"Oh my! Sino siya?" Ano raw? Sinong sino?
"Ano? Sino?" Ang tanong ko sa kanya
"Tell me, who's that girl with a black t-shirt?" Sino raw? Sandali tingnan ko kung sino tinuturo niya.
"Saan? Ayun! Bingo!" Medyo madali naman siyang hanapin.
"James for Pete's sake! Kaklase natin yan si Samantha Gutierrez." Hindi ba niya namumukhaan si Samantha? Siya lang ata yung may hitsura sa Section A. Beauty and Brain complete package! I mean, siya lang yung nakita ko ngayon so far sa classroom namin na maganda at witty. Section A siya besh! Understood na yun.
Napakatahimik ng mokong na ito ngayon. Baka type niya si Sam. Well, hindi naman imposible yun, kung sigurong straight ako, liligawan ko siya dahil napakaganda niya. Gandang Pilipina mga besh!
"I bet, she's your type." Ang sabi ko sa kanya na hanggang ngayon, nakatingin kay girl.
"What?" Ang tugon niya. Halatang halata na hindi siya nakikinig at pre-occupied ang utak niya. Nagseselos ako. Charot!
"Tara na nga, maghanap na tayo ng pwesto baka wala tayong maupuan dito." Hinawakan ko na lang yung kamay niya habang hawak ko yung nilibre niyang sandwich at tubig sa kabila kong kamay. Ayoko ng rice meal, halatang hindi masarap yung ulam. Maputla yung sabaw at napaka-dry nung karne. Hindi ko bet!
Naghanap na lang ako ng available na table at swerte ako. Salamat kay Emre!
"Ayun!" Bingo! Sa wakas at nakaupo na rin kami. May sampung minuto na lamang na natitira para kainin ang mga ito.
"Ayos ka lang, Biway?" Pagtatanong ko rito sa nasa harap ko na parang tanga na tinititigan ang pagkain niya.
"I'm fine." Tugon niya. Buti naman at sumagot ang gago.
"Kain ka na, malapit na next class natin." Totoo naman! Ayokong nale-late mga momshie! First day na first day para akong caregiver na kanina pa binibilinan na kumain si James. Hindi ako ang nanay niya! Kanina pa tulala ang lalaking ito.
"James, may problema ba?" Masyado akong feeling close hahaha! "Tapos na akong kumain at ikaw ni hindi mo pa nga naaalis yung balot ng sandwich mo. Gusto mo tanggalin ko pa yan para sa'yo? Or kainin ko na lang yan?" Concern ako syempre baka may problema siya. Wow! Feeling bestfriend here.
Ibinigay niya lang niya yung sandwich niya sa akin at uminom na lamang siya ng tubig. Ano bang problema niya? Tanungin ko nga mamaya.
Pagkatapos ng lunch break namin, umakyat na ulit kami sa classroom para ipagpatuloy ang klase. Syempre, introduce yourself portion ang nangyari pero this time, hindi na ako magpapatawa. Medyo parang terror itong teacher na ito or baka walang asawa or byuda na? I don't care.
"So, Mr. Lloyd, what are your hobbies?" Ang tanong ni maam byuda
"Well, I love watching pageants and surfing the internet." Totoo naman! Wala akong hilig sa make up.
"Ambition?" Ano nga bang pangarap ko?
"I want to be a teacher someday." Tama, gusto kong maging guro para naman maka-biktima ako ng bata. Charot!
"Thank you, Mr. Lloyd."
"Next, the man next to him will introduce himself." So, si James yung susunod. Pakinggan ko nga siya para kas makilala ko. Hmmmmmm.....
"I'm James Langan, 17 years old and I want to be an engineer someday." So, STEM kukunin niya sa second sem? Ako kasi GAS kasi nga gusto kong maging teacher.
"So, Mr. Langan, do you have a girlfriend?" Wow! Si Maam ang lande! Gusto pa atang agawan ako.
"Wala po pero manliligaw pa lang kay Samantha." Sabay ayiee ng mga kaklase ko. Sabi na nga ba at gusto niya si Sam at balak pa niya itong ligawan. Hahanap na lang ako ng ibang crush. Charot!
"Thank you, Mr. Langan."
Lumipas ang oras at natapos na rin ang portion na ito. Sakto naman at natapos na rin yung oras niya. Last subject na lang namin at uwian na. Sa wakas ay makakapag-pahinga na rin ako. Nakakapagod pa dahil kanina, may pa-fast talk yung teacher namin. Boy Abunda ang peg! Akala mo naman ikinaganda niya yun? Tanungin ba naman yung size or performance?! Virgin pa ako mga besh! Hindi pa ako napasukan at hindi pa ako nakasubo. Hahaha! Well, nanonood ako pagkatapos nun, alam niyo na. Selfie selfie! Mary Palmer muna ang lola niyo! Nakakabagot yung teacher namin ngayon, ano bang pake ko sa buhay niya? Nag-aral ako rito para matuto ng mga lessons at hindi makinig sa talambuhay niya! Nakakaloka! Gusto ko tuloy matulog.
Parang may humampas sa akin. "Hoy! Gumising ka na! Uwian na!" Bullshit! Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at ginising pa ako ni James. Nakakahiya!
"Ito na nga! Gigising na!" Kung makahampas akala mo naman close kami! Well, papunta pa lang doon.
"Bakit ka natulog?" Tanong niya nang nakapag-ayos na ako.
"Halata ba? Ang boring kasi ng teacher natin. Parang si jigglypuff na kapag kumanta, makakatulog ka!" Ani ko. Totoo naman kasi!
"Bakit hindi mo sinabi? Ibinili sana kita ng kape." Sabay tawa niya
"Ikaw, nakatulog ka rin ba?" Pag-uusisa ko.
"Nope." Maikling sagot niya.
"Bakit naman?" Syempre itatanong ko dahilan no?!
"Nakatingin lang ako kay Sam buong klase niya." Sabay smile niya. He's so cute!
"Hindi ba siya nalusaw?" Pabiro kong tanong
"Hindi naman." Sabagay, palihim niya itong tinititigan kanina pa.
"Do you like her?" Ang tanong ko. Bakit pa ako nagtanong? Halata naman!
"Yes!" See? Natural!
"And I want to court her." Wow! Ligaw agad? Di ba pwedeng ako lang muna? Chenalu!
"Take it slow, Biway." Babala ko.
"Bakit naman?" Pagtataka niya
"Baka may jowa" ang tugon ko kay mokong.
"Wala. She's single. Confident niyang sagot. "I stalked her sss account and she is single." Ang mariing pagsabi niya.
"Stalker." Ang tanging sagot ko na lang.
"Ayaw mo pa bang umalis?" Ang tanong niya
"Tara na nga!" Gusto ko na talagang umuwi at magpahinga. I'm exhausted!
"Let's go, Gorgeous." Sabay kaming umalis sa classroom at tumigil kami sa quadrangle nang makita si Sam na kasama ang mga kaibigan niya.
"God! She is very beautiful!" Ang sabi naman nitong kasama ko na nakangiti habang nakatitig siya kay Sam.
"Alam ko." Tanging tugon ko.
"At liligawan ko siya." Pagdadagdag ko.
"Don't you dare!" Pagbabanta niya.
"Wow! As if namang liligawan ko siya no? Hindi kami talo!" Pero talaga kung tunay na lalake ako, hindi ako magdadalawang-isip na ligawan siya kasi nga, ang ganda ganda niya! Para siyang Greek goddess of beauty. At ito namang kasama ko ay parang isang tuod na kanina pa walang imik. Tinapik ko na lamang siya.
"Una na ako, kailangan kong magpahinga" ang sabi ko sa kanya
"Take care. See you tomorrow." Ang tugon naman niya. Mabait naman pala itong lalaking ito, at naiiba siya sa lahat.
Hindi siya nandiri sa tulad ko. In fact, marami pa siyang kaibigan na beki. Magkakasundo kami.