His POV Habang nagda-drive, mas lalong umiinit ang katawan ko dahil sa pinainom niya sa akin. Ang gusto ko na lang ay makauwi sa bahay para doon ko na ayusin itong nararamdaman ko. Maya-maya ay nakarating na din ako sa bahay, agad akong pumasok sa loob at umakyat sa kuwarto ko. Habang papaakyat unti-unti ko nang tinatanggal ang mga damit na nakasuot sa akin. Nagmadali akong pumasok sa loob ng aking kuwarto upang magawa ko ang bagay para lang mawala itong nararamdaman ko. “Hiro?” napatigil ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Napatigil ako sa aking kinatatayuan sabay napatingin sa kaniya. Napalunok naman ako nang makita ko dito si Kim. Napahawak na lang ako sa aking noo sabay tumalikod sa kaniya. “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya. “Huh? Hindi ba pinapapunta mo ak

