Nalimpungatan ako dahil sa hampas ni Angel ng unan sakin kaya nagising ako.
"Gising na uy, manonod tayo ng sunset ngayon and kanina pa may tumatawag sayo kaya nagising ako, tang-ina neto"
nakasimangot nyang bungad sakin.
Mabilis ko namang kinuha ang phone ko nang sabihin nya yun at tiningnan kung sino ang tumawag, pangalan ni Third ang unang bumungad sakin. 5 missed calls at may mga text pa sya.
"I thought youre single? "
"Babe huh?"
"and now youre not even replying and answering my calls."
"Damn baby youre frustrating me out"
"I can't take it, forget my text last night, Im just jealous ok"
Sunod sunod nyang text sakin, di ko na binasa lahat at tinawagan nalang sya, tatlong ring lang ay sinagot na nya eto.
"Thank God you called, muntikan na akong magpadala ng navy jan sa isla for search and rescue op."
sunod sunod nyang sinabi, wala man lang Hello. ??
"Rescue op talaga? ang o.a mo naman. "
sagot ko sa kanya
"Im serious" naiinis nyang sabi
"ok na, bakit ka ba tumawag, at ano yung mga text mo? Ang hirap mong intindihin. Masyadong kang red flag Clarence "
nafufrustrate ko sabi sa kanya, narinig ko sa kabilang linya na parang may mga nag-uusap, feeling ko nasa isang meeting sya.
"Anyway, ibaba ko na alam kong busy ka Salamat sa pag-aalala. Bye"
di ko na sya pinatapos at pinatay ko na ang tawag.
Sa wakas nasabi ko narin ang gusto kong sabihin sa kanya.
Huling gabi na namin dito sa isla, mula kahapon hanggang kanina ay ginawa namin ang mga day activies na nasa inclusion ng aming trip tulad ng snorkeling, island hopping and ofcourse food trips.
Sa island hopping naman ay pinuntahan namin ang Doot beach, Secret Beach at Alegria beach. Di rin namin pinalampas ang Magpupungko rock pools at Tagyabang cave pool na insta worth it talaga at sobrang sarap maligo.
Bukas ang huling araw namin dito kaya ngayong gabi ay lalabas kami for bar hopping.
Im wearing a black tube paired with maong shorts and messy bun to compliment my attire.
Bumaba na kami at naglakad na kami patungo sa mga bar nila, di sya actually bar kagaya ng sa city, para syang kubo pero malaki at puno ng lights at ang mga upuan at mesa ay gawa sa kawayan then ang floor ay buhangin kaya tsinelas lang ang sinuot namin. Pero kahit ganon ay feeling mo ay parang nasa mamahaling bar ka parin dahil sa mga party goers na nandito.
Pag-kaupo namin ay agad na umorder ng isang beer tower at isang bottle ng Cuervo si Zane at habang naghihintay ay nag groupie muna kami.
Ang lakas ng trance music na pinapatugtog ng dj at remix ng kantang versace at tonight, kaya di ko maiwasang mapaheadbang, dumating na ang aming order at agad kaming binigyan ni Angel ng tig iisang baso ng beer at sabay sabay naming ininom, naramdaman ko agad ang init nito na gumuhit sa aking lalamunan pagkatapos nun ay nagsitalunan kami at sumasabay sa kanta.
Di ko mabilang kung ilang baso na ang aking nainom, mejo tipsy na rin ako kaya nung hinila ako nila Carnalyn at Angel patungong dance floor ay wala na akong magawa kundi ang sumama sa kanila.
Sumayaw narin ako sa saliw ng kantang Hurts like hell ni Maddison Beer. Naramdaman kong may humawak sa bewang ko at sumasayaw sa likuran ko kaya mas pinag igihan ko ang paggiling ko hanggang sa may tumulak sa lalaking aking kasayaw at humila sakin its not hila kaladkad pala, pinipilit kong tanggalin ang kamay ko pero mas humihigpit ang kapit to the point na masakit na, sumabay pa ang pag-ikot ng paningin ko dahil sa alak,
" Ano ba!! Sino ka ba at bat mo ko kinakaladkad?" inis kong sabi, wala naman akong nakuhang sagot dahil mahihinang mura lang ang narinig ko.
Dahil siguro sa sobrang kalasingan ay namalayan ko nalang na nakapasok na pala kami sa isang villa
Doon palang ako pinakawalan ng humila sakin kaya muntikan akong masubsob buti nalang mabilis nya akong nahigit sa bewang kaya napayakap ako sa kanya di talaga mabuti ang alak kaya walanghiya ko syang inamoy. Napaka manly ng amoy nya
"Ang bango mo naman parang may kaamoy ka, hmmmm sino nga yun"
parang bata kong sabi, nang maalala kp kung sino ay bigla akong nainis.
"Ah!! alam ko na kaamoy mo yung red flag na mayor dito, yung di na maintindihan, confusing"
naiinis kong sabi
"Red flag? What the hell is that woman?
sabi netong kasama ko
"Di mo alam yun? Red flag pati green flag, akala ko green flag sya kase yun ang nakikita ko sa balita and ang sweet nya nung dumating kami dito, baby nga tawag nun sakin eh pero red flag pala"
"Sino ka ba at bakit nagiging kamukha mo na sya?"
unti unting lumilinaw ang paningin ko kaya ang kalasingan ko mistulang lumipad at binalik ako sa realidad.
"Bat ka andito Mayor? " alis na ako baka hanapin nila ako
"No! youre not going anywhere."
"At bakit? alam mo nakakalito ka, di kita maintindihan one moment youre being sweet pagkatapos galit, yung totoo?"
"Alam mo bang di ko na din maintindihan ang sarili, di ko alam kung paghanga parin ba to o mas malalim na dahil sa mga pinakita mo nitong nakaraang mga araw. Ang gulo mo"
gulong-gulo kong sabi.
"Hush Baby, Im sorry if i made you upset because of what Ive said."
pag aalo nya sakin.
"calm down please, Im sorry ok, I am jealous everytime you mentioned some guys name. I also want to be with you always."
sabi nya sabay dantay ng kanyang noo saking noo.
"I dont know what potion you did to me why I fell for you the moment I read your chat during that time. I cant get you out of my mind Baby"
"So please lets stop this fight please"
nagsusumamong sabi niya.
Walang salita ang lumabas mula sa aking bibig sobrang lakas ng kabog ng puso ko lalo na nung unti-unti sya lumapit sakin at pinatakan ako ng halik sa labi at sinundan pa dalawang magkakasunod.
"Kiss me Baby" muli nyang paghalik
Di ko alam kung dahil ba alak o dahil sa sensasyong binibigay ni Third ay wala sa sarili kong inilagay sa batok nya ang aking mga kamay kasabay ang pagpikit ng mata. Ang kaninang banayad na halik ay unti unting naging aggresibo, ang aking mga kamay ay nasa kanyang buhok na patunay na nadadala na rin ako.
Umupo sya sa kama at ako'y hinila paupo sa kanyang kandungan at hinalikan sa panga pababa ng aking leeg, I titled my head to the left to give him more access to my neck, the intensity feeling that i am feeling right now is beyond wild, parang may something na may gustong lumabas sakin. Isang mahabang ungol ang aking pinakawalan matapos kong maramdaman ang pagkakalas ng hook ng aking bra. Ang kanyang mga halik sa mas lalong bumaba.
"Baby you have to stop me if you dont want to become a mom after 9 months"
nahihirapan nyang tugon.
Para akong binuhusan ng malamig na yelo nang marinig yun mula sa kanya kaya mabilis ko syang tinulak upang makatayo mula sa pagkakaupo ko. Isang marahas na paghinga ang aking narinig mula sa kanya.
"f**k. Im sorry baby I got carried away, you were so f*****g sexy when youre mad" sabay hila sakin upang ako'y mayakap.
"It's ok pareho tayong nadala sa sitwasyon" sabi ko habang sinusuklay ko ang kanya buhok.
Tumayo sya habang nakaakap parin sakin kung kaya ramdam ko sa aking tyan ang kanyang matigas na umbok na syang nagpasinghap sakin.
"Im sorry Baby. " sabay malakas na buntong hininga
"Listen, please allow me to court you formally" sabi nya sabay hawak sa aking mukha upang mapaharap ako sa kanya
"T-Third? sigurado ka ba?" kinakabahan kong tanong, sobrang lakas ng t***k ng puso ko kung di lang ako nakahawak sa kanya ay baka nasa sahig na ako ngayon.
"You dont have to decide right now, just let me show what I feel for you"
nagsusumamong nakatingin sakin.
"Hatid mo na ko sa kwarto baka hinahanap na ako nila Zane"
tanging nasabi ko sa kanya, isang halik sa noo ang kanyang ginawa bago tumango.
Nang makarating kami sa kwarto ay doon ko palang naalala wala pala sakin ang susi at wala din ang aking cellphone.
Nilingon ko si Third at alam kong nagets nya agad ang problema ko.
"you can use my phone to call them"
sabay abot ng kanyang telepono
Buti nalang saulo ko ang number ni Zane kaya sya ang aking tinawagan, mataps ang ilang ring ay sinagot nya eto, dinig ko sa background ang tutog sa bar at ang sigaw nya kay Angel na hanapin ako sa kabilang sulok.
"Hello? " inis nyang sagot
" Ahm, Zane si Amor to"
"Thank God Clarita Amor, where the hell are you?"
"Andito ako sa labas ng room natin, Im with Third nakalimutan kong wala pala ang susi sakin"
"Carnalyn tawagin mo si Angel sabihin mong ok lang si Amor" rinig kong utos nya
"Kaya mo bang maghintay pa? parang ayaw pa umuwi netong dalawa. But since youre with Mayor naman I think you will be safe"
"Ano??? magtatagal pa kayo?"
inis kong sabi sa kanya at pinatayan na ako ng tawag.
Inis kong binalik sa kanya ang cellphone matapos ang tawag. Ngayon ko lang din napansin ang kanyang suot, isang puting longsleeves polo na nakatupi hanggang siko at black slack ang kanyang suot di rin nakatakas saking paningin ang gold necklace na may cross pendant na pansin ko'y lagi nyang suot.
"Bakit? What did your friend said?"
nag-aalala nyang tanong kaya nabalik ang tingin ko sa kanyang mukha.
"Mamaya pa daw sila uuwi, she said that i will be safe since you're here"
nahihiya kong sabi
"ugh, are you tired? you want to rest in my villa? alanganin nyang alok.
"ok lang ako, kaya ko pang maghintay but if youre tired pwede ka ng bumalik sa kwarto mo, I'll wait here nalang"
Umupo ako sa harap ng aming pintuan at pinikit ang aking mata dahil nagsisimula na akong makaramdam ng pagod at antok, akala ko ay umalis na sya ngunit nagulat ako ng marahan nya akong hinila patayo.
"Anong ginagawa mo? Saan tayo pupunta?" naguguluhan kong tanong.
"We'll go back to my villa you are tired and sleepy"
"Pero dito ko na sila aantayin."
Binigyan nya ako ng tinging may pinalidad kaya wala akong nagawa kundi magpatianod, pagakarating namin sa loob ay agad nya akong pinaupo sa kama samantalang sya naman ay kumuha ng isang basong tubig mula sa countertop at binigay sakin.
"Drink this para mahimasmasan ka"
Muntik ko ng maduwal ang tubig ng biglang lumuhod si Third at walang sabing pinagpag ang mga buhangin na nakakapit sa aking mga paa. Kumuha din sya ng wipes at pinunasan iyon. Grabe ang lakas ng kabog ng puso ko habang tinitingnan syang seryosong nililinisan ang aking mga paa, who would have thought that the Mayor of this province is cleaning my feet.
Nag-angat sya ng tingin ng mapansin nyang nakatitig ako sa kanya.
" You should rest Baby, were going back to the mainland tomorrow right? " sabay abot ng kanyang white tshirt
Tanging tango lang ang aking sagot sa kanya at nagmamadaling magpalit ng damit ng tumalikod sya sakin. Pagkatapos ay humiga na ako at nagtalukbong ng kumot.
"Dont worry Baby I will not do something you wont like"
natatawa nyang wika kaya tiningnan ko sya ng masama
"Oh dont look at me like that, next time you need to stop me immediately coz I might not control it anymore" nang-aasar nyang sabi
"And one more thing, I am not planning on using protection to you"
natatawa nyang sabi sabay kindat sakin.
"Ang bastos mo talaga"
naiinis kong sabi sabay bato sa kanya ng unan na nasalo naman nya.
Malakas syang tumawa at binalik sakin ang unan para ako makatulog na.
Isang mahigpit na yakap ang nakapagpagising sakin, iginala ko ang aking mata sa buong kwarto at napagtanto kong hindi eto ang kwarto namin kaya mabilis kong nilingon ang aking nasa likuran at nang makita ko si Third na mahimbing na natutulog ay parang bahang rumagasa ang lahat ng mga alaala kagabi.
Nagmamadali kong inaalis ang kanyang mga kamay na nakapulupot sakin pero mas lalomg humihigpit eto.
"Arghh Third, remove your hand please, kelangan ko ng bumalik sa kwarto namin baka nag-aalala na sila Zane sakin"
yugyog ko sa kanya, isang inaantok na ungol lang ang kanyang pinakawalan at mas hinigit pa ako palapit sa kanya.
"T-Third"
"I texted her last night that you are here with me so no problem."
balewala nyang sabi
"Pero?"
"5 more minutes Baby please"
putol nya sa saaabihin ko kaya tumahimik at hinayaan ko nalang muna sya.
Alas dos na at pabalik na kami ng bayan kanina habang namimili kami ng pasalubong ay nakabuntot lang sakin si Third at ngayon naman ay nasa tabi ko hawak hawak ang aking backpack. Sa ibang hotel na kami mamalagi hanggang sa aming pag-uwi. Nag-offer pa si Third na doon na kami sa kanila tutuloy para di na gumasto na mariin naming tinanggihan at sinabing nakabook na kami doon.
Huling araw na namin dito sa Siargao kaya inimbitahan kami ni Tita na doon na mananghalian sa kanila dahil mamayang gabi ay uuwi na kami.
" Did you enjoy your stay here mga hija?"
tanong ni tita samin
"Opo Tita super ganda dito at ang babait din ng mga tao"
sagit ko sa kanya
"Oo nga Tita, for sure babalik kami dito pag makaluwag luwag sa schedule namin" sabi naman ni Zane na ikinatuwa ni Tita.
Pansin ko na panay ang iwas ng tingin ni Carnalyn kay Marco samantalang nakangisi naman ang isa, something's fishy, nang napansin ni Carnalyn na pinapanood ko ang kanyang kilos ay umayos sya ng upo para di mahalata.
"Are you Ok Carnalyn? Parang kanina ka pang di mapakali"
nang-iinis kong tanong sa kanya.
"h-huh? ok lang ako hehe" peke nyang tawa sabay iwas ng tingin sakin nang tingnan si Marco ay pilit nyang tinatago ang ngising gustong magpakita.
At dahil last day na naman dito at nakipagbonding kami sa kanya gaya ng pangako namin nung nakaraan. May sarili silang massage room kaya nagpahome service nalang si Tita para raw makapagrelax kami bago umuwi, si Third naman ay bumalik ng Cityhall after kumain ganon din ang kanyang mga kapatid ay ama ay bumalik an rin sa opisina. Dito na kami manggagaling patungong airport.
"My dear Amor?"
"Yes po Tita? "
"What's the real score between you and my son?"
tanong ni Tita na nagpakaba sakin.
Nakita ko rin na biglang napatingin sakin ang mga kaibigan ko na parang nag-aantay ng aking magiging sagot.
"Ahm, sabi nya po manliligaw daw sya sakin" nahihiya kong sabi
Narinig ko ang mahinang tili ng mga kaibigan ko at halakhak ni Tita.
"Really? kelan mo sya sasagutin?" excited nyang tanong
"oo nga Amor wag ka ng pabebe sagutin mo na" kulit ni Carnalyn sakin
"eh ikaw carnalyn anong meron sa inyo ni Marco?" nakangisi kong sabi ayun natahimik kaya ang atensyon ay napunta sa kanya.
"what's with Marco hija? "
tabong ji Tita Claire
"ay wala po tita, GG lang to si Amor"
sabay tingin ng masama sakin.
Makalipas ang isang oras ay natapos na kami grabe ang sarap sa feeling.
Naghanda narin rin kami dahil 6pm ang flight namin pauwi.
Nang nagpaalam na kami sa pamilya ay dumating ang isnag babaeng minsan ko ng nakita noong kampaya na sinasabi nilang kaibigan ni Third
"Good afternoon po, Tito and Tita"
masayang bati nya sabay beso kela tita at nang humarap kay Third ay bigla nyang pinatakan ng mabilis na halik at biglang niyakap si Third.
Napasinghap naman ang aking mga kaibigan ganon din si Tita at nagmamadaling lumapit sakin para bulungan na ako na wala lang yun, nang tingnan ko naman si Third ay namumutla itong nakatingin sa akin at mabilis na inalis ang pagkakayap sa kanya. Ambang lalapit eto sakin ng bigla akong tumalikod para ayain ang aking nga kaibigan na umalis na.
"Alis na po kami" paalam ko sa kanila at tumalikod na
Nasasaktan ako alam kong wala pa akong karapatan pag bawalan sya pero ang sakit lang, pero bago ako makasakay sa van ay may biglang humablot sakin at niyakap ako sa likod. Pilit ko namang tinatanggal ang pagkakayap nya sakin pero matigas talaga sya ata yaw akong pakawalan.
"Mayor mahuhuli na kami sa flight namin"
"N-no!! Pl-please baby listen to me, I dont know na gagawin nya yun Please let me drive you"
nangingig ang boses na sabi nya
"P-pero Mayor may bisita ka, salamat nalang sa pagpapahatid" pagpupumilit kong makaalis pero mas hinihigpitan nya.
Alam kong lahat ng sa paligid namin ay nakatingin ngayon pero wala na akong pakialam.
"Zavin!! who is she? why are hugging her? maarteng tanog
ng neto
"Shut-up Kiara" sigaw ni Third dito
"Baby please listen to me. She is nothing she is just my friend"
Wala na akong nagawa nung higitin nya ako papuntang sasakyan nya.
Habang nasa byahe walang nag-iimikan saming dalawa nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Mayamaya ay narinig ako syang tumikhim.
"Baby, please talk to me, I dont want you to go home, mad at me"
panimula nya, di parin ako lumilingon s kanya
"Please Baby loom at me"
Di ko parin ginagawa ang gusto nya kaya iginilid nya ang sasakyan para mahinto eto, huminto din ang van at nagtanong anong nangyari pero sinenyasan nya lang na mauna at muli akong hinarap, kinalas nya ang kanyang seatbelt at lumapit sakin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero andun yung sakit at selos na nararamdaman ko.
Pilit nyang itinataas ang aking baba upang mapatingin sa kanya.
Naiiyak akong tumingin sa mga mata nya at nakita ko ang takot doon.
"Baby please dont cry. hush hush, wala lang yun, promise di na mauulit, kausapin mo ako natatakot na ako "
sabi nya sabay halik sa mga mata ko
"Nagseselos ako at nasasaktan di ko alam kung bakit at wala akong karapatan"
"Hush baby wala kang dapat ipagselos, hindi nya alam na niligawan kita Im sorry nagulat din ako and listen Baby may karapatan ka. "
"If ayaw mo, I will gladly to do it just let me continue courting you"
pagmamakaawa nya sakin sabay patak ng paulit-ulit na halik sa aking buhok.
Huminga ako ng malalim at tiningnan syang diretso sa mga mata at marahang tumango tanda ng pagsang-ayon. Isang malakas na buntong hininga namana ng kanyang pinakawalan.
Magkahawak kamay kaming pumunta sa aking mga kaibigan na naghihintay samin ng makita nila ang aming mga magkasaklop na kamay ay sabay sabay silang ngumisi samin, mabuti nalang at di masyadong maraming tao kaya walang nakapansin samin.
Eksaktong 4:30 ng magcheck-in na kami at nagpaalam na kay Third. Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Third sakin sabay bulong ng mga sweet words.
"Im gonna miss you Baby, please keep in touch, im gonna call and text you from time to time and I will visit you if Im not busy ok." nakayakap parin nya sabi
"Mamimiss din kita, wag masyadong magpapagod ha at kumain sa oras"
paalala ko rin sa kanya matapos nya akong pakawalan.
"And no boys for you" pahabol nya kaya natawa kami
"tell that to you self Mayor. "
Hindi ko na hinantay ang sagot nya at tumalikod na ako dahil baka mahuli pa ako, kinawayan lang namin sya.