Chapter 41

2613 Words

Halos, nasa isang oras pa lang na nakakatulog si Alex. Pero nagising siya ng mumunting hikbi ng isang babae. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakita niya si Leopard na nakaupo sa upuan malapit sa kamang kinahihigaan niya. Habang nakatingin sa dalawang may kaedarang lalaki at babae na magkayakap. "Ga?" Mahinang tawag ni Alex kay Leopard kaya naagaw niya ang pansin nito. "Nagising ka na kaagad. Sorry. Hindi ko na napigilan ang ingay nila eh." Nakangiting wika ni Leopard pero nakikita niya ang luha sa mga mata nito. "Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Malambing na tanong ni Alex, sabay punas ni Leopard sa mga luha. "Problema? Wala. Masayang-masaya lang ako ga. Mamaya pagnaisip na nilang maghiwalay sa pagkakayakap, ipapakilala kita sa kanila. Kay daddy at kay mommy." Ani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD