CHAPTER 9: ISANG LINGGONG PAG-IBIG

2011 Words
Masaya ang gising ko, dahil sa araw na ito, may boyfriend... na... ako!   Finally, after 27 years, maisasakatuparan ko na ang pangarap ko, ang maging isang ulirang nobya.  Handa na akong pagsilbihan ang aking irog mula umaga, hanggang madaling araw.  Magbantay ng kanyang messenger, at ‘pag may nag-chat na babae, sasabihin niya, kaibigan nya lang. Handang-handa akong patawarin siya, agad-agad, basta may kiss.  Handang-handa na akong kumain sa foodcourt kasama siya ng ililibre niyang potato corner, ‘yung a-29 ₱.  Handa na akong mabungangaan ng nanay niya, at sasabihing bad influence ako sa anak niya ‘pag may ginawa itong katarantaduhan.  Handa na rin akong magbilang ng araw ng aking monthly period, at makaramdam ng kaba, pagnade-delay.  Nakaka-excite naman! kailangan kong sulitin ang eight days ng pagkakaroon ng boyfriend. Yes, eight days. Ang totoong handa ako? Handa na akong laruin ang laro ng mga treasure hunters na ito.  Day 1, let the treasure hunter game… begin.  Pumunta ako sa inaayos na malaking barko ng mga treasure hunters, malapit lang ito sa pampang kung saan sila nagti-training ng kanilang fighting skills. Ito raw ang gagamitin namin para makapunta sa isla kung saan nakabaon ang treasure ng lolo. Well, 'yun ay kung kasama pa ako. At ayun na nga, nandito ako para bisitahin ang napakagwapo kong boyfriend na si Jin.  “Hi Babe! Ang sipag-sipag naman.” Bati ko sa nagbubuhat ng tabla na si Jin. Tiningnan niya lang ako, wala siyang reply.  “Gusto ko sanang mangisda, napapagod na ‘kong kumain ng kamatis, pwede mo ba kong samahan?” Aya ko sa kanya.  “Hindi, nagmamadali kaming tapusin ang barko para mahanap na natin ang treasure.”  “Gusto ko lang naman ng quality time kasama ka.”  “Bakit ba kasi kailangan mo ng boyfriend? at saka, bakit ako?” “Gusto kong ma-experience maging boyfriend ka bago lumubog ang barkong ‘to at malunod ka!” “Ako ang malulunod?”  “Kasi ako si Rose, ikaw si Jack, ipapaubuya mo sa’kin ang pinto ‘di ba?” “Walang pinto ang barko natin, puro lang ‘to tabla, nakikita mo ba?”  “Wag ka nang magalit sa’kin, gusto ko lang namang makilala ka. Sige, tutulungan nalang kita diyan.”  Imbes na maging toxic ang relationship namin, sinubukan ko nalang maging sweet sa kanya. Tinulungan ko siyang magbuhat ng tabla paakyat ng barko. Habang sabay naming ginagawa ‘to, nakikipag-kwentuhan ako sa kanya.  “Jin, ilang taon ka na ba?”  “25.”  “Huh? Ano ba ‘yan mas matanda pa pala ako sa’yo.” “Syempre naman, nung unang kita ko pa nga lang sa’yo, akala ko tiyuhin kita.” “Bastos ka ah, ang bastos bastos mo.”  “Ikaw ang bastos, sino ba ang naninilip ng higante?”  “Hindi ako ‘yun, sumama lang ako kay Camille, kinikwentuhan niya ako tungkol sa mga abubakar.”  “Obrubrakar.”  “Oo basta ‘yun, ‘yung mukhang baboy ramo daw na kulay brown, tapos lumilipad, tapos nangangain ng kaluluwa... nakakatakot naman.”  “Naku, ‘wag kang matakot dun, hindi ka nila kakainin.”  “Bakit naman?”  “‘Pag nakita ka ng mga obrubrakar, baka isipin nilang pamilya ka nila.”  “Bastos ka talaga Jin, ano?”  Pikon na pikon na ako kay Jin, binagsak ko ang mga binubuhat kong kawayan at nag-walk out. Iniwan ko si Jin na tawang-tawa, ganon din ng iba pang mga hunter na narinig ang mga hirit niya sa’kin.  DAY 2 Naging dyosa ako ng karagatan sa araw na ito, dahil ako lang naman ang nakakahuli ng balde baldeng isda sa grupo. Matagal na rin silang nagtitiis sa kamatis at patatas, dahil bukod sa busy sila sa training, bobo sila sa fishing. Kaya natuwa ang mga hunters sa akin nang makakain sila ng inihaw na isda. Impress na naman si prof Elmo sa fishing skills ko, pati rin si Jin, kahit ‘di niya aminin.  DAY 3 & 4 Gamit na gamit ang mga natutunan ko sa mga teleserye ni Angel Locsin sa 7. Nag-ala Sabina at Alwina ako sa martial arts, arnis at kung anu-ano pang fighting skills na pinagawa sa training. Halos nga mabali ang leeg ko kakatingala, higante ba naman ang trainer ko, nakakaloka.  DAY 5 Ako na naman ang dyosa ng araw na ‘to, palagi akong panalo sa sparring at kinakatakutan akong kalaban ng mga hunters. Hangang-hanga sa’kin si Heron, nagka-ayos na kaming dalawa at nag-fist bump, hindi ko namang akalaing lalakasan niya ang pag-urong ng kamao niya, kaya tumalsik ako sa dagat. Buti nalang at to the rescue si Jin, inahon niya ako sa tubig kahit marunong naman akong lumangoy. Nagkunwari akong nalunod at hiningian ko siya ng mouth to mouth habang karga niya ako papunta sa pampang, pero mission failed pa rin. Napaka-arte talaga.  DAY 6  Inanunsyo ni Prof Elmo na malapit ng matapos ang inaayos nilang barko, mukhang handa na rin daw ako sa paghahanap namin sa treasure kaya baka sa susunod na linggo, papalaot na kami sa isla kung saan nakabaon ang kayaman ng lolo. May tatlong araw pa ako para mag desisyon sa magiging kapalaran ko.  Sa araw ding ito, tinuruan ko mangisda ang mga hunters, para naman hindi puro kamatis ang kinakain nila. Grabe lang ‘yung kaligayahan nila tuwing nakakahuli sila ng kahit dilis. Mukhang unti-unti nang gumagaan ang loob ko sa kanila, pareho lang kasi kami ng gusto, gusto lang naming sumaya.  Nagsama-sama ang lahat ng mga hunters mag-dinner, gumawa kami ng isang malaking bilog sa pampang at pinagsaluhan ang mga inihaw na isda. Katabi kong kumain si Jin, in fairness, hindi niya na ako inaaway, binigyan niya pa ‘ko ng mga iniihaw niyang isda. Gusto ko sanang tumili sa kilig pero… ayon, ngumiti nalang ako at hinawi ko ang humahaba kong buhok sa tenga.  Katabi ko rin si Camille at ang kanyang boylet na si Daryl. Siya ‘yung payat pero balbasing lalake na bumuhat sa’kin dati. Humiyaw si Daryl ng malakas na parang sarap na sarap sa kinakain.  “Yuhooo… ang sarap-sarap ng isdang ito, kasing sarap ng pagmamahalan namin ni Camille.”  “Mahal, ie...ano ka ba nakakahiya.” Pag-awat ni Camille sa ume-eksenang boyfriend. Tumayo siya at tiningnan ang ibang mga hunters.  “Mga kaibigang kong treasure hunters, makinig kayong lahat. Saksi kayo sa pagmamahalan namin ni Camille dito sa camp, alam kong alam niyo kung gaano namin kamahal ang isa’t-isa, kaya ngayon, gusto namin kayong makasama sa pagkakaroon namin ng pamilya.”  Naghiyawan ang lahat sa speech ni Daryl. Ibinalik ni Daryl ang tingin kay Camille at lumuhod. Muling nag hiyawan ang lahat. “Camille Franz Saballa, you’re my only treasure in this world, will you be my treasure hunter wife? Will you marry me?” Sabi ni Daryl sa naluluhang si Camille habang inaabot ang singsing.  “Syempre naman mahal, pakakasalan kita, mahal na mahal kita ie.” Isinuot ni Camille sa hinlalaki niya ang maluwag na sing-sing, sabay na nagpalak-pakan at naghiyawan ang lahat.  DAY 7  Kasalan na agad, syempre beach wedding ito.  May mga simpleng bulaklak lang na idinisplay sa aisle. Of course ako ang flower girl, kaya feel na feel kong maglakad sa aisle habang tinitingnan ang best man na si Jin. Si Prof Elmo naman ang tumayong witness sa kasalang ito. Ninang naman si Miss Flor, dating doctor. Sabi sa chika, mukhang may something din daw si Prof Elmo at si doktora,‘di pa confirm, pero kung makarampa si doktora 'kala mo sila ang ikakasal ni Prof Elmo.  Ayan na ang bride, syempre maganda ‘yan, ako ang nag-ayos diyan, buti may baon siyang puting bistida, pinalibutan nalang namin ng bulaklak para gumanda.  Habang ikinakasal si Camille at si Daryl, sobrang saya ng puso ko pero nakakaramdam ako ng lungkot at inggit at the same time, gusto ko ring maging bride at maglakad sa altar habang hinihintay ng taong magmamahal sa’kin ng habang buhay, gusto kong maranasan ang nararanasan nila ngayon, pero alam kung imposibleng mangyari ‘yun sa buhay ko. Naluluha akong pumalakpak habang ‘kiss the bride’ na.  “Uy OK ka lang?” Tanong sa’kin ni Jin.  “Wala, ang saya lang... ang magical ng konsepto ng kasal, ‘yung pinili mong matali sa isang tao kasi pinili mo siyang maging parte ng habambuhay mo, sana lahat pwedeng maranasan ‘yung ganon.”  “Mangyayari ‘yun sa'yo Maik… balang araw.” Sabi ni Jin habang nakangiting tumitig sa’kin.  Ewan ko, sumigla lalo ang saya ng puso ko, kaysa tumili ako, binalik ko nalang ang tingin ko sa bagong kasal at pumalakpak ng malakas.  Nagkaroon ng masayang ‘after wedding party’ kinagabihan. Nagpasalamat sa’kin ang bagong mag-asawa at nagpaalam na aalis na sa party.  “Magha-honey moon na kayo?” Nahihiyang tumango ang dalawa.  “Sama ako.” Sabi ko.  “Sige, tara.” Excited akong kinawayan ni Camille.  Reading-ready na akong sumama sa bagong mag-asawa ng sawayin ako ni Jin.  “Psst-psst… Hoy ikaw, weird mo talaga noh? Ba’t ka sasama sa honeymoon? Sige na, enjoy na kayong dalawa, ako ng bahala dito.”  “Sige, next time nalang Maik, gagalit na boyfriend mo. Alis na kami.” Excited na umalis ang bagong mag-asawa para mag-honey moon. Naiwan akong kasama si Jin.  “Ang KJ mo talaga, titingnan ko lang saglit.”  “Alam mo? ang baboy mo... Ba’t ‘di nalang tayo mag…”  “Mag-honey moon din?”  “Mag-sayaw... ayun oh, may tumutogtog dun oh.”  “Niyayaya mo akong magsayaw?” Parang nahihiyang tumango si Jin sa tanong ko.  Sumaya ulit ang puso ko, first time na may nag-aya sa’kin sumayaw.  Sumayaw kami sa ilalim ng buwan kasabay ang ibang mga couples na sumasayaw rin sa love song na tinutugtog at kinakanta ng mga musikerong hunters. Hindi ko mapigilan ang lakas ng t***k ng puso ko sa tuwing tinitingnan ko ang mga mata niyang nakatitig sa’kin. Jin, tama na please, marupok ako.  Habang lumalim ang gabi, lumalalim din ang pagkakakilala namin sa isa’t-isa. Nagkwentuhan at nagbiruan kami habang nakaupo sa dalampasigan.  Masaya na malungkot ang naging buhay ni Jin, adopted pala siya ng lesbian couple na sobrang minahal at inalagaan siya.  Sinuportahan din siya ng mga ito sa hilig niya sa soccer. Naging malungkot ang lahat nung parehong pumanaw ang itinuring niyang mga magulang. Balak sana nilang surpresahin si Jin sa tournament nito abroad pero aksidenteng nag-crash sa dagat ang eroplanong sinasakyan ng dalawa. Naulila siya at pumasok sa seminaryo at doon niya nakilala si Prof Elmo. Katulong si Prof Elmo ng kaibigang pari sa pagsasagawa ng exorcismo. Naenganyo si Jin sa paranormal activities at nakipagtulungan kay Prof Elmo sa pag-asang makikita niyang muli ang kanyang adopted parents sa kabilang buhay.   Nakangiti at lumuluha si Jin habang ikinukwento niya ang mga ito. Sumandal ako sa braso niya at patuloy na pinagmasdan ang kanyang pag-iyak. Gusto ko na siyang samahan sa kanyang journey bilang treasure hunter at bilang si Jin.  DAY 8 Masaya ang gising ko today habang inaalala ko ang sweet moments namin ni Jin. Kinikilig ako,  posible kayang magustuhan niya 'ko? Napagdesisyunan ko ng hindi na ituloy ang mga binabalak ko, at gawing memorable ang first weeksary namin. Excited na ako sa 'celebration of love' namin sa Bundok ng Romansa.   Papunta sana ako sa tent ni Jin, pero agad ko siyang nakita na may kasamang magandang babaeng hunter sa dalampasigan. Masaya silang nagkukwentuhan habang namumulot ng mga sea shells.   Walang patumpik-tumpik na bumalik ako sa tent na tinutuluyan ko.   Ang sakit nun ah! Kung bakit ba naman kasi ako asumera, sinayaw lang, nginitian lang kala mo naman talaga magugustuhan ka?  Ganda ka teh? ayoko na, gusto ko ng umalis sa lugar na 'to, hinding-hindi na ako magiging treasure hunter. Tuloy ang plano!   To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD