Chapter 5

989 Words
Ang bigat ng ulap sa langit, parang babagsak anumang oras. Mula pa kaninang umaga, ramdam ko na ang paninikip ng panahon. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi ito nakakapagpagaan ng pakiramdam ko. Pagkatapos ng trabaho, dumaan muna ako sa grocery para bumili ng kaunting kailangan sa bahay. Habang abala ako sa pagpili ng murang sardinas, may pamilyar na pigura ang nakuha ang atensyon ko sa kabilang aisle. Si Aries? Nakaupo siya sa may gilid, nakakunot ang noo habang nakatingin sa isang maliit na bata na hindi tataas sa limang taong gulang. Ang bata ay nakaupo rin sa sahig, tila nahihirapan sa pagtali ng sapatos niya. Tahimik lang si Aries habang pinapanood ito, ngunit maya-maya lang ay dahan-dahan siyang lumapit. Hindi ko alam kung bakit, pero natigilan ako, pinapanood sila mula sa malayo. Pinasadahan niya ng tingin ang paligid, at nang makitang walang ibang tutulong, lumuhod siya at marahang tinulungan ang bata sa pagtali ng sintas ng sapatos nito. Kitang-kita ko kung paano naging maingat ang kilos niya, na para bang sanay siya rito. "Ganito," marahan niyang sabi. "Ikaw dapat ang nagtataling mag-isa, pero sige na nga." Napatawa nang bahagya ang bata. "Kuya, ang galing mo." Hindi ngumiti si Aries, pero may kung anong lambing sa paraan ng paggalaw niya. Isang bagay na hindi ko inakalang makikita ko sa kanya. Nang matapos niyang itali ang sapatos ng bata, agad siyang tumayo, parang balewala lang ang nangyari. Ngunit bago siya makalayo, mabilis na yumakap sa kanya ang bata. "Salamat po, kuya!" masiglang sabi nito bago tumakbo pabalik sa ina niyang nasa may counter. Napansin kong bahagyang napatigil si Aries. Halos hindi niya agad alam kung paano magre-react. Ngunit sa loob lamang ng ilang segundo, napakamot siya ng ulo at padabog na lumabas ng grocery, tila ba hindi komportable sa nangyari. Natatawang umiling na lang ako. Akala siguro niya hindi ko nakita. Huh. Mukhang may soft spot ka rin pala, Aries. Pagkatapos ko mamili ay naglakad na ako pauwi, bitbit ang aking mga binili at hawak ang payong na hindi ko sigurado kung magagamit ko ba o mas pipiliin ko na lang magtakbo pauwi kapag bumuhos ang ulan. Pero habang naglalakad, napansin kong pamilyar ang pigura ng isang lalaki sa di kalayuan—si Aries. Bakit siya nandito? Katahimikan ang bumalot nang magtagpo ang aming tingin. Hindi ko alam kung itututloy ko ang lakad ko palapit o kung magpapanggap na lang akong hindi ko siya nakita. Pero sa huli, nauna siyang lumapit. "Dilim na," aniya, walang emosyon sa boses. Napakurap ako. "Uh... oo nga." yun nalang naging sagot ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano yung pwede i-comment. Inunahan ko na siya maglakad ulit. Nakikita ko naman na sumunod siya sa aking likuran. Wala akong maisip na sabihin. Ang awkward. Hindi ko rin alam kung bakit parang palagi na lang siyang sumusulpot sa mga pagkakataong hindi ko inaasahan. Pagkakataon kung kailan may kailangan ako. Pagkakataon na kailangan ko ng tulong o di kaya kasama.... "Baka umulan." Rinig kong sabi niya dahil nasa likuran ko parin siya hanggang ngayon. Tumingala ako para tignan ang kalangitan ulit. Totoo nga. Parang sandali na lang at babagsak ang ulan. Nagpatuloy akong maglakad, at laking gulat ko nang sumabay siya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba nag-aalala siya o talagang trip lang niya. Pero hindi naman siya mukhang pala-trip. "Palagi mo bang ginagawang sundan ako pauwi?" tanong ko, sinusubukang gawing magaan ang sitwasyon. "Hindi." Napahinto ako at tinignan siya. "So ngayon lang?" Tumango lamang siya bilang sagot. "Bakit?" - Hindi ko mapigilan mapatanong dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin siya maintindihan. Hanggang ngayon nanatiling misteryoso parin si Aries sa akin kahit ilang beses na kami nagkasalamuha. Saglit siyang tumahimik bago sumagot. "Malamang dahil madilim na." Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko alam kung natural lang siyang ganito o sadyang hindi niya gustong ipakita ang concern niya. Pero kahit anong paliwanag niya, ramdam ko ang intensyon niya. Bigla akong napatigil nang may naramdaman akong butil ng tubig na tumama sa braso ko. Kasunod niyon, bumuhos ang malakas na ulan. Agad kong binuksan ang payong ko, ngunit bago ko pa maitaas nang maayos, isang malakas na hangin ang dumaan at tinangay ito palayo. Hahabulin ko sana yung payong ko ng may kamay humawak sa pulsohan ko. Napatingin ako dun, at tinignan ko si Aries ng may pagtataka. Mga ilang segundo din titigan yun. Nang naalala ko yung payong ko! Hinanap ko kung saan na napunta. Matagal na sa akin yung payong na iyon kaya may sentimental value narin dahil bigay yun ng mama ko. "Ah, hindi!" napasigaw ako, pinapanood ang payong kong naglayas palayo ng palayo dahil sa lakas ng hangin. Wala akong nagawa kundi ang yakapin ang sarili ko ng binitawan ni Aries ang aking pulsohan, ramdam ang biglaang lamig. Pero bago pa ako tuluyang mabasa nang tuluyan, may mainit na tela ang bumalot sa akin. Nagulat ako nang makitang hinubad ni Aries ang suot niyang jacket at ipinatong sa akin bago binuksan ang kaniyang payong. Nahihirapn man sa paghawak dahil sa lakas ng hangin pero nakaya niya itong hawakan ng maigi para hindi lumipad. Napatingin ako sa kanya. Basa na rin ang buhok niya, pero tila hindi man lang alintana ang ulan. Napatitig na naman ako sa kaniyang mukha. Ngayon ko lang na pansin yung kaanyuhan niya sa malapitan kahit na nababalutan parin ng pagkamisteryoso ag aura niya. "Mas mahina ka sa sakit kaysa sa akin," aniya, na parang normal lang ang lahat. Hindi ko alam kung matatawa ako o matutunaw. Pero sa halip, hinawakan ko na lang ang jacket at tahimik na nagpatuloy sa paglalakad kasabay siya sa aking tabi pilit pinapayongan niya ako para hindi mabsa kahit na Siya ay dehado. Sa ilalim ng malamig na ulan, sa tabi ng isang lalaking halos hindi ko pa lubos na kilala, pakiramdam ko'y may kung anong init ang unti-unting lumalapit sa akin. At hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD