Kabanata XI

1845 Words
Kinabukasan ay inubos namin ang buong araw para sa aming land trip, pero habang ganon halos updated si Third sa lahat ng ginagawa namin dahil ang lolo nyo ayaw paawat di lang makareply ng ilang minuto agad tatawag kesyo He is worried daw dahil di ako nagrereply, kaya para inisin sya nirereplayan ko sya ng kung ano ano tulad kanina napapunta sya kung nasaan kami dahil sa text ko. Third: Baby, please reply, Im worried. Me: Ok lang kami ano kaba, may mga gwapo kasi kaming kasama dito. Third: What? Where are you right now? Third: Baby? I'm asking you woman. Third: Gwapo? I bet Im more gwapo than them. Third: CLARITA AMOR!!!! Me: Galit na yarn?? Joke lang naman Third, ikaw parin pinakagwapo sa lahat. hahahah At yun nga akala ko ok na pero nagulat ako ng dumating sya at ayun di na umalis sumama na samin, minsan lumalayo ako dahil ang mga tao tumitingin na samin, di sa nahihiya akong kasama sya pero shemssss Mayor ng bayan ang kasama namin amd take note di lang sya dito kilala kundi buong Pilipinas dahil sa kagwapuhan nya. Pagdating ng hapon ay doon na naman kami nag dinner sa kanila actually nakakahiya na pero ang mga kasama ko walang hiya hahaha, di na rin kami nagtagal sa kanila dahil bukas ay tutulak na kami papuntang Isla. 3 days kami doon then balik ng ciudad 2 bago kami uuwi ng Palawan. Third myloves calling.... "Hello?" pagsagot ko sa tawag nya. "Baby? How are you?" malambing na tanong nya "Ok lang, pagod pero super enjoy naman kami kanina, Ikaw?" kwento ko sa kanya narinig ko naman ang bahagyang pagtulak ng upuan ata "I'm ok, eto pahiga palang, ikaw antok ka na ba? " sagot nya sa tanong ko "hmmm, after neto, excited na rin ako bukas" tumatango kong tugon "ahm, really? what are your plans tomorrow? tanong nya sakin "Where going to Island na tapos 3 days kami dun, excited na ako, may mga activities daw kaming gagawin" masaya kong kwento sa kanya, puro mahinang halakhak lang ang naririnig ko sa kabilang linya habang nagkukwento ako sa kung gaano ako kaexcited sa gagawin namin sa isla. "Excited din akong magsurfing, hahaha" excited kong tugon. "Hmm, you know how to surf? " tanong nya sakin "Hindi hahaha pero sabi ni Ken madali lang daw, isipin ko lang na parang skateboarding pero sa dagat nga lang" sagot ko sa kanya nung maalala ko ang mga sinabi ni Ken about surfing. "Who the hell is Ken Clarita? " medyo inis nyang tanong. "and surfing is not that easy like skateboarding, its more dangerous. you dont just believe in someone who doesnt have experience" pangaral neto sakin, mababanaag sa boses nito na nag iba ang kanyang timpla. "Oh bat ka nagalit? and please wag mo nga murahin si Ken. May experience sya noh and anong masama kung ganoon nya idescribe ang pagsusurf" biro ko sa kanya, alam ko na bakit nagbago ang mood neto hahha, ganda ko talaga "Selos ka? " pang-aalaska ko pa, di ko sya sumagot tanging paghinga nya lang naririnig ko hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pintuan, di ko alam kung saan pupunta. "Hello? Mayor? still there? I'm gonna end this call if you're busy pa" walang sumasagot, pero naririnig ko ang yapak nya. "Ok na, goodnight na, ingat ka" pagpapaalam ko sa kanya, mukha atang nagbago ang mood nya nung nabanggit ko si Ken, andito na naman tong kabog ng puso ko everytime na feeling ko nagseselos sya di ko alam kung paghanga parin ba tong nararamdaman ko sa kanya. Ibaba ko na sa ang tawag nang may narinig akong parang sumusuntok sa kabilang linya. "Third anong nangyayari? ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya di parin nagsasalita ang kabilang linya puro marahas na paghinga at parang suntok ang naririnig ko kaya nagsisimula na akong mapikon. "CLARENCE ZAVIN!!! kapag di ka pa magsasalita jan, ibaba ko na to at ibablock na kita. I will not talk to you anymore" naiinis kong sabi, nakarinig ako ng isang malakas na kalabog bago sya nagsalita "Im damn jealous right now but I know I dont have a right to feel this way" frustrated nyang sabi at andon na naman ang kalabog ng puso ko "Bakit?" tanging nasabi ko "I dont want you to mention some random guys out there while talking to me, but who the hell I am to demand that one from you" mababang sabi nito. "f*ck now you are speechless, I bet you are now afraid of me" muling sabi nya sabay mahinang tawa. "Ahm, Th-Third?" nauutal kong sabi "Im sorry for the sudden burst out baby, I need to go" nagmamadali netong sabi sabay patay ng tawag. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa mga salitang binitiwan ni Third, kung di pa ako niyugyog ni Zane di pa ako makaget over sa pangyayaring yun, o.a na kung o.a pero grabe talaga kinabahan ako, di ko maintindihan bakit ganon ang sinabi nya, wag naman syang mafall ayokong sumugal sa labang alam kong talo ako agad, at masyadong imposible kung iisipin kong mahal nya ako sa estado na meron sya, napakaimposible para sa isang kagaya nya ang mahulog sa akin. Nakatulugan ko ang pag-iisip sa mga nasabi ni Third sakin, nang tingnan ko ang aking cellphone ay may isang text doon si Third. "Im sorry Amor for what I said last night just forget it, rest assured that I will not do it again. I hope you and your friends will enjoy your days here in Siargao. " Teka ibig bang sabihin neto na nadala lang sya sa emosyon kagabi and cut the connection na kami? Paasa sya, kung kailan narealize ko ng nahuhulog na pala ako sa kanya sasabihin nyang ganon lang? Sabagay ano bang aasahan sa mga lalaking kagaya nya. Buong byahe papuntang isla ay tahimik lang ako, buti nalang di na ako kinulit ng dalawa tanging tango at iling lang ang mga sagot ko sa kanila kaya napansin siguro nilang wala ako sa mood. Nung malapit na kami ay pinilit kong kalimutan ang huling text ni Third para naman makapag enjoy ako, bahala sya sa buhay nya, kaya ng makababa kami sa buhanginan ay agad kaming nag groupie. Isang simpleng puti na floral maxi dress with matching strap sandals lang ang suot ko, naka loose braid din ang buhok ko at may suot akong summer hat samantalang nakashorts with matching bralette lang naman sina Carnalyn at Angel si Zane naman white longsleeves short dress. "Dali picture tayo send natin kay Asawa ko para mainggit." yaya ni Carnalyn Matapos ang ilang pose na ginawa namin napagpasyahan na naming magcheck-in upang magpahinga kahit saglit. Pagkapasok namin sa hotel ay namangha kami sa ganda, aesthetic design a combination of brown and white which complement to the wooden furnitures dito. Ang veranda naman ay nakaharap sa beach kaya super refreshing kahit dito ka lang sa kwarto mafifeel mo parin ang beach vibes. So todo pictures din kami pampalipas oras. May isang stolen shot si Angel na nakaharap ako sa beach habang parang nagbabasa ako sa phone ko kaya pinost ko sa Ig story ako sabay caption ng "still waiting for your text ?", tamang parinig lang mga mare hahaha baka sakaling magtext. Nung tanghalian ay bumaba na kami para sa tanghalian dahil may hinandang boodle fight ang resort na tinutuluyan namin pero bago kami bumaba nagpalit na kami ng aming beach attire, mahaba-habang pagpipilit ang ginawa nila sakin dahil short and white shirt lang ang plano ko pero ang mga gaga pinagtulungan ako at nilock ako sa cr kaya wala akong choice kundi suotin ang red two piece na inabot ni Carnalyn sakin pinatungan ko nalang ng white shirt ko kanina for cover up. "Ohlalala ang sexy ha,picturan kita then i Ig mo ulit hahhaha" biro ni Angel sabay taas ng shirt ko, sinamaan ko naman sila ng tingin dahil alam kong naview nila ang story ko kanina. "oh tama na yan, gutom na ako mainis pa si Amor baka di na lalabas " pag-aawat ni Zane samin, nauna sa syang lumabas. Ang ganda ng pagkakaarrange nila ng mga pagkain nakakatakam kaya wala kaming pakialam kung naka two piece kami basta makalamon lang, habang kumakain nagsuggest si Carnalyn na kung sino ang huling makakaubos nung saging ay magpopost sa ig story ng naka two piece, kung alam ko lang na ganito naisip nya di na sana ako sumali.Ayun na nga alam talaga nilang matatalo ako kaya ganon ang naisip na laro. "Oh pano ba yan Amor Powers ikaw ang gagawa ng dare hahahhha" nang-aasar na sabi ni Carnalyn So ayun after kumain pinicturan nila ako andun na yung nakaupo ako sa chair, meron din sa dagat still wearing my white shirt until sa pinatanggal na nila at naka two piece nalang ako, matapos nun nag groupie din kami, ang gaganda talaga ng katawan ng mga best friends ko ba hahahah pinagtitinginan tuloy kami aside from ang sesexy nila ang iingay din namin. mahigit isang oras din kaming nagtampisaw sa dagt kaya pagkabalik namin sa sun lounger ay mahapdi hapdi sa balat. "Post mo na yung dare Amor baka akala mo nakalimutan namin" sabi ni Angel sabay abot ng towel sakin. "Oo eto na, sandali maghahanap muna ako, basta yung di masyadong malaswa ha" inis kong sabi sa kanya lumapit naman sila sakin para tingnan kungg ano ang pipiliin ko, kung minamalas ka nga naman ang pinakamatino na sa lahat ay yung nakaupo ako sa monoblock at nakapatong ang aking baba sa aking kanang tuhod habang parang inaantok na tumingin sa camera. "Eto lang matino sa lahat atleast di kita lahat, ok na toh ha" sabi ko sa kanila, aangal pa sana si Angel pero sinamaan ko sya ng tingin kaya tumahimik. Pinost ko sa aking Ig account ang picture kog yun na may caption na "loser?". "Oh happy na? napost ko na di lang story yan ha. " inis kong sabi sa kanila. Sunod-sunod na notifications ang dumating sakin at ayun nagcomment pala silang 3 dun. @zaneyyyy: oooohhhlala can you be mine??? @carnationevap: she's on ? @urAngel96: Are you single Ms??? Mga baliw talaga meron pang ig story si Carnalyn kung saan naka two pice lang ako at nakaluhod sa buhanginan at nakatag kaming dalawa ni Ken at may caption na "Asawa ko, yung babe mo nagkakalat ng init dito sa Siargao" kaya nirepost ko eto sa aking ig story. Nagcomment din si ken at si John sa post kong yun na @Kentucky: That's my Babe. Uwi kana di na ako galit. @JohnD22: Hala ate lagot ka kay tatay bat ka daw nakaganyan jan? ?? Mga baliw talaga sila kaya ayaw kong nagpopost ng ganito kasi kung ano ano nalang kinocomment. Dahil sa pagod sa paglangoy naisipan naming bumalik sa room para makaidlip man lang then baba ulit pag magsunset na. Pagkabalik sa room ay nagsalitan na kami sa pagbabanlaw at kanya kanyang higa na dahil sa pagod. Bago ako makatulog ay nakita ko ang comment ni Third sa story ko ng "Babe huh? ?".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD