Chapter 49

1585 Words

"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa babaeng palaging tinatawag ako na anak. Nakita ko sila Tatay at Kuya na nasa couch nakaupo. Parang wala silang pakialam na nandito itong babaeng ‘to at naghahanda ng hapunan. "Tay, Kuya, bakit ninyo pinapasok ang babaeng ‘to?" Tumayo si Tatay at lumapit sa `kin. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "Anak, mag-usap muna kayo ng Nanay mo, ah?" sabi sa `kin ni Tatay. Magsasalita pa sana ako pero umalis na sila ni Tatay at pumanhik sa taas. Bumaling ako sa babaeng ‘to na hindi ko maikakailang kamukha ko. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa `kin at pinaupo ako. "Anak, nag-usap na kami ng Tatay at Kuya mo. Okay na sa kanila, magkaayos na kami. Sana, tayo din magkaayos na," sabi niya habang nakaupo sa harap ko at hawak-hawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD