Chapter 3

1056 Words
Nakaka-stress naman talaga ang pagiging senior high school student. Biruin mo, pagkatapos ng klase niyo, magpapa-assignment o di kaya nama'y magpapa-project ang mga teachers niyo. Buti na lang at hindi nagpa-thesis dahil kung mangyari man iyon, magpapakamatay na lang siguro ako. Pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay yung maraming ginagawa lalo na kapag sabay sabay at hindi ko alam kung ano ang aking uunahin. Nagugulo ang aking sistema kapag nangyayari yun. Natataranta kasi ako kapag ganun. Hindi ko alam ang gagawin ad worse, baka mahimatay ako dahil sa stress. Teka nga, bakit ko naman ikinekwento sa inyo? Wala namang may pake.     Nasa kalagitnaan kami ngayon ng school year at busy din ako dahil papalapit na yung final exam namin before kami mag-procede sa second semester. And guess what? Hindi ako bagsak mga besh! Siguro kasi, magaling ako sa time management. Nag-desisyon na rin kasi akong mag-working student para hindi na mahirapan sina mama sa akin. Pinapaaral ko na sarili ko and guess what again? Bumukod na ako sa kanila dahil nag-asawa na ako. Charot! Napag-desisyonan ko na umalis sa bahay para ihanda yung sarili ko sa college. Nagpapaka-independent ako dahil sawa na akong umasa sa mga magulang ko. Naninirahan ako ngayon dito sa isang apartment na kaya ko naman ang renta. Mura lang naman ito at sulit na rin dahil kabilang na rito ang tubig at kuryente. Marunong din naman akong maglaba at mag-plantsa ng mga damit kaya wala akong problema pagdating doon. Ayoko lang ngayon ang na-stress sa school. It ruins my life big time! Hindi na rin naman ako pinapansin ni James dahil sila na ni Samantha at wala na siguro siyang kailangan sa akin. All I know is ginawa ko lahat ng makakaya ko para tulungan siya sa panliligaw kay Sam at siguro, effective naman yun dahil sila na nga. Ang ipinagtataka ko lang is bakit hindi na niya ako pinapansin. Wala naman kasi akong natatandaan na ginawang masama sa kanya o sa relasyon nila. In fact, masaya pa nga ako dahil mag-jowa na sila at yung feelings ko para sa kanya ay nawala na. Siguro ay puppy love lang yun at hindi na dapat palakihin pa. Hindi man lang siya nagpasalamat sa mga efforts ko. And worse, hindi na kami nagkaka-text tuwing gabi or kapag may free time kami. Hindi na rin kami sabay mag-lunch dahil nga iba na yung kasama niya. Busy na rin naman ako sa trabaho at studies ko ngayon. Wala na akong oras para isipin pa lahat ng mga kadramahan na yan. Masaya na ako dahil so far, nagiging maganda ang relasyon nila at in fact, kaka-celebrate lang nila ng kanilang second monthsary last week. It's not my fault that I am beautiful. Charot! Biway and Gorgeous no more!   Kailangan ko na rin sigurong mag-move on sa lahat ng nangyari dahil kailangan kong mag-focus sa exams para sure akong makakapasa ako. Next week na ang finals namin at puspusan ang aming pagre-review kasi for sure, mahirap naman ang ibibigay nilang pagsusulit. Sure ako doon. Maaga kaming pinauwi ng aming teacher dahil may meeting pa sila mamaya.   "Besh!" narinig ko ang pagtawag sa akin ni Liza. Si Liza yung bestfriend ko ngayon. Actually, Louisse ang name niya kaso lang, tinawag ko siyang Liza dahil punong-puno siya ng mga lisa at kuto sa buhok. Pero dati yun, tinulungan ko siya sa isa kong kaibigan na bakla at binigyan siya ng gamot sa buhok para maalis ang mga lisa at kuto niya. At hindi sa kadahilanang kamukha niya si Liza Soberano. Hell no! Maganda naman si Liza kaso tanga yan sa pag-ibig. Crush niya yung varsity team captain sa basketball na si Calum at noong nilandi niya ito, na-fall ang gaga! Ayan tuloy, iiyak-iyak dahil daw pinagpustahan lang siya ng mga friends ni Calum. Tinutulungan kong mag-move on si Liza. Sa totoo niyan, kasama ko siya sa work at siya na rin yung kasama ko sa apartment. Bale, nagpapaka-independent na rin siya tulad ko. O diba? Besh kami forever! Mabait yun, masipag, at matalino. Tanga lang pagdating sa love.   "Besh, wala ba tayong assignments?" ang tanong niya.   "Gaga syempre wala! Review week lang ngayon at bawal magpa-activity ang mga teacher kung hindi, pepektusan ko sila!" sabay tawa naman niya.   "Besh, gala tayo. Libre ko." Did I just hear that word?   "I won't take no for answer." As if na tatanggi ako no!   "Aba syempre go ako diyan!" at nagtawanan na lang kaming dalawa. Sabay din kaming umalis sa room dahil nandoon na yung mga maintenance.   Bumaba na lang kami sa ground floor at napag-desisyonang pumunta sa mall.   "Magmo-move on na talaga ako." Pabulong niyang sabi sa sarili niya.   "Dapat lang." nabigla siya sa sinabi ko.   "Ang hina kasi ng pagkakabulong mo." Sabay lingon sa kabilang side.   "Ano gagawin natin sa mall?" ang tanong niya.   "Maghuhubad siguro?" pilosopo kong sagot.   "Diba libre mo naman? Manood tayong movie!" ang pagde-demand ko.   "Sige basta ikaw sa pagkain." Teka, bakit ako?   "Wait, bakit ako? Diba sabi mo, ililibre mo ako?" syempre dapat magtipid ako ngayon.   "SIge na nga. Kuripot mo talaga." Buti alam mo! At ayun nga, tumungo na kami sa mall para manood ng sine. Balita ko kasi, maganda yung Suicide Squad at nandoon din yung idol ko na si Cara. Si Cara David. Charot!   Habang nagbabayad para sa ticket namin, lumingon ako at nakita ko na paparating sa Calum kasama yung isang girl na parang model sa ganda. Napansin agad ito ni Liza at nagkunwaring pupunta sa CR. Buti na lang at walang planong manood ng sine ang mga yun at pumunta sila doon sa isang jewelry store. Sosyal! Pagkakuha ko ng ticket, sinundan ko si Liza sa CR batid kong nagda-drama na yun sa cubicle! Nang papunta ako ay nakasalubong ko siya at inimbitahan niya akong pumasok na dahil may dala-dala na rin siyang pagkain. Syempre, pumwesto kami doon sa taas para naman kitang-kita namin nang maayos ang palabas. Pagkatapos ng movie, nagdesisyon na kaming umuwi sa apartment dahil magre-review pa kami para sa exams next week.   "Are you okay?" tanong ko kay Liza.   "Oo naman. Bakit hindi?" ang sagot niya. Halatang-halata na may impact pa rin sa kanya si Calum. Ikaw ba naman paasahin.   "Sabi mo e." ang tanging tugon ko.   Nang makarating na kami sa tapat ng apartment na aming tinutuluyan, nabigla ako kung sino yung nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD