Nandito kami ngayon sa isang lugar sa Zambales at dito ginaganap ang teacher's camp para sa lahat ng mga private school teachers sa NCR. Ito na ang aming ikatlong araw at huli na rin ito at sa wakas ay makakauwi na rin kami. Sa tatlong araw na pamamalagi namin dito ay marami kaming natutunan hindi lamang sa pagtuturo kung hindi mga aral na aming magagamit namin sa buhay. Lahat kami ay pagod ngunit napawi ang lahat noong may isang nakaka inspire na guest speaker ang nagsalita. Hindi lang iyon tumagos sa aking puso kung hindi na pati na rin sa aking isipan at sa buo kong sistema. Nakaka motivate talaga siyang magsalita samahan pa ng mga mabenta niyang patawa. Sa ngayon nga ay narito kami sa aming tent na kasalukuyang nagbabalot na ng mga gamit dahil maya maya ay susunduin na kami pauwi ng Ma

