Patuloy pa rin sa pagkain ng mami ang lalaking ito. Ito yung kanyang ikalawang order na halatang halata na nagustuhan niya ang kinakain. Pinapanood ko lamang siya habang sarap na sarap sa mami. Matapos ang ilang sandali, natapos niya na rin ang kinakain. "Ano? Gusto mo pa?" Tanong ko sa kanya. "I'm full." Maikling tugon niya. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at nagbayad na doon kay kuya. Hindi ko first time na kumain dito sa mamihan. Nagpunta na rin kami rito nina Faye and gusss what, naka tatlo silang order at dinaig pa nila ang kanilang mga jowa na isang order lang sapat na. Naaalala ko pa noon, gusto pa nilang mag apat kaso pinigilan sila ng kani kanilang jowa na baka raw matae sila. Tawang tawa pa ako noon dahil ang kukulit nilang tingnan. "Hey, hatid na kita." Nagulat

