Hinatid na ako ni Nikko pauwi. Nagkataon lang pala na nandoon siya sa mall kanina dahil inutusan siya ng kapatid niyang bumili ng makakain, pati ng materials na kailangan nito para sa project. Nakakatuwa naman, bakit palagi siyang nasa malapit sa tuwing kailangan ko ng makakausap? "Mahal mo talaga, ‘to?" sabi sa `kin ni Nikko bigla. Naglalakad-lakad lang kami ngayon. Medyo malapit lang sa village na tinitirhan ko. At 8:00pm na rin pala, ang bilis ng oras. "Sobra pa sa description ng sobra. I'm sorry, Nikko," sagot ko sa kanya. Nasa likod namin pareho ang mga kamay namin habang naglalakad. Ang lamig ng hangin. "Okay lang. Sanay na ako. Sanay na ako kahit na sobrang sakit sa pakiramdam. Sanay na ako dahil araw-araw ko naman nararamdaman `yung sakit. Sanay na ako. Pero alam mo `yung mas ma

