Hindi ko alam ang aking nararamdaman ngayon. Nagulat talaga ako sa mga pangyayari at hanggang ngayon ay ayaw mag sink in sa utak ko. Ang tanging naaalala ko lamang ay nang sinabihan ako ni James na mahal niya raw ako at nagseselos daw siya sa amin ni Miggy. Nakausap ko kanina si Miggy at ang ipinayo niya sa akin ay mag-usap daw kaming dalawa ni James. Hindi naman porke mahal niya ako ay mag-aassume na ako. Mali yun sabi ni Miggy; kailangan daw naming mag-usap para luminaw ang lahat at maipaliwanag ang aming saloobin sa isa't isa. Napagdesisyonan kong hindi muna pumasok ngayon dahil bangag ang lola niyo. Baka ano pa ang maituro ko sa aking mga estudyante. Walang ano ano'y may bumusina ng sasakyan at nagulat ako. Kaagad kong binuksan ang pinto at nagulat ako nang makita ko si James na akmang

