Her POV
“Sam alam mo naman na hindi ako uma-attend sa gano’ng klaseng party ‘di ba? Besides ang dami ko din kailangan tapusin na projects. Alam mo naman na masyado ng hectic yung sched ko eh.”
“Ay bakit ako hindi? Grabe naman minsan ka na nga lang um-attend sa party ko, hindi mo pa ako mapagbigyan. Kaibigan mo ako oh,” sambit niya sa akin.
“Sam, gustuhin ko man wala din naman akong disenteng damit na masusuot doon, jusko for sure mga mayayaman na tao ang nandoon eh ako, paano naman ako na taga tabi-tabi lang.”
Tinignan niya ako nang nakataas ang kaniyang mga kilay. “So para saan pa’t naging kaibigan mo ako? I can lend you clothes, sige ano aayaw ka pa? Magkaparehas tayo ng sukat, wala kang kawala.” Napahinga ako nang malalim dahil sa kaniyang pangungulit. “Bilis na kasi minsan lang naman eh, buti pa si Cris, kahit busy laging nakakapunta sa akin, ikaw na best friend kong babae hindi man lang ako mapagbigyan.” Napatingin ako sa kaniya dahil sa bigla niyang pag-iinarte.
“Alam mo yun, ang sakit lang na kaibigan kita simula high school, tapos alam mo na yung mga kagagahan ko sa buhay pero never mo akong pinuntahan sa mga party,” pag-iinarte niya na para bang maiiyak na siya. Napairap na lang ako sa kaniya sabay napailing-iling.
“Oo na mag-iinarte ka pa eh,” sambit ko. Bigla naman siyang napangiti sabay yakap sa akin.
“The best ka talaga, promise masaya iyon. After class mo punta ka sa bahay alam mo naman na gustong-gusto nila Mommy na nandoon ka ‘di ba. Isa pa nami-miss ka na din nila tagal mo na daw kasing hindi bumibisita sa bahay.” Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi.
“Sabihin mo kila Tita, ako na ang papalit sa ‘yo mukhang ako lagi ang hinahanap.” Natawa naman siya dahil sa aking sinabi.
“Oo nga pala, alam mo ba ang daming mga bisita doon na lalaki, ang gagwapo, gusto mo pakilala kita?” taong niya sa akin.
“Tigilan mo ‘yan, hindi ko kailangan ng mga ganon ngayon, ang kailangan ko makapagtapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang career. Ang dami-dami ko pang pangarap wala pa sa mga iyon ang pangarap kong magka-boyfriend,” sambit ko sa kaniya.
“Alam mo wala naman kasi akong sinabi na jowain mo yung ipapakilala ko, ang sabi ko lang papakilala ko lang sa ‘yo, utak mo kung saan-saan na pumupunta eh,” natatawa niyang sabi. Napailing-iling na lang ako at napairap sa kaniya. Alam ko naman kasi na iyon din ang point niya, iniiba pa niya ng way eh.
“Alam mo meron pa akong class eh, sige na mamaya chat na lang kita tapos sunduin mo ako dito,” sambit ko sa kaniya.
“Wow, ginawa mo pa akong driver,” sambit niya.
“Sayang pamasahe eh, besides same direction lang din naman tayo pupunta. Paraa saan pa’t may auto ka kung hindi mo ako papasakayin,” nakangiti kong sabi.
Napahinga lang siya nang malalim sabay napailing-iling. “Sige na baka mamaya mag-back out ka pa eh.” Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Naglakad na ako paalis dahil meron pa akong klase.
Matapos ng aking klase, nagmadali na akong lumabas sa room dahil kanina pa chat nang chat sa akin si Sam. Nang makarating ako sa parking lot nakita ko lang siya na nakasandal sa kaniyang auto habang nagce-cellphone.
“Alam mo, pwede mo naman kasi akong puntahan sa loob eh,” sambit ko sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kaniya.
“Anjan ka na pala, alam mo ang tagal mo, kanina pa ako nandito. Sabi mo mga 4pm tapos na ang class mo pero 4:30 na tsaka ka lang bumaba,” sambit naman niya sa akin.
“Kasi nag-over time yung prof namin eh, ang dami kasing need habulin.” Napahinga naman siya nang malalim sabay napatango-tango.
“Alam mo dapat binabagsak ‘yan sa evaluation eh, joke,” tawa niyang sabi. “Tara na, pinahanda ko na yung mga gamit na susuotin natin,” sambit niya. Sumakay na ako sa kaniyang sasakyan. Nagmadali siyang umalis sa school at tumungo sa bahay nila.
Laging dito ang place namin ni Sam kapag wala kaming magawa. Malayo kasi yung bahay namin sa university na pinapasukan ko, while sila meron silang bahay sa Bulacan and here sa Manila. So madalas kila Samantha na talaga ako tumutuloy kasi gusto akong makita ng Mommy niya. Hindi ko nga alam kung bakit pero ang gaan-gaan talaga ng loob niya sa akin.
“Alam mo, kanina pa excited si Mommy, ang dami na ngang damit na nilabas doon, kasi gusto ipa-try sa ‘yo,” sambit niya sa akin.
“Alam mo talaga si Tita nako baka umalis na ako sa boarding house ko at sa inyo na ako tumuloy ah,” natatawa kong sabi.
“Nako alam mo naman na welcome ka lagi sa bahay, ikaw lang naman ang may ayaw eh. At tsaka minsan lang naman sila Mommy nandito kasi lagi silang nasa Bulacan kaya bakit ka mahihiya,” sambit niya sa akin.
“Syempre no, nakakahiya pa din na makitira tapos hindi ka nagbabayad.”
“Alam mo hindi ka naman others sa amin, Mom is ready to help you naman so don’t worry about it kasi siya na ang nag-i-insist.” Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya. Actually, her family really wants to help me pero nakakahiya na din isa pa si Mama na din nagsabi na huwag ko daw tanggapin kasi kaya naman daw niya eh, ayaw ko magalit si Mama kaya hindi ko tinatanggap.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila. She parked on their garage and pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Nakita ko na ang daming tao sa loob at ang daming mga damit. Grabe talagang engrande talaga sila kung mag-celebrate. Sa akin kasi okay na yung pansit-pansit lang eh.
“Grabe Sam, ang daming tao sa bahay ninyo ah,” sambit ko sa kaniya.
“Hindi ‘yan yung bisita ah, iba ang venue. Sadyang madami lang ang mag-aayos sa atin kaya madami ang tao dito,” sambit niya sa akin. Napaawang naman ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Akala ko ito na yung party so hindi pa pala talaga dito iyon?
“Anjan na pala kayo.” Biglang salubong sa amin ng Mom niya. “Finally, nakabisita ka ulit Kim, sabi ko kay Sam lagi kang papuntahin dito ang sabi naman niya medjo busy ka daw. And kung kailan wala kami dito tsaka ka nandito, hindi magkasalubong ang mga time natin,” natatawa niyang sabi. “But anyways andito na kayong dalawa, let’s go na sa taas, andoon na yung damit. Yung make ups paki-akyat na din para maayusan na sila.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
“Kahit wala na po akong make-up okay lang po,” sambit ko.
“Ay nako ija, it’s a party so mas maganda kung may make-up ka.” Napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. Sumunod na kaming dalawa ni Sam sa taas, and pagpasok namin, nakita ko na meron doong isang gown na alam ko iyon ang suot ni Sam. Simple evening gown lang naman siya na fit for the party.
“Ito yung iyo Kim.” Napatingin naman ako sa tabing evening gown na kulay black, simple and elegant pero parang hindi bagay sa akin.
“Uhm hindi po ako nagsusuot ng ganiyan. Okay na po ako sa t-shirt and jeans,” sambit ko.
“But it’s a party, wala namang naka jeans doon Kim,” sambit ng Mom niya. “Don’t worry, alam na ng designer na bagay ito sa ‘yo kaya don’t be afraid isa pa minsan lang ito,” sambit ng Mom niya. Gustuhin ko man na humindi pa pero mapagpilit talaga ang Mom ni Sam kaya minsan ayaw ko na pumunta dito lalo na andito ang Nanay niya kasi kung ano’ng gusto niya sige lang ibibigay niya.
Sinimulan na nila kaming ayusan. Sinabihan ko yung make-up artist na huwag masyadong heavy kasi hindi naman ako nagsusuot ng make up. Okay na nga ako sa lip tint at pulbo eh.
After namin mag-ayos tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam kung sarili ko ba talaga yung nakikita ko, with this black evening gown at light make-up na katulad ng sinabi ko parang nag-ibang tao ako.
“Grabe hindi na kita makila best friend,” sambit ni Sam habang papalakad papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay nakangiti.
“Hindi nga ako comfortable eh, kasi parang hindi ako,” natatawa kong sabi sa kaniya.
“Ano ka ba, it’s good ang ganda mo nga eh. For sure madami kang makikilala doon, ano tara na?” tanong niya sa akin. Ngumiti naman ako nang pilit sa kaniya.
“Hindi ba nakakahiya? Isa pa kinakabahan din ako eh.”
“It’s okay trust me. Let’s go.”