Nagising na naman ako nang may masakit na ulo. Grabe, ilang beses ba kailangan na gumising ako ng may hang-over? Tsk. "Gising ka na pala," nagulat ako sa nagsalita sa loob ng kwarto ko. Hinanap ko `yon at nakita kong naka-upo siya upuan sa study table ko. Lumapit siya sa`kin at binigyan ako ng kape. "Ano'ng ginagawa mo dito?" walang emosyon na tanong ko sa kanya. "Inaalagaan ka, lasing na lasing ka kagabi, eh. Oh, inumin mo `to," sabi niya at binigay sa `kin ang kape. Ininom ko ito at pagkatapos no'n naramdaman kong kumirot ang ulo ko kaya napangiwi ako. "Umalis ka na." Inilapag ko na ang tasa na may lamang kape sa side table. "Hindi ako aalis, kailangan mo ako," giit niya at umupo sa gilid ng higaan ko. "Hindi ko kailangan ng taong iiwan din pagdating ng araw. Umalis ka na." "Sino

