Chapter 7

980 Words
"Oh ano naman mali dun?" Tanong ko sa kanya. "Wala, tara na nga." Pumasok na siya nang bahay ko at sumunod ako. Tama nga siya, pinanood muna namin ang The Maze Runner one and two tapos ang Frozen. Nang malunta sa part na nilabas ni Hans ang kanyang kulay, kinalabit ako ni Daff. "Sabi sayo bad news ang mga Hans eh." Pabulong niyang sinabi. "Wag mong lahatin, movie lang yan eh." Ang sabi ko at nag shrug siya. Pag-katapos naming manood, tumunog ang phone ko kaya chineck ko muna. Haven: Cass tara ml? May kasama kasi ako at apat na kami, kailangan pa namin nang isa para maka-rank Me: Sige wait, pa ol palang me "Mag Mobile Legends muna ako, kain kalang diyan." Sabi ko kay Daff and she nod. "Sige sige." Pag ka in ko sa Mobile Legend ininvite agad ako ni Haven. Narecognize ko ang mga username nang tatlong players. Si Irus as xvirus, Jecus as Nïnjä at si Marcus as Namwooz. Sadist_Killer ang username ko at machaven naman kay Haven. Uuuuuu na may iba't ibang itsura ng u ang isang player na di ko kilala kaya nag-tanong ako. Me: Sino yung isa??? Irus: Hi ate Me: Hi bhe!!! Haven: Si Simon yan Nang makita ko ang reply ni Haven, nagulat ako. "OMG BEEEES!" Biglaan na lamang akong napatili at nagulat sa akin si Daff. "Anong nangyare?" Tanong niya. "Shi Simon, kalaro ko OH MY GOSH!" Napahiga ako bigla at umupo agad. "Ayun lang pala eh kala ko kung ano na." "Ano kaba, si Simon toh! Kalaro ko!" Abot langit ang aking ngiti. "Wait, kailangan galingan ko para di niya sabihin na nub ako." "Ikaw bahala, focus ka diyan kakain lang ako dito." Pinili ko si Angela para masuportahan ko ang mga kateammate ko lalong lalo na si Simon. Para pag-mamamatay na siya, pwede ko siyang sagipin anytime. Habang nag-lalaro kami, trinatrashtalk ako ni Simon pero alam kong nag-bibiro lang siya. Simon: Ang nub naman nang Angela Tinignan ko ang KDA naming dalawa at napatawa ako. Since si Angela ang gamit ko, pwede kong pasukan kahit sinong hero sa mga team ko at makakakuha ako ng assist or kills nun. Me: Grabe grabe haha Tinuloy ni Simon ang pangtratrashtalk sa akin pero wala akong pake kasi alam kong ginagawa niya yun kasi ako ang magiging MVP. Me: Haha baka ikaw ang nub Jecus: Luh nub ka pala Simon eh Irus: Oo nga, si Simon ang talagang nub Haven: Hahaha Simon: Nub talaga nang Angela! Me: Hahaha Tapos biglaan nalang akong minessage ni Hans. Hans: Nakauwi kana? Since nag appear ang chat head, pwede ko siyang mareplyan habang nag-lalaro. Me: Yep Hans: So gawa mue na? Me: Nag-lalaro nang Mobile Legends... ikaw??? Hans:  nag-lalaro ka niyan? Ako rin! Pa add naman Kidd❤16 username ko Me: Ghe pero lima na kameng naglalaro You have been slain! Hans: Okay lang, I can wait naman Me: Ghe ghe Hans: So... sino pala yung gusto mong lalake? Me: Ummm... Hans: Sige na sabihin mo na, I promise to keep it as a secret. Tyaka baka di ko kilala yun since baguhan palang ako Me: Si Simon Fraser Hans: Ah ok salamat Me: Bat mo pala natanong??? You have been slain! Jecus: Anyare na kay Angela? Me: Haha sorry may kachat Irus: Sino ate? Me: Wala kaibigan ko lang, last game ko muna pala Irus: Ah sige po Nang matapos na ang game namin, nilabas ko muna at chinat si Hans para di na ako pabigat sa ml since kateam ko pa naman si Simon. Hans: Wala lang, curious lang Me: Curiosity kills the cat noh Hans: Yeah but cats have nine lives Me: Okay??? Hans: Anyways laro tayo Me: Nang??? Hans: Truth? Pwede? Me: Sige ba Hans: Para makilala din naman natin ang isa't isa Me: Ghe ako mauna, ilan kapatid mo??? Hans: Isang babae Me: Ahhhh Hans: Ako naman, ano ang favourite colour mo? Me: Yellow, ikaw??? Hans: Blue. Hmm favourite ice cream flavour? Me: Cookies n cream Hans: Same! Me: Gaya gaya ka naman Hans: Hindi ah, fav ko naman talaga ang cookies n cream Me: Okay Hans: Nga pala about Simon, how long have you liked him? Me: 3 years na haha Hans: Pero di mo sinabj sa kanya? Me: Haha bat ko naman sasabihin, baka lalo lang lumayo sa akin yun. Di na nga kami masyadong nag-uusap tapos lalayo pa siya kasi umamin ako haha tyaka wala akong chance sa kanya noh Hans: I see... Me: No, you don't see cause you read haha Hans: Luh, baliw haha Me: Baliw sa kanya wahah Hans: Pero bat mo naman nasabe na wala kang chance? Me: Hello, my si Simon Fraser yun noh. MVP lagi nang Basketball, most popular boys at school. Mabait, CUTE , palabiro, pag kailangan mo nang tulong maaasahan mo siya, madaling makisama sa kanya, matulungin at kapag kasama mo siya you will never have sad days. Hans: Kaya pala Me: Kaya pala ano??? Hans: Wala Me: Huh??? Di ko gets lol Tyaka di lang yun, matagal ko nang tinanggap na hinding hindi magiging kami kasi sino na namang mag-kakagusto sa akin noh pangit pangit ko kaya lol Hans: Ayun, wala kang self confidence sa sarili mo. Ang ganda ganda mo kaya Me: Ako??? Maganda??? San banda haha Hans: Inside and out. Alam mo ikaw lang ang babae na nag deny na maganda ka. Lam mo bang lahat nang babae sinasabi na maganda sila??? Me: Sila yun, ako lang ang panget sa mundo Hans: Anyways, kung may manligaw sayo bibigyan mo ba ng chance? Napaisip ako sa sinabi niya at naiisip ko rin si Simon. Me: Abay malay ko Hans: Anong malay mo? Me: Kung titibok ang puso ko sa taong yun edi why not??? Pero mahihirapan ngalang siya mapalitan si Simon sa puso ko kasi love na love ko siya Hans: Yun lang pala eh
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD