Walang pagsadlakan ang aking saya kapag nakikita at nakakasama ko itong si James. Ilang buwan na rin ang nakakaraan noong muli kaming magkita at inamin ang aming nararamdaman para sa isa't isa. Hindi ako nagsasawang makita ang mukha niya araw araw. Nakatira na ako ngayon sa bago niyang condominium na siya rin pala ang may-ari ng buong building. Ayaw na raw niyang mag byahe pa at puntahan ako roon sa aking bahay at mapagod kaya napagdesisyonan naming tumira ako dito. Hindi naman niya ako pinigilan sa aking passion; ang pagtuturo. Araw araw ay walang palya niya akong hinahatid sa aking pinapasukang eskwelahan pero hindi na niya ako sinusundo sa hapon dahil mayroon pa siyang trabaho hanggang gabi kaya nagko-commute lamang ako. Nainis ako sa kanya noong ibinenta niya yung sasakyan ko at sinabi

