Chapter 4

1153 Words
Maaga akong pumasok sa trabaho at agad na inihanda ang lahat para sa araw na iyon. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maialis sa isipan ko ang nangyari kahapon. Paulit-ulit kong naaalala ang eksena kung paano niya hinuli ang magnanakaw—ang bilis ng kilos niya, ang tikas ng tindig niya, at higit sa lahat, ang paraan ng pagtitig niya bago siya umalis na parang walang nangyari. Sino nga ba siya? Habang inaayos ko ang mga panindang delata sa estante, may napansin akong pamilyar na pigura sa kabilang aisle. Napahinto ako sandali, pilit inaalala kung saan ko siya nakita—at doon ko lang na-realize. Siya ulit. Ang lalaking tumulong sa akin kahapon! Napansin ko ang direksyon ng kanyang tingin. Nakatuon ito sa mga instant noodles, tila ba malalim ang iniisip. Kinabahan ako, pero hindi ko na hinayaang lumipas ang pagkakataon. Kailangan ko siyang pasalamatan nang maayos. Lumapit ako sa kanya at marahang bumuntong-hininga bago magsalita. "Uh... excuse me," aniko, halos mahina ang boses ko. Napatingin siya sa akin, walang reaksyon sa mukha. Ngumiti ako nang bahagya, kahit pakiramdam ko'y nanginginig ako. "Gusto ko lang sanang magpasalamat sa'yo sa nangyari kahapon. Kung hindi dahil sa'yo, baka wala na 'yung bag ko. Salamat talaga." Hindi siya agad sumagot. Sandali siyang tumingin sa akin, tapos ay bahagyang tumango. "Wala yun." Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan. Sinubukan kong gawing hindi awkward ang sitwasyon kaya iniabot ko ang kamay ko. "Ako nga pala si Jia." Sa halip na tradisyunal na makipagkamay, tinitigan niya lang ang kamay ko, saka marahang itinaas ang kamay niya na parang magha-high five ngunit hindi itinuloy—parang isang kamay na biglang nag-disappear. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. Mukhang hindi siya sanay sa ganitong pakikipag-ugnayan. "Ikaw? Anong pangalan mo?" lakas-loob kong tanong. Saglit siyang nag-isip bago sumagot. "Aries." Isang simpleng pangalan pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may bigat ang bitaw niya sa mga salitang iyon. Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil agad siyang tumalikod at nagpatuloy sa pagpili ng bibilhin. Napatitig na lang ako sa kanya habang palayo siya. Napabuntong-hininga ako at bumalik sa trabaho, pero buong araw akong hindi mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit may kung anong aliw akong nararamdaman sa kakaibang ugali niya. Pagkatapos ng trabaho, dumaan ako sa isang maliit na karinderyang bukas pa at bumili ng ulam para sa amin ng mga kapatid ko. Napangiti ako sa isipang matutuwa sila sa dala kong pritong manok at monggo. Habang naglalakad pauwi, ramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko—parang may nagbago pero hindi ko pa alam kung ano. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang madilim na eskinita papasok sa amin, muli kong nakita si Aries. Ang kaninang ngiti ko ay napalitan ng pagtataka. "Ikaw na naman?" tanong ko nang hindi ko mapigilan ang sarili ko. Napatingin siya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay. "Dito rin ang daan ko pauwi." Nagtaka ako. "Dito ka nakatira?" Umiling siya. "Hindi." Lalong lumalim ang aking pagtataka. "Eh bakit ka nandito?" Tumingin siya sa malayo, saka bumalik ang tingin sa akin. "Madilim na. Delikado ang daan." Napahinto ako sa saglit, saka ko lang na-realize ang ibig niyang sabihin. Sinusundan niya ako? Para lang masiguradong makakauwi ako nang ligtas? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko—kung matutuwa ba ako o mas lalong malilito. Pero sa kabila ng lahat, may kakaibang init akong naramdaman sa puso ko. Para sa isang estranghero, masyadong maingat si Aries. Nagkibit-balikat ako. "Huh. Hindi naman ako madaling takutin, pero salamat sa concern. Pero seryoso ka ba? Hindi ka ba natatakot sa mga holdaper?" Tiningnan niya lang ako nang walang emosyon. "Dapat sila ang matakot sa akin." Natawa ako. "Okay, Mr. Tough Guy." Hindi ko mawari kung bakit nasabi ko yun. Hindi Naman ako ganito. Baka na impluwensiyahan na ako ni Heika sa mga ganitong biro. Naku! Makurot nga siya sa muli naming pagkita. Habang naglalakad kami, nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap. Mabagal, putol-putol, pero kahit paano may nalaman akong konting detalye tungkol sa kanya. Hindi siya palasalita, pero hindi niya rin ako iniwan. "Kilala mo ba 'yung magnanakaw kahapon?" bigla kong naitanong. "Oo," maikling sagot niya. Napakunot-noo ako. "Talaga? Paano?" Saglit siyang tumahimik bago sumagot. "Dati ko siyang kakilala." May gusto pa sana akong itanong, pero kita ko sa mukha niya na hindi siya komportable sa usapang iyon. "Ano ba talagang ginagawa mo rito?" tanong ko ulit, iniiba ang usapan. "Wala lang," sagot niya, pero hindi ko iyon pinaniwalaan. Napatingin ako sa kanya nang mas matagal. Tahimik lang siyang naglalakad sa tabi ko, pero sa presensya niya pa lang, pakiramdam ko ay ligtas ako. Hanggang sa bigla akong nadulas sa isang malubak na parte ng kalsada. "Ay—!" Mabilis akong natapilok, pero bago pa ako tuluyang bumagsak, mabilis ang kamay ni Aries na sumalo sa braso ko. Napakapit ako sa kanya. "Ang bilis mo ah," sabi ko na kinakabahan. Tiningnan lang niya ako, tila nag-aalalang baka matapilok ulit ako. "Ikaw kasi, hindi tumitingin sa dinadaanan mo," sagot niya. Nagkibit-balikat ako. "Pasensya na..." Hindi na siya nagsalita pa pero hindi rin niya agad binitiwan ang braso ko. Pakiramdam ko, lagi akong ligtas pagsiya ang kasama ko. Napangiti ako nang bahagya. Siguro nga, hindi pa kami lubos na magkakilala, pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko ay unti-unti akong nagkakaroon ng tiwala sa kanya. Nang makarating kami sa tapat ng bahay, huminto siya. "Dito na 'ko," sabi ko, kinakabahang hindi ko alam kung bakit. Tumango lang siya at tumalikod na, pero bago pa siya tuluyang lumayo, napahabol ako ng tanong. "Dadaan ka parin ba dito bukas?" Napahinto siya sandali, "Ewan." bago muling lumakad palayo. Napangiti na lamang ako at pumasok sa bahay ng may ngiti sa labi. At doon ko lang naisip... siguro, hindi ko pa siya lubos na kilala, pero hindi ko rin maiwasang maramdaman na ito ay simula ng kung anong hindi ko pa kayang ipaliwanag. Pagpasok ko, sinalubong ako ng mga kapatid kong sabik sa pasalubong na dala ko. "Ate! Pritong manok?!" sigaw ni bunso, halos malaglag ang laway sa tuwa. "Oo naman! Sige, hugas kamay na kayo, kakain na tayo," sabi ko habang inilalapag ang pagkain sa lamesa. Inayos ko rin ang mga gagamiting kubyertos. Nakikita ko sa mga mukha ng mga kapatid ko ang tuwa sa maging ulam naming. Excited ba namang umupo sa upuan eeh... Habang kami ay kumakain, nagkwento ako nang bahagya tungkol sa nangyari kanina, pero hindi ko na idinetalye ang tungkol kay Aries. "Eh Ate, pano kung may iba pang magnanakaw na sumulpot?" tanong ni bunso, may bahid ng pag-aalala. Napangiti ako at hinaplos ang ulo niya. "Huwag kang mag-alala, kaya ko nang mag-ingat." Pero sa loob-loob ko, iba ang nasa isip ko. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko... hindi lang iyon ang huling beses na makikita ko si Aries. At sa hindi ko maintindihan na paraan, hindi ko alam kung bakit gusto ko pang makita siya ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD