Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. May tao pa palang magmamahal sa akin. Ang akala ko kasi noong pinalayas ko si James sa buhay ko ay pagkakaitan na ako ng tadhana ngunit nagkamali ako at nagkaroon pa ako ng jowa sa ibang bansa na kalauna'y pinalaya ko rin dahil deserve niya ang magkaroon ng pamilya. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman kong mahal pala ako ng taong minahal ko nang wagas. Ang taong inakala kong hindi mapapasaakin sapagkat maraming bagay ang naganap at napanghinaan ako ng loob. Kung dati ay masyado akong mahina pagdating sa laban ng buhay ngayon ay masasabi kong handa na akong humarap sa mga paparating pang mga problema at suliranin sa buhay ko. Makakaya ko itong lampasan sapagkat narito sa aking tabi ang lalaking laman ng aking puso at hindi ako

