ko baka mamaya pag-tawanan niya lang."
"Anong story pinag-sasabi niyo?" Tanong ng kuya ko. "Yung tungkol ba sa babae na nag-kagusto sa lalake for three years? Corny kaya yung story na yun sobrang panget."
Nag pout ako sa sinabi ng kuya ko.
"Grabe ka naman kuya Jave, di naman siguro panget yung story na yun." Dinepensahan ako ni Daff.
"Sinasabi kolang ang totoo, panget sobra."
"Yaan mo na bes, tanggap ko naman na panget ang stories ko eh." Malungkot kong sinabi kay Daff.
Soon, we arrived at my house. Nalulungkot parin ako sa sinabi nang kuya ko.
"Hoy joke lang yun, toh naman laging sineseryoso yung mga joke ko." Biglaang sinabi ni kuya. "Oo na maganda na storya mo."
Napangiti nalang ako nung sinabi niya yun.
"Cute din pala kuya mo noh." Sabi sa akin ni Daff.
"Mas cute si Simon ko noh." Ang sabi ko and she shook her head.
"Si Simon nanaman..."