Nakakainis ang lalaking ito. Simula nang mag meeting kami noong isang araw ay hindi na niya ako tinigilang asarin. Nariyang nagpaparinig siya, nanlalandi ng mga staff dito, kunwari ay nag-aalis ng tshirt sa harapan ko. Like duh! Nakita ko na yan. Charot! Naiinis ako sa mga kinikilos niya siguro feeling niya ay may feelings pa ako sa kanya. Neknek ng gagong yun! Kinalimutan ko na siya at matagal na akong nakapag move on sa gagong yun. Biyernes ngayon at mamaya ang program sa school na parang celebration sa ikauunlad pa ng eskwelahang aking pinagtatrabahuan. Bongga rin ang event na yun dahil daw guest namin ang isang female singer na napakaganda raw ng boses. Natural singer siya. Charing! Naghahanda na ako para sa program mamaya at kasalukuyan akong nagbibihis para doon. Pinapili ko si L

