Isang linggo mula ng makalabas ng ospital si Alex. Pero naiwan pa ang kambal doon. Palagi lang binibisita ni Leopard ang kambal. Need pa rin ni Alex ng pahinga. Tinuruan naman si Alex ng doktor para magpump ng breastmilk. Mawawala kasi iyon, pag hindi naipump, or nakuha. Mawawalan ng gatas ang mga sanggol, bagay na ayaw mangyari ni Alex. Gusto pa rin niya ang breastfed pagpwede ng makauwi ang kambal niya. Gabi na pero wala pa rin si Leopard. Nagtungo ito ng ospital para dalahan ng gatas si Lief at Leir, pero hanggang ngayon wala pa ito. "Maupo ka nga. Sabi ni Leopard magpahinga ka. Hindi iyong mag-alala. May palakad, lakad ka pang nalalaman. Pag iyang tahi mo dumugo, naku ka. Kasama kaya noon si Gustav. Kaya wag kang praning." Wika ni Eloisa na ngayon ay nakaupo sa pang-isahang upuan at

