Kabanata IX

1689 Words
Tahimik lang ako sa tabi ni Zane kung saan binubulungan nya ako na magkwento kung bakit naandito kami ngayon sa sasakyan ni Third, samantalang si Angel at Carnalyn naman ay nasa likod at tahimik lang nakamasid sa paligid habang si Third ay nasa tabi ng driver seat. "Ahm. Mayor?" nakita ko syang nagtaas ng kilay nung tinawag ko syang Mayor. "hmmm, yes?" sagot nya sabay lingon sakin "Dun nyo nalang po kami ihatid sa resto na pinagkainan natin kanina" suggest ko sa kanya "Sa bahay tayo kakain, then after that ipapahatid ko kayo sa Hotel nyo" Sagot neto sakin na mabilis ko namang inilingan. "No buts, I already informed my mom that I have guests tonight, Baby" tugon neto sakin na syang ikinasinghap ng mga kasama ko. "Baby??" eksaheradang bulong ni Angel sa likod ko. "yes? any problem with that? She's my baby" Mukhang narinig nya ang bulong ni Angel kaya sumagot eto. Sabay sabay na napasinghap ang mga Gaga dahil sa sinabi ni Third samantalang nag iwas ako ng tingin dahil feeling ko sobrang pula na ng mukha ko ngayon, Isang kurot naman ni Zane ang natanggap ko kaya napalingon ako bigla sa kanya. "Aray!! ? Linsyak ka masakit ha" singhal ko sa kanya kaya napatingin si Third samin. "What happen, Baby? " tanong neto kaya kinurot na naman ako ni Zane. "Wala, and please. " sagot ko sa kanya at pinandilatan ko rin ng mata kaya tinawanan nya lang ako. "Amor, madami kang kwento mamaya" bulong ni Zane sakin. Maya maya pa ay huminto kami sa isang nakapagandang bahay, na may mataas na gate na may nakaukit na FUENTES, halatang mejo may katagalan na ang bahay pero makikita mo talagang naaalagaan ng mabuti. Ancestral house ika nga Linsyak!! There family really belongs to a family with old money, mayaman na mula pa sa kaninunuan neto, naunang bumaba si Third pagkatapos ay binuksan nya ang pintuan kung nasaan ako nakapwesto. "Thank you Third" mahina kong pasasalamat sa kanya. "Kinikilig ako Baby" makulit nyang bulong sakin, ang landi talaga netong Mayor na to, pag ito malaman ng mga constituent nya ewan ko nalang hahaha pero syempre kinilig ako. Bumaba narin ang aking mga kaibigan at pare pareho lang kami ng mga reaksyon. Sobramg laki ng bahay no Mansyon na ata to, ang lawak ng hardin and ang daming sasakyan sa garahe. "Pasok kayo, wag kayong mahihiya feel at home" Ang welcoming ng pagkakasabi nya pero nakakahiya parin. Iginiya nya kami paloob ng kanilang bahay, kung kanina sa labas palang ay nakakamangha na ang ganda Mas nakakamangha ang sa loob mismo ng bahay, ang chandelier na sobrang laki. Ang mga muebles na ang gaganda. It's a combination of classic with a touch of modern concept. "Wow" sabay sabay naming sabi, habang manghang mangha kami sa buong bahay ay narinig kong kinakausap ni Third ang isa sa mga katulong nila. "nasa may pool area po nagpahanda ang Mommy nyo, Sir. " magalang na wika ng kanilang tagasilbi. "Thank you Manang, Let's go?" sabay baling nya samin, nilingon ang mga bruha at naabutan ko pang naggogroupie silang 3, kakapal talaga ng mukha hahahha. "Oh tara na raw, mamaya na yan, daya nyo talaga di nyo ko sinali" sabi ko sa kanila kaya lumapit silang 3 sakin at nagpicture agad, matapos nun ay sinundan na namin si Third palabas, Nakakahiya talaga dahil andun ata ang buong pamilya nya. Pagkakarating namin sa may pool area ay sinalubong kami ng kanyang ina, ang ganda nya she is wearing a simple white dress. She is very simple yet very elegant ang galawan. Samantalang sa tingin ko ay ang Padre de pamilya na old version lang ni Third dahil sa super magkamukha sila ay nakaupo sa kabisera ng hapag. Pansin ko rin ang 2 naggwagwapuhang mga nilalang na nakatayo sa may poolside na nakatingin samin, paglingon ko sa mga kasama ay parang mga dalagang pilipina kung makagalaw hahahahha. "Good evening mga Hija, tumawag si Third kanina na maghanda daw ng dinner dahil may bisita sya" nakangiting salubong samin ng mommy nya "Good evening din po Maam, nag abala pa po kayo, pero salamat" nahihiya kong sagot "Tita Claire nalang dear pwede ding Mommy" saad ng ginang sabay kindat sakin, sheezz nakakahiya ang init ng mukha ko. "Mom!!! youre freaking her out" sabat ni Third kaya nagtawanan ang mga kapatid neto habang nakatingin samin. "Yes Mom, baka biglang tumakbo nalang yan mabaliw pa yang Mayor mong anak" Biro ng isa nyang kapatid, siguro kuya nya eto parang mas matanda sa kanya ng ilang taon eh. "Please stop it, kumain nalang tayo, gutom na sila galing sa byahe pa" inis na saad ni Third sa pamilya nya. Iginiya nya na kami papuntang mesa pero bago umupo ay pinakilala nya muna kami sa pamilya nya. Si Marco ang kanyang kuya at Shaun naman ang pangalan ng kanilang bunso. "Amor dear taga saan kayo? " tanong ni Tita. "From Palawan po kami Tita, we were just having my birthday vacation po." sagot ko sa tanong nya. "oh wow, belated dear. Ano ano mga work ninyong magkakaibigan?" patuloy na tanong ni tita kaya sinasagot ko naman, ang tahimik ng mga marites ah. "Pharmacist po kami, 3 po kaming sa community pharmacy while si Zane po sa office as secretary." sagot ko sa ka kung di pa sumabat si Tito di pa titigil si Tita Claire kakatanong pero I find her cute I suddenly miss my nanay. Kasalukuyan kaming mga girls kumakain ng dessert ngayon, samantalang ang mga lalaki naman ay nasa may poolside nag-iinuman habang nag-uusap tungkol sa negosyo at trabaho, madalas kong nahuhuli ang mga titig ni Third sakin kaya umiiwas ako ng tingin upang di mahalata ng mga kasama namin. "Amor, ok ka lang ba?" kalabit sakin ni Angel. "huh? oo ok lang ako, bakit?" wala sa sarili kong tanong. "Tinatanong ni Tita kung pano kayo nagkakilala ni Mayor, which curious din kami, kagulat ka girl ha" sabi ni Carnalyn sakin kaya napatingin ako kay Tita na ngayon ay nakangiti sakin habang inaantay ang sagot ko, kaya kahit nakakahiya man ay kiwento ko sa kanila from the dm that I've sent during election until sa cityhall eksena kanina na umani ng tawa at tili sa kanilang 4. "OMG!!!! AmorPowers anong pinanligo mo kanina bakit parang ang swerte mo?" biro ni Angel sabay hampas pa sa balikat ko. "Aray ha!! mapanakit? ano ba Ako lang to" biro ko sa kanya sabay hawi ng buhok ko. "Im so proud of my Son Dear hahahah" biro ni Tita, kahit nahihiya ako nakitawa nalang ako. 10:30pm na at ramdam narin ang pagod saming 4 habang si Tita ay tila walang kapaguran sa pagkwento nakakahiya magpaalam sa kanya kaya lumingon ako kay Third at naabutan ko syang nakatitig sakin, parang nakuha nya ang gusto kong ipahiwatig kaya mabilis sya tumayo at lumapit sa amin. "Mom, it's getting late, they are tired from the trip so we need to let them rest" sabat ni Third habang pumunta sa likuran ko para ako ay alalayang tumayo. Ang o.a ha as if naman di ko kayang tumayo pero linsyak kinikilig ako hahahah "Oh sorry my dear, sige dalhin mo na sila sa guest room Third" madaling sabi ni tita na agad naman naming inilingan. "Wag na po kayong mag-abala tita, nakabook na po kami sa isang hotel dito at naka check in na po si Amor kanina" pagpaliwanag ni Zane kay tita. "ahhww ang sad, you all can stay here as long as you want, gusto kong may makausap na mga dalaga kase lalaki lahat kausap ko dito except for the maids and nakakasawa na ang mga mukha ng mga lalakeng to" malungkot na sabi tita, natawa naman kaming magkakaibigan samantalang narinig namin ang mga reklamo ng kalalakihan. "next time nalang tita, bonding po tayo before kami uuwi, diba girls?" sabi ko para di na sya malungkot. Ngumiti naman agad si tita, kaya nagpaalam na kaming aalis na, magtataxi nalang sana kami ng sinabi ni Third na ihahatid kami papuntang hotel. Tumanggi pa ako dahil nakakahiya na pero ininsist nyang ihahatid kami na sinang-ayunan naman ng pamilya nya lalo na at babae kaming lahat. "Tito, Tita salamat po sa padinner nakakahiya man po pero salamat sa pagtanggap nyo saamin." pagpapasalamat ko sa mag-asawa ganon rin ang ginawa ng 3, nagpasalamat din kami sa mga kapatid ni Third, pansin ko ang panay titig ni Marco kay Carnalyn. Di naman kalayuan sa bahay nila ang hotel na aming binook sabi ni Third kaya mabilis lang din kaming nakarating. Nauna ng bumaba ang 3 kaya bumaba narin ako at nagpasalamat kay Third, akala ko di na sya baba pero nagulat ako ng buksan nya ang kabilang pintuan. "Bat ka pa bumaba, makita ka pa ng mga tao" saad ko sa kanya "So? gusto lang kitang ihatid, anong masama dun?" katwiran naman nya. "Pero Third ok na kami, alam kong pagod ka na din the whole day, you need to rest I dont want you to get sick, ok?" litanya ko sa kanya, pero sya nakatitig lang, andun na naman ang puso kong parang may drum sa lakas ng kabog. Kung di pa sumingit si Zane di pa mapuputol ang titigan namin. "Excuse me ha, pero kanina pa kayo nagtitigan, Amor? wala kang balak pumasok?, Mayor pasensya na sa abala and maraming salamat sa padinner, Una na kami Amor. " sabi ni Zane sabay talikod samin halatang pagod ang lola nyo kase nagmamaldita "Ok baby, you also need to rest, goodnight" paalam neto, akala ko tatalikod na sya pero parang tumigil ang mundo ko nung lumapit sya at hinalikan ako sa noo sabay mabilis na tumalikod sakin at walang lingon lingong sumakay ng kanilang sasakyan. Ilang minuto pa akong nakatayo habang hawak ang moo kong hinalikan ni Third, kung di pa hinila ni Carnalyn ang buhok ko di pa ako babalik sa ulirat ko. "huy! wala kang balak umakyat? kanina pa nakaalis si Mayor ikaw parang timang na nakahawak sa noo at nakangiti" sabi ni Carnalyn sakin, pero parang wala akong narinig at pumasok na ng hotel ng nakangiti. Sheeeeeet ka CLARENCE ZAVIN pafall ka talaga kinilig kong sigaw sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD