Naiinis talaga ako dahil kay Miggy! Akala mo naman matagal na kaming magkakilala masyadong feeling close! Isa ring factor ay dahil tagos sa puso ang mga banat niya sa akin. Sa ilang araw na kasama ko siya, lagi niya akong inaasar sa lahat ng bagay! Kada kasi may babanggitin ako, may hugot siyang patama sa akin. As if namang ibang tao ang pinapatamaan niya ako lang naman kasama niya these past few days. Pero sa iilang araw na kasama ko siya pagkatapos kong magturo sa school ay siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko masyadong naiisip si James at iba pang mga problema. Napapatawa niya ako at iyon ang mahalaga dun. Isa pala siyang businessman katulad ni James pero hindi raw siya ganun ka-hands on dahil nariyan pa rin ang papa niya kung baga vice president lang siya. Ganern! Isa rin pala

