Nagising ako sa yugyog at boses ni Angel na parang excited sa gagawin namin.
"Arrgghh!! 5 mins Gel please"
angal ko sabay takip ng unan sa mukha ko, pero ang gaga kinuha ang unan sabay hampas sakin kaya tinapunan ko ito ng matalim na tingin.
"Diba napagkasunduan natin na magjogging dun sa high area nila kung saan foggy?"
paalala neto samin.
Nang marinig namin yun ay dali dali kaming tumakbo papunta cr para makapag ayos.
Matapos kong makapagbihis ng aking sweatshirt and jogging pants ay kinuha ko ang aking cellphone at nakita ko ang mga nakatulugan kong mensahe ni Third.
*Baby?
*Baby you still there?
*Ok, Goodnight baby, ?
Kung pwede lang sumigaw dito ng di nababatukan ni Zane ay ginawa ko na, mabilis akong nagreply sa text nyang kababasa ko lang.
To Third:
Hala Third, sorry nakatulog ako, napagod kasi ako today.
Binaba ko na ang phone ko para makapag-ayos dahil patapos narin naman sila ng biglang tumunog ang phone, dali dali ko etong tiningnan at andun na naman ang kabog ng puso dahil sa pangalan ng tumatawag.
*ThirdMyloves calling
Linsyak bat ang aga netong tumawag.
tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tawag nya.
Hello Third?
narinig ko ang kanya buntong hininga bago magsalita
Hi and good morning Baby, why youre up so early? hmm?
Ang husky ng boses at ang lambing ganito ba to sa umaga ang sarap pakinggan ng boses, p*cha bat parang ang bastos ko ng mag-isip.
Me: Ano kase, diba may isang lugar dito na pinupuntahan every morning para magjogging na foggy?
Him: Uh-uh, then?
Me: That's included in our itinerary here in your city kaya punta kami now hahaha, ikaw bat ang early mong nagising?
Him: This is my usual routine babe, I tend to get up early and do my morning work out.
Ahh kaya pala parang mejo husky ang boses at parang hinihingal sya na parang tumatakbo I guess nasa treadmill sya ngayon.
Maya-maya ay tinapos na namin ang tawag dahil nakaready na ang mga marites, nag-offer pa si Third na sunduin kami papunta doon pero tinanggihan ko dahil ang useless ng jogging namin kung sasakay naman kami papunta dun.
Ang ganda talaga ng Siargao, alam mo talagang kahit maliit na komunidad lang pero malinis at mahal ng mga mamamayan ang kalikasan, sarap mamuhay sa ganitong lugar, parang di binagyo nung mga nakaraang buwan, ang bilis ng rehabilitasyon pero makikita mo parin ang bakas ng bagyo.
Nang marating namin ang tuktok kung saan makikita ang buong isla ang ganda at ang lamig, di nako nagulat na maraming tao na naroon dahil isa nga to sa pinupuntahan lalo ng mga turista pero ang nakapagpagulat sakin ang makita si Third na pinapalibutan ng mga tao lalo na kababaihan upang makipagpicture. Di ko alam ang nararamdaman ko nung makita ko syang halos halikan na ng mga babae, parang may konting kirot akong nafeel sa heart ko kaya pinilig ko ang aking ulo upang magising sa katotohanan.
"Uy!! Amor si Mayor oh, andito din pala sya? " wika ni Carnalyn sabay hila sakin palapit at sumunod naman ang dalawa samin.
"Daming chix ah, kung ako girlfriend nyan magseselos ako"
sabi ni Angel sabay tingin sakin na parang may iniisip kaya lumingon din sina Zane sakin para tingnan ang aking reaksyon.
"Oh? ewan ko, di ko naman kilala gf nyan" sagot sabay tingin kay Third na nakatingin na pala sa direksyon namin, anjan na naman yang mga tingin nyang parang hinahalukay ang buong pagkatao mo, those two deep set of eyes that really makes my body shiver.
"Luh, magtitigan nalang kayo? "
pasaring ni Angel, kaya ayun ang gaga lumapit na talaga kesyo magpapapicture daw, nakita ko pang tinulak nya yung isang babae na nakakapit talaga kay Third.
"Zane, Amor Halika na kayo, its our turn na para magpapicture kay Mayor, diba Mayor?"
nakangising sabi ni Angel kay Third, ang kapal talaga ng mukha neto. Kaya wala na kaming choice kundi lumapit, inabot ni Carnalyn sa isa sa mga bodyguard ni Third ang DSLR nya, ako naman ay pumwesto sa gilid kaya nagulat ako ng hatakin ako ni Angel papunta sa tabi ni Third, napasubsob tuloy ako papunta kay Third kaya sinamaan ko ng tingin si Angel pero ang baliw ngumisi lang sabay peace sign.
Nang tingnan ko si Third ang loko nakatingin habang mayroong mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.
"Im sorry, Thi* este Mayor"
hinging paumanhin ko rito
"It's ok Baby Im always ready to catch you. " sagot nya sabay kindat, narinig ko ang mura ni Zane sa gilid ko at ang mahinang tili nina Angel at Carnalyn. P*cha ka Third ang lakas mong magpakilig, feeling ko ang init ng mukha ko.
"Sige na po kuya picturan nyo na po kami" sabi ko kay kuya sabay tayo ng maayos sa tabi ni Third pero ang baliw hinila ang bewang ko palapit sa kanya sabay bulong
"Bat ang layo mo? you should stay beside me baby" mahinang bulong neto sa tenga ko, di ko alam kung anong itsura ko sa picture pero alam ko ang pangit ko dahil gulat ako sa sinabi ni Third.
Matapos ang ilang pose ay nagpapicture sila isa isa kay Third pero nung ako na parang timang talaga ang dalawa kong kaibigan buti di na nakisali si Zane.
"Huy Amor lapit naman, masyado kang pabebe, eh diba patay na patay ka kay Mayor?" tang-inang Angel to ang ingay narinig ko ang mga halakhak ni Third kaya nilingon ko eto at sinimangutan.
"Tang-ina mo Angel, pinagsasabi mo jan"
sabi ko dito na tinawanan lang nila
"watch your mouth Lady."
saway ni Third sakin sabay dikit sakin para makapagpicture na, pagsinabi kong dikit super dikit mahihiya ang hangin.
"Smile Baby, dont be shy, and this is our first picture together so smile"
bulong neto sakin naramdaman ko din na gumapang ang kamay neto sa bewang ko.
" 1 2 3 smile, Amor ngiti"
sigaw ni Angel kaya ngumiti na ako, kahit alanganin man .
Nung sumikat na ang araw ay napagpasyahan naming bumaba na para makapag almusal, sumama na saamin si Third kung kaya't nasa sasakyan na nya kami. Di gaya kahapon nasa tabi ko na si Third at nasa may passenger seat naman si Zane, ang dalawa naman ay nasa pwesto parin nila.
"Mayor, saan kaya masarap magbreakfast dito?
biglang tanong ni Carnalyn kay Third
"Sa bahay na tayo, nagpahanda na ako ng breakfast and yun din gusto ni Mommy"
informa ni Third samin.
"Third nakakahiya na, kagabi doon na kami tapos ngayon dun na naman"
di ko na napigilan ang sarili kong punahin ang sinabi niya, nakarinig naman ako ng mahinang tilian sa likod.
"Third daw, p*cha Amor ikaw na "
sabi ni Angel, naku kahit kelan talaga tong babaeng to
"Tumigil ka nga evaporada"
inis kong saway dito, sa kabilang banda naman nakatitig lang si Zane sakin na para bang may iniisip eto.
"Zane, may problema ba?" tanong ko rito umiling lang eto sabay sabing masaya lang sya. weird,
wala ng nagsasalita samin habang papunta kela Third pero di awkward silence, mayamaya naramdaman ko ang kamay ni Third na hinahawakan ang aking kamay kaya gulat akong napatingin at pilit kong binabawi mula sa kanya ang aking kaliwang kamay pero ang baliw pinasok sa bulsa ng kanyang suot na sweater ang aming mga kamay, tiningnan ko sya ng masama, pero ngumisi lang na parang baliw ang Third nyo. Hinayaan ko nalang syempre noh aarte pa ba ako hahaha
Mayamaya nandito na kami sa kanilang bahay, kahit nakakahiya ay sumunod kami sa kanya patungong komedor at doon namin nadatnan ang kanilang pamilya, agad na tumayo si Tita upang salubungin kami.
"Mga iha maupo na kayo dali, Amor iha kamusta? " salubong ni Tita samin .
"Ayos naman po Tita nakakahiya na"
nahihiya kong tugon.
"Good morning po Sir, "
bati ko sa padre de pamilya.
"Good morning din iha, upo ka"
maikling usal neto
Makalipas ng halos Isang oras na agahan ay nagpaalam na kami sa kanila dahil mah Itinerary kaming susundin.
"Sir, Tita salamat po sa almusal, mauuna na po kami may nakasched po kasi kaming pupuntahan today."
pagpapaalam ko sa kanila.
Agad na tumayo si Third sa sumabay samin lumabas matapos naming magpaalam sa mga tao roon.
"What are your plan today baby? "
tanong ni Third ng palabas na kami
"Ang alam ko maglilibot lang muna kami dito sa bago kami pupunta ng isla para sa island hopping namin"
sagot ko sa kanya
"I see, I'd love to be with you today but I'm kinda busy now for the relocation project." informa ni neto.
"Ano ka ba, it's ok I know youre busy, di mo namam kami kailangan samahan."
mabilis kong turan dito.
Di na kami nagtagal at umuwi na kami, pinahatid kami ni Third sa isa sa mga tauhan nila.
Buong maghapon lang kaming gumala, nalibot namin ang magagandang tanawin dito sa ciudad, at super enjoy ko sa bago nilang tourist spot kung saan yung tinatawag na "Human drone" ang ganda ng mga kuha, enjoy na enjoy ako kaya kinagabihan super pagod naman ang naramdaman namin pero etong si Angel parang nakainom ng isang bote ng Enervon walang kapaguran.
Nasa kama na ako nung tumawag si Third, nakalimutan ko na syang replayan matapos ang tanghalian kanina hahaha
Third Myloves calling.....
Me: Hello?
Third: Hi, Baby how's your day?
malambing na tanong neto
Me: super enjoy ang ganda ng lugar nyo Third, pumunta din kami kay kuya na Human Drone ang ganda ng kuha nya hahahha.
kwento ko sa kanya narinig ko naman ang tawa neto sakin.
Third: Yeah, pansin ko nga, di mo na ko nareplayn after my last text kaninang lunch.
Me: Hala sorry talaga nakalimutan ko, super enjoy kase kanina kaya nawala sa isip ko, pasensya Third.
malambing kong sabi hahaha
Third: Its ok baby as long as you enjoyed the day.
sagot neto sakin, dahil sa pagod di ko napigilan na humikab napalakas ata kaya narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya.
Third: looks like my Baby is very tired and sleepy already. You better sleep na Baby, goodnight and dream of me.
Me: Third wait.
Third: What is it Baby?
Me: pwede mo ba akong kantahan?
tanong ko sa kanya, napansin ko naman ang sabay sabay na paglingon ng mga marites kong kaibigan pero walang silang sinabi, as in nakatingin lang hahaha
Third: hhhhmm, what do song do you want me to sing for you? hmm?
malambing nya tugon sakin.
Me: Kahit ano na.
Ilang saglit ng wala akong narinig na salita mula sa kanya kaya tiningnan ko kung nakapatay na ang pero hindi pa naman naman.
"Third? andyan ka pa ba? "
tawag ko rito, maya maya ay may narinig akong strum ng gitara,
"Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah, they were all yellow
I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called "Yellow"
So then I took my turn
Oh, what a thing to have done
And it was all yellow"
Shuta ang ganda ng boses nya, bumagay ang lamig ang boses nya sa kanya. Di ko inexpect na ganito kaganda ng boses nya para akong hinehele dahil dito and ang kanta iiihhh kinikilig ako, Cdplay bes coldplay.
Dala na rin siguro ng pagod ay di ko na namalayang nakatulog na ako at hindi ko man lang natapos ang kinanta ni Third.
3rd person's POV
Matapos kantahin ang Kantang Yellow Ng Coldplay ay tinawag nya na ang babae ngunit wala ng sumasagot dito tanging mahinang paghinga nalang ng babae ang naririnig nya kung kaya"y mahina syang napatawa.
Damn Baby you are really getting into my system already. You are mine alone.