CHAPTER 8: BUNDOK NG ROMANSA

1510 Words
R-16 Awtsu.  Parang na-stroke ang mga bones ko sa likod sa pagkakabagsak ko sa buhangin.  Hindi ako makagalaw.  Naririnig ko ang mga hunters na inaawat nila ang higante dahil gusto pa atang rumesbak at naghuhumiyaw sa sakit ng mata.  Binuhat at itinakbo ako ni Jin katuwang ng iba pang mga lalakeng hunters sa isang tent.  “Hindi ako makagalaw, parang kailangan ko ng mouth to mouth.” Sabi ko matapos nila akong pahigain sa kamang gawa sa kawayan.  “Huh? Luh, hindi kami marunong niyan.” Sabi ng isang lalaking hunter, payat pero mahaba ang bigote.  “Hihingahan niyo lang ang bibig ko, tapos konting push sa dibdib mga ganon.”  Tumingin ako kay Jin na nasa may bandang paanan ko.  “Jin, halika dito, tuturuan kita.”  “Marunong akong mag CPR, pero kung gusto mo magpa-CPR, ‘wag ka munang hihinga ng five minutes.” Sabi ni Jin.  “Hindi ako hihinga, edi namatay ako non.” Sagot ko sa sinabi niya.  “Ayon, sakto, kailangan mamatay ka muna.” Sumimangot ako at nangingiwi sa sakit ng likod at sa pagi-inarte ng mga taong 'to.   Isang babae ang nagmamadaling pumasok sa tent at agad na lumapit sa’kin.  “Anong nangyayari? Kumusta na siya?” Sabi ng babae.  “Ayan, masakit daw ‘yung likod, i-mouth to mouth daw namin siya.” Sabi ulit ng lalaking mabigote.   “Huh? Siya pa talaga ang nagsabi na i-mouth to mouth siya? sige na, lumabas na kayo, ako ng bahala rito.”  Nagsilabasan ang mga lalaking hunter at naiwan kaming dalawa.  “Ako si Flor, dati akong doctor.”  Flor, dating doctor, gandang rhyme teh. Mabait naman siya, chineck niya ang mga nararamdaman at kalagayan ng likod ko, mukhang legit naman siya na dating doctor, pero ano naman kaya ang ginagawa ng dating doctor dito?  “Ang nakikita ko sa ngayon, nalamog lang ‘yang likod mo dahil sa pagkakahulog pero mukha naman walang serious damage, ipagpahinga mo lang muna ng maigi for now.” “Doktora… I mean, dating doktora, kailangan kong madala sa ospital, kailangan kong magpa-CT Scan, X-Ray, laboratory, ultrasound, hindi mo ako pwedeng pisil-pisilin lang.”  “Hanggang dito ba, kinukwestyon pa rin ang pagiging doktor ko? Oo nga naman, hindi ka dapat magtiwala sa’kin bilang doktor. I was fired as a doctor, nasira ang reputasyon ko dahil lang sa isang pagkakamali, tinakasan ko ang dati kong buhay kasi wala ng gusto tumanggap sa’kin because of that one simple mistake! Akala ‘ko, never ko na ulit mararanasan ang discrimination na ‘yun dito sa camp but you just did Mr. Francisco, you just did. Ahuhuhuhuhu...” Humagulgol ng iyak si Flor, dating doktor, palabas ng tent at parang... anong kasalanan ko? Gusto ko lang naman magpa-xray, ako pa ang nasisi sa mga pinagdaraanan niya sa buhay.  Makalipas ang ilang minuto, si Prof. Elmo naman ang pumasok sa tent, tanggal na ang mask niya at dala-dala ang isang galon ng bote, may itsura pala si prof Elmo pero mukhang maangas na rakista. Kinamusta niya ang kalagayan ko at inalalayan sa pag-inom ng tubig.  “Ang tapang mong makipag-boxing sa higante, thank god hindi mo na bulag si Heron kung hindi, he’s gonna eat you alive brother, seriously. Anyway, lilipas din ang galit non, at pag nangyari ‘yun, kailangan niyong magkaayos dahil isa siya sa magtuturo sa’yo na makipaglaban.” Sabi ni prof Elmo.  “So, paninindigan mo na talaga ang pangingidnap sa’kin? hindi mo ako iuuwi sa’min?” “Makakauwi ka sa oras na makuha na natin ang treasure.”  “Bakit ‘di ka mag-treasure hunting ng mag-isa? nagrecruit ka pa ng mga taong miserable ang buhay, for what? para makalimutan nila ang totoong problema nila? self issues, family issues or whatsoever? Kunwari nakahanap sila dito ng pamilya but the bottom line, alipin-mo-lang-sila, sunud-sunuran lang sila sa mga pinapagawa mo, at akala naman nila magiging happily ever after ang lahat pagnahanap niyo na ang treasure... Prof Elmo, masyado kang ambisyoso, hindi ko alam ang trip mo sa buhay pero please lang, ‘wag ka nang mandamay ng ibang tao para isama mo diyan sa fantasy world mo.”  Natulala si Prof Elmo sa sinabi ko ng ilang minuto. Pag-uminit ang ulo nito sa’kin, naku, magiging baldado na ako habambuhay. Hindi ko kasi kayang pigilan ang bibig ko pagdating sa mga oportunista na 'to, kailangan nilang masampal ng katotohanang walang katuturan ang mga ginagawa nila.  Tumayo siya at naglakad-lakad.  “Actually, Francisco, you’re impressive huh, ano, I have to admit that you’re sharp, magaling, magaling kang mag-isip. But if you stay here a little bit longer, you will understand that treasure hunting is passion, and we do this because, we believe... that this is our major definite purpose in life and this is our way to help and build our nation, sabi mo nga mayaman ka, hindi mo kailangan ng pera, pero pano ‘yung namamatay na sa gutom ngayon? titigan mo lang ba sila kung meron lang namang kayamanan na nakabaon sa lupa na pwedeng bumuhay sa kanila? huh, Francisco? ito ‘yung paraan na gusto namin to have a purpose in this planet, there’s no turning back, ang dami ng nasakripisyong buhay, we’re invested so much, and if you’re the only key to the treasure, I will do everything to get you.”  At nag-walk out siya.  Grabe na talaga ang mga tao dito, pagkatapos akong dramahan, magwu-walk out. Ewan ko sa’yo Prof Elmo, basta tatakas ako dito, hinding-hindi mo ako pwedeng gamitin dahil unang-una sa lahat, hindi kita type. Tse. ‘‘Day 2’ sa training camp. Naging OK na ang pakiramdam ko, tulog lang pala talaga ang kailangan. After all, magaling naman pala talaga si Flor, dating doktor. Pero ang alam ng lahat masama pa rin ang kalagayahan ko, kailangan ko munang magpanggap na baldado habang nag-iisip ng paraan para makatakas.  Inasikaso at pinapakain naman nila ako, kaya lang, puro kamatis. Sa breakfast, tortang kamatis, lunch, pinaksiw na kamatis, dinner, tomato salad. Nakatakda siguro akong maging puno ng kamatis. “Hello Maiki, magandang araw.” Bati ni Camille na walang pasintabing pumasok sa tent at may dala-dalang bungkos ng bulaklak.  “Oh my gosh… hahaha sobra ka, hindi na kailangan ng ganyan, grabe ka naman… pero thank you.” Tuwang tuwa kong sinabi sa kanya habang sinusubukan kong abutin ang dala niyang bulaklak.  "Ang gaganda, sa'n mo pinitas?" dagdag ko.   ‘“Ay hindi sa’yo ‘to, akin ‘to. Bigay ‘to ng boyfriend ko.”  “Masakit ang ulo ko, umalis ka muna, hindi ako tumatanggap ng bisita.”  “Ito naman, ‘di ka muna kasi nagtanong, weeksary namin kahapon kaya may flowers ako ngayon. Ang saya-saya ko nga kasi sa sobrang dami ng naging boyfriend ko, feeling ko siya na ‘yung pakakasalan ko.”  “Parang inubos mo naman lahat ng lalake sa mundo, ilan ba naging boyfriends mo?”  “Konti lang, siguro 17 ang naka-on ko, 17 din ‘yung parang fling lang, 4-2, bale 24 lahat sila.”  “17 plus 17, 34 ‘yun, gaga!”  “Ay oo nga pala, hindi ko na carry one, so ayun nga, Ikaw kumusta ka na?” “Ito, nanghihina pa rin ako, feeling ko kailangan ko rin ng boyfriend.”  “Edi magboyfriend ka, alam mo, dito sa camp, isa sa mga tradisyon namin dito, kapag may jowa ka, pwede kayong umakyat sa bundok ng romansa every weeksary ninyo.”  “Bundok ng romansa?” “Oo, maganda don, sariwa ang hangin, maganda ‘yung view, napaka-romantic, magugustuhan mo don baks… Kaso, mag-jowa lang ang pinapayagang pumunta don, pag-weeksary or monthsary nila for the 'celebration of love'!”  “Celebration of love? Ano namang kaganapan sa 'celebration of love na 'yan?” Tanong ko kay Camille.  "Uhm, parang birthday celebration lang, 'di ba sa birthday party, may binoblow ka na candle? Parang ganon lang din, blow blow blow lang din. Ito, bigay ko nalang sa'yo 'tong isang daisy para sumaya ka naman."  Inabot sa'kin ni Camille ang isang piraso ng Daisy na kulay purple. Kahit isang piraso lang, mabango at out of this world ang ganda. In fairness.  "Hmmmm..." Habang tinititigan ko ang bulaklak na ibinigay sa'kin ni Camille, masinsinan kong iniisip ang aking mga killer plan.  Kinagabihan, dinalhan ako ni Prof Elmo ng dinner, charan, nilagang Kamatis and tomato juice.  Bago paman ako magsilang ng kamatis, sasabihin ko na ang umaatikabong proposal ko sa kanya.  “Prof Elmo, tinatanggap ko nang maging treasure hunter mo.”  “Well, good. Pag magaling ka na, uumpisahan na natin kaagad ang training.”  “Pero may kondisyon.” “Oh, condition? Game, sabihin mo lang.” “Kailangan ko ng boyfriend.”  “Boyfriend?”  “Boyfriend, bigyan mo ‘ko ng boyfriend.” Madiin kong sinabi kay Prof Elmo.  To be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD