Chapter 20

1234 Words
Totoo nga ang narinig at nalaman ko kagabi. Break na sina James at Sam. Nabigla ako sa mga pangyayari dahil hindi ko aakalain na masisira ang isang napakatatag na relasyon. Alam ko kung gaano kasakit kay James ang nangyari. Si Sam lang daw ang sineryoso niya subalit nakahanap siya ng ipagpapalit dito. Lubos akong nalungkot para kay James dahil mukha siyang batang nawalan ng ina kagabi. He was helpless. He was miserable. Napag-desisyonan kong iuwi siya kagabi sa kanila dahil kahit papaano, marunong akong magmaneho ng sasakyan. Isa yan sa mga natutunan ko noong summer. Sakto namang nasa harapan yung guard ng condominium at nagpatulong ako sa kanyang buhatin ang mabigat na si James. Nagtungo kami sa kanyang unit at tinulungan hanggang sa kwarto niya. Namangha ako sa ganda ng design ng kanyang silid. Napaka-modern ng disenyo na umiikot sa mga light colors ang kulay ng kwarto niya. Ibinaba namin siya sa kanyang kama. Inutusan ko yung guard na siya na lamang ang mag palit ng damit kay James dahil hinahanap na ako ng mga kaibigan ko doon sa bar. At iyon ang nangyari kagabi. Hindi rin detailed yung nabanggit na dahilan ng hiwalayan nila dahil nga lasing na lasing siya kagabi. Kakatapos ko lang mag lunch at magpapahinga na lamang ako sa kwarto ko. Wala akong alam na gawin ngayong Linggo dahil medyo masakit yung katawan ko. Para bang nagbuhat ako ng barbell kagabi dahil sa bigat ni James. Hindi ako nalasing buhat ng kalagayan niya at nakipag kwentuhan lang ako sa lasing kong kaibigan. Oo nga pala, naalala ko na sa susunod na linggo na ang aming founding anniversary. Well, mayroon na kaming mga kandidata at wala na ring problema sa susuotin dahil sa mga sponsors ng school. Isa ako sa mga naghanap ng mga evening gowns at formal wear para sa mga candidates. Naging matagumpay naman iyon at wala na talaga akong iisipin na problema. Production number na lang at rehearsals yung kulang. At talagang hindi ko namalayan na nakatulog ako.   Sa aking paggising, alas singko na pala at hindi ko pa nahugasan yung mga pinggan na kinainan ko kanina. Lumabas ako sa aking silid at naghugas na ng mga plato. Bigla namang may kumatok sa aking pintuan. Wala akong inaasahan na bisita ngayon.   "Pasok. Hindi naka lock ang pinto." Ang sigaw ko sa kumakatok. Hindi ko na ito pinansin at tinuloy ang aking paghuhugas. Pagkatapos ko, pumunta ako sa living room at nagulat kung sino ang aking bisita. Si James pala.   "James? Paano mo natunton ang tinitirhan ko?" Labis labis ang aking pagtataka.   "It doesn't matter, Lloyd. I came here to thank you for what you did last night." Ganern pala.   "Syempre you're my friend and you're messy last night." Ang tugon ko sa kanya.   "You know what, maligo ka na. Aalis tayo dali!" What? Anong aalis?   "Saan tayo pupunta?" Tanong ko.   "Basta. Maligo ka na lang at baka ako pa ang gagawa niyan para sa'yo." Ano raw? Kingina niya! Dali dali naman akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ko, nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok. And after a moment, pinuntahan ko na siya sa sala.   "Okay na ba ito?" Tanong ko sa kanya.   "Yes. You look beautiful." Beautiful? Ako? I know it myself long time ago.   "Alam ko na yan dati pa." Pagbibiro ko.   "Shall we?" Ika niya.   "Tara na." Ang sabi ko naman. Sinakyan namin yung sasakyang minaneho ko kagabi.   "Tell me, saan tayo pupunta?" Paulit ulit na tanong ko sa kanya habang siya'y nagmamaneho.   "Sa park. I will treat you for helping me last night. Okay na?" Thanksgiving pala niya. Okay gets ko na.   "Sige sige pero wag tayong papagabi, okay?"   "Your wish is my command." Tugon niya.   Nagtungo kami doon sa park na maraming food stalls.   "Hey, anong gusto mong kainin?" Sambit niya.   "Alam mo namang patay gutom ako kaya lahat na." Ang sagot ko sa kanya.   "Pati ako kakainin mo?" Nangilabot ako sa tanong niya.   "Kadiri ka! Tumigil ka nga at bilhan mo na ako ng pagkain!" Sabay hampas ko sa kanya.   "Alright. Let's start sa siomai." Excited na ako sa kakainin ko dahil hindi ako nakakakain ng siomai for two months.   "Ate, 50 pesos siomai po with extra garlic." Ang sabi ko kay ate na nagtitinda.   "Seriously? Gustong gusto mo ng bawang?" Pag-uusisa niya.   "Wala kang pake, James. Nililibre mo lang ako at hindi naman ikaw ang kakain." Sabay kuha ng order ko.   "Ate, 20 pesos po sa akin without garlic." Nag order din pala ang kumag na to.   "Tingnan mo na, nag-order ka rin." Isa siyang quingina. Pagkatapos naming kumain, binayaran na niya ang tindera at nagtungo sa susunod na station.   "Dami kong carbs na nakain." Narinig ko siyang bumulong.   "Hoy! Ikaw pa ang may reklamo dito ikaw naman ang nagyaya! Wala munang diet ngayon dahil mababawi naman yan sa workout mo. Sus ang arte arte." Hindi ko na pinakinggan yung tugon niya dahil narito na kami sa susunod na tindahan.   "Kuya, kwek-kwek nga po." Binigyan ako ni kuya ng plastic cup at kumuha ako ng isang stick ng kwek kwek.   "Hey, what's that orange stuff?" Sosyal talaga tong si James.   "Have you heard about kwek-kwek? Basta quail egg na may orange coating yun na!" Pinatikim ko siya ng isa at nagulat ako nang humingi siya ng baso doon sa tindero at kumuha ng dalawang stick.   "I like it, Lloyd. Kuya, pwedeng mag-take home?" Natawa naman ako kay James dahil para siyang inosenteng bata sa mga kinikilos niya.   "Oo naman." Ang tugon ni kuya tindero sa kanya.   Naka-dalawang order lang ako ng kwek-kwek samantalang si James, naka lima ata at bumili pa ng lima dahil kakainin niya raw ito sa condo niya.   "Lloyd, thank you for introducing me that food. I love it so much." May ngiti sa kanyang labi nang sinabi niya yun. Sunod kaming pumunta sa tindahan ng mami.   "James, ito na yung huling station na kakainan natin ngayon. Ang mami ni Aling Baby." Intro ko sa kanya.   "Alright. Ikaw na ang bahalang mag-order." Sabi niya.   "Sige sige. Upo ka na lang doon sa vacant seat doon at i-reserve mo yung akin." Sabay turo ko sa isang bakanteng pwesto. Nag-order na lamang ako ng dalawang mami at ng softdrinks. Sinabihan ko si kuya na dalhin yung order ko sa table number 7 at pumayag naman siya. Umupo na ako nag mag-vibrate ang cellphone ko. Nag-text sa akin yung isang unregistered number.   I love kwek-kwek! Ang nakalagay doon sa text message.   "James? Ikaw ba 'tong nag-text?"  Tanong ko sa kanya.   "Yup. It's me." Tugon niya.   "Teka, bakit mo alam ang number ko?" Kanino naman niya kukunin ang number ko?   "Kay Kuya Guard. He gave me your calling card na may address kaya napuntahan kita." Kuya guard? Oo ng pala! Binigay ko sa kanya yung calling card ko kagabi para malaman ko kung ayos na siya.   "Sorry. I forgot." Ang sambit ko.   "May Alzheimer's ka ba?" Sabay tawa niya.   "Makakalimutin lang talaga ako." Depensa ko. Ibinigay na ang aming order at kinain yun.   Halatang sarap na sarap si James doon sa mami.   "Masarap?" Ang tanong ko. Hindi niya ito sinagot.   "James?" Medyo pasigaw kong sabi.   "What?" May noodles pang naka-hang sa labi niya.   "Masarap ba yung mami?" Ang tanong ko ulit sa kanya.   "Yes." Maikling sagot niya. Halata naman dahil naka-focus lang siya sa kinakain niya. Nagpapasalamat talaga ako sa lalaking ito dahil nilibre niya ako just like the old times.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD