Oras na marinig ko `yan mula sa bibig niya, tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ininom ko lahat ng alak na nandito sa harap ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nilunod ko ang sarili ko sa alcohol, baka sakaling mawala `yong sakit na nararamdaman ko sa sugat sa puso ko. Baka sakaling gumaling `yong sugat sa puso ko kapag nilunod ko ang sarili ko sa alcohol na 'to. Pero hindi eh. Walang epekto. "Tama na, Gabby. Ang dami mo nang naiinom." Pag-awat sa `kin ni Mike. Ngayon mo pa talaga ako inawat sa pag-inom, Mike? Kung kailang nasaktan mo na ako ng sobra-sobra. "Wala kang pakialam!" Ininom ko ulit `yong isang bote pa. Pero inagaw naman niya `yon. "Tama na sabi!" Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko at tumayo. Nang tumayo naman ako ay muntikan na akong matumba

