"Mahal na mahal kita, Gabriella. Handa ako'ng tumanda kasama ka. W-Will you be my. . .girlfriend?" Matapos niyang sabihin `yan, pakiramdam ko gusto ko na lang mamatay. Ayokong sumagot. Ayokong sagutin `yong tanong niya. Bakit? Kasi oras na sumagot ako pareho kaming masasaktan. `Pag pumayag ako, masasaktan ko ang sarili ko kasi hindi ko siya mahal. Kapag naman hindi ako pumayag, masasaktan ko siya. Ayokong maramdaman niya `yon. Dahil kapag nasaktan ko siya, masasaktan rin ako. `Yon ang pinaka-ayaw kong mangyari. Ang masaktan siya. "N-Nikko, n-nagbibiro ka, ‘di ba?" Umaasa akong sabihin niyang oo. Pero umiling lang siya. "Hindi. Seryoso ako, Gab." Lumayo ako sa kanya at tumayo. Isinuot ko ulit ang sapatos ko na hinubad namin kanina. "U-Ugh, aalis na ako. Baka hinahanap na ako sa `min,"

