Prologue
“Mommy, hindi mo na naman po ba ako sasamahan sa school?” tanong sa akin ni Tristan. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa kaniya.
“Tristan, kay Tita Sam ka muna okay? Alam mo na may trabaho si Mommy ‘di ba? Besides maganda naman sa condo ni Tita Sam ah,” sambit ko sa kaniya.
“Lagi na lang si Tita Sam ang kasama ko, ikaw naman po yung gusto kong kasama,” sambit niya sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napaluhod sa kaniyang harapan at hinawakan ang kaniyang mukha. “Napagkakamalan na ng mga kaklase ko na si Tita Sam yung mommy ko, eh wala pa ngang boyfriend si Tita Sam anak pa kaya,” pabirong sabi ng anak ko. Napatawa naman ako dahil doon.
“Ay masakit magsalita yung anak mo Kim, paki ayos iyan. Puputulin ko ang dila niyan,” sambit ni Sam. Napailing-iling na lang ako dahil sa sinabi ni Sam.
“Anak, alam mo naman ‘di ba na may trabaho ako, para sa ‘yo din ito.”
“Hindi ko naman po hiniling ito eh, gusto ko lang po kayong makasama,” malungkot niyang sinabi. Napahinga ako nang malalim dahil sa sinabi niya sa akin. Pinipilit ko lang tatagan ang loob ko lalo na’t ayaw kong nakikita ang anak ko na nalulungkot. Alam ko naman na gusto niya na magkasama kaming dalawa pero gustuhin ko man sino na lang yung kikilos sa pang-araw-araw namin. Hindi naman ako ganon kayaman para tumigil na lang sa pagtatrabaho.
“Tristan, baby alam mo si mommy mo need ng work for your future, hindi naman ibig sabihin na hindi mo hiningi means hindi mo na kailangan. Kailangan niyang paghandaan yung magiging future mo tignan mo ang gwapo-gwapo ng inaanak ko sigurado ako pagkakaguluhan ka ng mga girls, ayon ang paghahandaan ng mommy mo,” sambit ni Samantha. Agad ko naman siyang kinurot sa kaniyang tagiliran dahil sa kapilyuhan na sinasabi sa anak ko.
“Ang dami mong sinabi Sam. Okay na yung una eh,” sambit ko.
“Aray oo nga sorry na nga.”
“Bakit kasi wala akong Papa, Mommy?” Napatigil ako dahil sa tanong niya sa akin. Hindi ko ine-expect na itatanong sa akin ni Tristan ang ganong bagay. Napatingin ako kay Sam at nakita ko na nag-aalangan din siya.
“Bakit mo naman tinatanong ‘yan anak?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung bakit tatanungin ni Tristan sa akin ang gano’ng bagay. 5 years old na siya pero never naman niyang tinanong sa akin yun.
“Kasi nahihirapan ka na, Mommy. Yung mga kaibigan ko meron silang mga Papa na tinatawag ako wala,” malungkot niyang sinabi. “Isa pa po, ang dami ninyo ng ginagawa, yung Mommy ng mga kaibigan ko nahahatid-sundo sila kasi yung mga Papa nila yung nagta-trabaho. Asaan po ba yung Papa ko?” tanong niya sa akin.
“Anak, kasi…” Napatingin ako kay Sam. Napatango-tango lang siya sa akin na para bang sabihin ko na kay Tristan, pero paano ko saasbihin kay Tristan na hindi ko naman kilala ang Tatay niya kasi paggising ko lang nung gabi na ‘yun merong pera sa tabi ko pero yung lalaki na kasama ko buong gabi wala naman.
“Uhm, about sa Tatay mo. Kasi nagkaroon kami ng problema dati,” sambit ko sa kaniya.
“Hindi niya ba ako mahal Mommy?” tanong niya sa akin. Napatingin ako kay Sam, siya naman ay napakamot lang sa kaniyang ulo dahil sa tanong ni Tristan. Alam ko na dadating din ang panahon na magtatanong ni Tristan sa akin tungkol sa Tatay niya pero hindi ko naman alam na ito na din ang araw na iyon.
“Tristan, listen anak. Hindi mo na kailangan ng Tatay, andito naman si Mommy, kinaya ko ngang palakihin ka eh. Si Tita Sam anjan din, andito din si Tito Cris ‘di ba kailangan mo pa ba ng Tatay?” tanong ko sa kaniya.
“Ikaw Mommy, nami-miss mo na ba si Papa?” tanong naman niya sa akin.
“Ahh, hindi anak. Nagkalabuan kami ng Tatay mo eh, mas mabuti na hindi kami magkasama. Isa pa kung asaan naman siguro ang Tatay mo masaya ‘yun ngayon.”
“Pwede mo ba siyang hanapin?” Napakunot ang noo ko dahil sa bigla niyang sinabi. “Gusto ko lang siyang makita, para alam ko kung ano’ng itsura niya.” Napalunok lang ako dahil sa sinabi niya.
“Ahh, pag-iisipan ni Mommy okay. Sa ngayon need muna pumasok ni Mommy kasi male-late na ako.” Tumayo ako sa pagkakaluhod sabay tumingin kay Sam. Sinenyasan naman ako ni Sam na lumabas sa living room niya na para bang meron siyang sasabihin sa akin.
“Ano ang gagawin mo Kim? nagtatanong na si Tristan,” sambit niya sa akin habang naglalakad kami sa hallway ng kaniyang condo.
“Hindi ko alam Sam, alam mo naman na hindi ko din nakilala yung lalaki ‘di ba? Ang dami mo kayang bisita no’n. May iba’t ibang school, saan ko hahanapin yung bwisit na lalaking iyon?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi mo ba talaga natatandaan yung itsura niya?” tanong niya sa akin. Napahawak na lang ako sa aking noo sabay umiling-iling.
“Para saan pa kung aalalahanin ko yun, isa pa sobrang lasing ako no’n hindi ko matandaan yung mukha niya eh. Kahit na ibalik-balik ko yung time na iyon, blur lang. Madilim din nu’n nung may nangyari sa amin,” mahina kong sabi.
“Dati ko pa sinasabi sa ‘yo na kaya kitang tulungan hindi ba? Pero ayaw mo naman ipahanap.”
“Kasi bakit pa, alam mo naman nung nalaman nila Mama na buntis ako pinalayas na nila ako sa bahay. Kung hindi lang dahil sa babae na tumulong sa akin baka walang Tristan ngayon,” sambit ko sa kaniya.
“Pwede ko tignan yung archive photos that time, para pwede natin isa-isahin yung mga lalaki doon,” sambit niya sa akin. Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya.
“Alam mo para akong nagha-hunting ng lalaki sa ginagawa mo. Wala na din naman akong plano na hanapin siya eh. Ayos na ang buhay ko ngayon, ayos na ako kay Tristan, ayaw ko na makita makita yung lalaking iyon. Bwisit kasalanan ko din eh, masyado akong nagtiwala agad.”
“Hindi mo naman kasalanan, iyon isa pa hindi mo din alam na mangyayari iyon. Hindi ko naman kasi alam na kung saan-saan na kayo pupunta eh, kung alam ko lang at nakita ko yung lalaking kasama mo bago kayo umalis sa party edi sana madali lang sa atin,” sambit niya sa akin. “Isa pa, deserve din naman ng anak mo ng katotohanan. Lumalaki na si Tristan, magtatanong nang magtatanong iyan.” Napatingin kami sa pintuan ng kaniyang condo at nakita namin si Tristan na nakasilip doon.
“Basta, I’ll try my best, pupunta ako sa bahay mamaya alam mo naman na nami-miss nila Mama si Tristan akala mo talaga apo nila. Tapos I’ll try to search for the photo album tapos titignan ko na lang doon yung mga lalaki that night, tapos I’ll asked them na din if ano’ng ginawa nila.”
“Hindi ba masyado ng sobra iyon Sam?” tanong ko sa kaniya.
“Para kay Tristan at isa pa para din lumuwag na ang pakiramdam mo, alam ko naman na lagi kang hindi pinapatulog dahil sa nangyari nung gabing iyon,” sambit niya. “Pero meron ka bang palatandaan? Kahit general kasi ang dami talagang lalaki ng gabing iyon eh.
“Uhm.” Napakamot ako sa aking ulo habang nag-iisip. “Hindi ko kasi talaga alam kasi madilim pero alam ko meron siyang tattoo. Iyon may tattoo pero hindi ko alam kung ano’ng klase at saan banda.” Napahinga siya nang malalim sabay napasapo sa kaniyang noo.
“Bwisit ka ang dami din nilang may tattoo, pero sige kahit papaano nabawas-bawasan. Pero okay lang ba talaga sa ‘yo ang request ni Tristan?”
Napahinga lang ako nang malalim. “Hindi ko alam eh, kasi hindi ko din naman sure kung ano yung mararamdaman ko. Oo nga pala, pakibantayan si Tristan ah, dalawang araw kasi ako wala kasi meron kaming team building.”
“Huh ang bilis naman n’yan, parang three weeks ka pa lang sa pinagta-trabahuan mo ah.”
“Ayon nga nasakto nga eh buong company naman iyon, so pati mga bagong employee kasama,” sambit ko sa kaniya.
“Teka asaan ka nga ulit nagta-trabaho?” tanong niya sa akin.
“Ah Tech Company, pero hindi ko pa kilala yung boss eh, basta Demitri ang apelyido niya.”
“Demitri?” tanong niya sa akin. Napatango-tango ako bilang sagot. “Alam ko company ‘yan ng ka-school mate natin dati nung highschool tayo, si Akihiro.”
“Akihiro? Hindi ko kilala eh, pero familiar.”